chapter 13 Magazine Cover

1K 88 25
                                    


   "Good Morning Everybody," bungad samin lahat ni Sir Grecko.

   Nakatayo ang lahat ng Fit & Glam staff palibot kay Sir Grecko eksaktong ala sais pa lng ng umaga ngayon kaya nagpautos sakin ang ibang staff na magpatimpla ng kape.

   "Good Morning Sir,"

  "All right guys, Im very thankful at maaga kayong pumasok ngayon para matapos natin ang una nating activity
for today." ani ni Sir Grecko.

   "Porsie, nakaready na ba yun studio, Naka set up ba yun mga lights and equipment? Yun photographer na si Mike naka standby na ba?" Medyo nate-tense na si Grecko sa gagawin cover photoshoot.
  
    "Yes Sir si Sir Ivler na lang po ang hinihintay,"  sagot ni Porsie.

    "Strawberry, how about the  wardrobes, yun mga brands na ibinigay ng mga Sponsors isusuot ni Ivler, Okay na ba?"

    "Yes Sir, Sing bango ninyo ni Sir Ivler yun mga isusuot niyang mga clothes,"

    "That's great,"

    "Assistant! Nakapagpareserve ka na ba na ba sa fine dining restaurant na kakainan natin mamayang lunch,"

    "A-a-ah opo Sir Grecko," mautal-utal ko pang sabi dahil parang nakakahawa kasi ang tensiyonadong boses ni Grecko.
  
   Matagal niya kong tinitingnan, makahulugan ang kanyang mga titig, nagtataka ko dahil noon halos hindi niya ako matignan habang kinakausap ako.

    "Okay, I want everyone na magtrabaho ng maayos, ito na ang huling baraha natin para makabawi sa loses ng company ko, gusto kong mag pursige pa tayo sa pagtatrabaho dahil kung magiging #1 top sales ang magazine, itutuloy ko na ang bagong nati lilipatan na building. Biglang binuksan ni Sir Grecko ang projector. Lumitaw ang isang 5 Storey building na plano sa kaliwang  bahagi ng projector habang sa gitna ipinapakita na papatapos na ang buong building.

    "Wow magkakaroon na tayo ng bagong office," sigaw sa tuwa ni Strawberry.

    "Ang shala ng magiging bagong office natin," wika ng Janice umiinom ng kape.

   "So guys alam niyo why I'm pushing all of you to do your best para makalipat na tayo ng bagong building, It' a make or break, kung matatalo tayo ibebenta ko na lang itong property pero with the help of Mr. Ivler Concepcion Im sure we gonna win this.

    "Laban tayo Sir!" Sabi ni Porsie.

    "Fighting!!" wika ng iba.

   Bumukas ang pinto pagkabuka noon ay pumasok si Sir Ivler kasama ang matandang beki manager at si Sir Marky.
 
   Una kong napansin ang kagwapuhan ni Sir Ivler napaka graceful ang mga kilos niya tila may mga nagkikislapan mga maliliit na liwanag na nang gagaling sa kanya parang thai ang datingan niya ngayon naka suot siya ng eyeglasses na bagay na bagay sa kanyang mga mata. Naka suot siya ng napakaluwag na long sleeves na kneeted style yun parang ginantsilyo ang tela pero design lang pala, cream ang kulay nito at naka buka ang tatlong butones nito, bagay na bagay sa black shorts nito at snickers na nike na kulay grey. may dala-dala itong mga pasalubong para sa aming lahat.

    Hayy bakit kaya ang mga artista, singer, mga superstar na katulad niya ay parang literal na kumikinang mga bituin na bumaba sa lupa. Sumunod ko naman napansin ang kagwapuhan ni Sir Marky naka black polo ito ng na may christian dior trademark design with brown pants at white na rubber shoes. Hindi ko din maiwasan ang mapahanga kay Sir Marky napangiti ako sa kanya ng magtama ang aming paningin ngumuso ito sakin na parang hahalik sabay ngiti. Kaya napatawa ako ng bahagya.

   "Okay Guys lets prepare for the cover shoot," saad ni Sir Grecko.

   "Wait check niyo muna guys itong pasalubong ko," ani ni Sir Ivler.

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon