chapter 14 Laban lang!!

1K 87 17
                                    


     Alas kuwatro pa lang ng madaling araw nang tawagan ako ni Marky para gisingin, upang maagang makapaghanda sa pag alis namin ni Sir Grecko. Ganito daw talaga ang amo ko, very punctual at naniniwala sa kasabihang  "An early bird catches the worm." at maagang lumalarga kapag may mga out of town business meeting at mga conference na dinadaluhan.

    Nakaka in love ang bedroom voice ni Sir Marky, nakakagising ng diwa ang mga napaka sweet na pagsabi niya ng pangalan ko sabay i love you. hindi ko tuloy maiwasan na magkagusto na sa kanya at nadedevelop na ko ng husto sa kanya.

    Sa paglipas ng mga araw, masasabi kong hindi na hindi ba niya ko pinagtritripan dahil sa mga todo effort na ginagawa niya; lagi niya ko inihahatid pauwi at araw-araw may nakikita kong chocolates sa desk ko. halos yakapin ko ang unan ng paulit-ulit ang mga i love you naririnig ko kay Marky sa kabilang linya.

    Maya-maya ay  parang lumalalim ang paghinga ni Marky.
 
    "Jace, I really love you," pabulong na sabi ni Marky sa kabilang linya
 
    "Oo na paulit-ulit talaga,"

   "Jace, I need you badly,"

   "Marky ene be nekekeinis ke ne," naiihi na ko sa kilig na nadarama ko.

    "Im so horny right now Jace, Come to my pad please," 

    Huh ano daw bulong ko sa isip ko.

   "Aaaaghhhhh," ungol ni Marky.

   "Bwisit ka! Ang manyak mo talaga, makaligo na nga!"

   "Jace, Joke lang yun hindi ka na mabiro,"

   "Bwisit ka may ginagawa ka pa lang milagro kainis ka,"

    Pinatay ko kagad ang phone ko para hindi na siya makatawag ulit,  sabay bangon  ko sa kama upang maghanda ng gagamitin ko sa pagligo. Mabuti na lamang at pinahiram ako ni Best ng maleta ang ilang magagandang damit, dahil two days  kami ni Sir Grecko sa tagaytay. Sadyang napakabait ng bestfriend ko.

    Biglang sumagi sa isip ko kagabi ng  makita ko ang lip balm at ang  paalala sakin ni Best.

Flashback

    "Best huwag na huwag kakalimutan gumamit ng lip balm dahil alam mo ba pagkatapos kang titigan ng isang lalaki, sunod na titignan niya yun labi mo, kasunod nun yun ganito," sabay nguso niya.

     "Kaya kailangang masarap ang labi mo, heto cherry flavor yan para matamis pag hinalikan ka ni Grecko.

    "Grabe ka Best walang magaganap na ganoon, diring diri nga sakin yun taong yun asa naman ako at saka,"

    Biglang napansin ni Best Gab na nagbago ako ng mood marahil naalala niya din, Ang gabing hinalikan siya ni Grecko.

    "Pasensya na Best sa nakita mo nabigla ako sa ginawa ng maldito mong Boss, Hindi kita nahabol agad kasi tinuldukan ko na ang lahat-lahat,"

   "Huh paano?" tanong ko.

   "Sinabi ko aalis na ko kinakabukasan at pupunta na nang Canada, O di ba tapos ang problema natin, tsug tsug o yeah , o yeah," sabay sayaw ni Best Gab na na iwinawagay  ang mga kamay sa ere.

    "Kaya hindi na mangungulit yun na mag aya ulit.

   "Kaya Go Bes! Nararamdaman ko magkakajowa ka na" sabay gulo ni Best Gab ng buhok kong kulot-kulot.
  
    "Sa panget kong to, Asa pa ba ko Best?"

    "Maganda ka Best magtiwala ka lang sa sarili mo."

              

                    **********

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon