Nagising ako sa sobrang lamig maginaw ang papatapos na taon at dalawang araw na lang ay bagong taon, humikab pa ko parang kulang pa ata ang tulog ko. Ang sarap pa rin humilata mula ng december 27 ay bakasyon na namin tatlong araw na kong ganito puro hilata at maglilimang buwan na rin itong tyan ko at halata na sa tiyan ko pinagbubuntis ko. Humaba na rin ang buhok ko na abot tenga na pala kaya pagbangon ko ay itinali ko ng kung ano na lang nadampot ko na rubber band.Humarap ako sa salamin bundat na bundat na nga talaga ako kailangan ko na rin pala bumili ng pang maternity dress. Baka kasi pag nag commute ako ay may makapansin saking kapwa ko pasahero na lalaki ako pero buntis baka usyusuhin ako at pagkaguluhan.
Gabi gabi kasing tumatawag si Grecko namimilit na lumabas kami ang kaso iniiwasan ko na siya ayaw ko ng mapalapit siya sakin. Si Marky naman dalawang araw ng hindi tumatawag sakin nag aalala tuloy ako sa kanya. Nakakainis naman yun nagpapamiss naman. Mamaya ko na lang siya tatawagan.
Nakarinig ako ng kaluskos at pagpag sa kabilang kuwarto. Nagtaka ko kasi wala naman nagamit ng bakanteng kuwarto.
Dali dali akong lumabas ng kuwarto para alamin kung sino naglilinis at bakit ito nililinis?
Nadatnan ko ang mga kapatid ko na naglilinis ng kuwarto.
"Bunso bakit niyo nililinis ang kabilang kuwarto."
"Hala nakalimutan mo na ba kagabi, kausap mo si Kuya Ivler sabi nila dito sila magbabagong taon."
"Nyay oo nga pala nakalimutan ko sinabi pala niya yun kagabi."
"Naku nak hindi ka pa natiturukan ng anaesthesia makakalimutin ka na."
"Pasensya na Mama antok na antok na kasi ko kagabi kaya di ko na naalala sinabi yun Ivler sa videocall namin."
"Ah ganoon ba, huwag mo na kaming tulungan na maglinis nitong kuwarto."
Akma kong kukunin ang walis tmabo para tumulong sa paglilinis.
"Jc kaya na namin linisin yan kuwarto mg kapatid amg gawin mo na lang ay ihanda mo mga bago kong biling kutson para sa mga bisita natin. Tapos palitan mo ng bagong bedsheet itong foam ng kama pati yun sayo rin palitan mo na."
"Yun lang talaga gagawin ko?"
"Hindi lang iyon siyempre tiyakin mong maayos ang lahat ng kakailanganin ng bisita natin ay nakaayos na para hindi naman nakakahiya."
"Yan mga kurtina mga mantel sa lamesa napalitan ko na kaya yan na lang ang gagawin mo asikasuhin mong mabuti si Sir Ivler."
"Sige po Ma, ako na rin ang magluluto para pagkatapos niyo maglinis ay may pananghalian na tayo."
"Sige ikaw na bahala."
"Kuya sarapan mo luto mo ah" singit ng kapatid ko sa usapam namin ni Mama.
"Opo para sayo sasarapan ko."
"Tao po!" tinig ng isang lalaki galing sa pinto sa baba ng aming bahay.
"Naku napaaga naman punta nila," sambit ko ng inakala kong sila ni Ivler ang kumakatok sa pintuan.
"Naku paano ba yan kakaumpisa pa lang natin maglinis dito."
"Wait Mama, check kung sino yun kumakatok."
Maingat akong bumaba ng hagdan para tingnan kung sino ang dumating.
Pagbukas ko ng pinto ay si Gab at kanyang boyfriend na si Louie ang dumating.
"Uy best ikaw pala! At kasama mo si Louie."
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...