Jace povBago ko imulat ang aking mata naramdaman ko na sobrang lamig ng kuwarto parang naka full ata ang aircon dahil sobrang lamig maski ang ang unan ko na sobrang lambot at comforter ay napakalamig.
Pero teka comforter wala naman kaming comforter dito sa bahay ang mayroon lang kami ay manipis na kumot dahil mag iisang taon ko ng gamit ito na di pa napapalitan ng bago, at maski aircon ay wala din, hindi ko pa man naimumulat ang aking mga mata pero nakakapagtaka bakit nasa malaking kama ako."Hmmmm" ungol ng lalaking nakahiga din sa kama. Napagtanto kong may katabi pala ako.
Natulog akong may katabi? eh simula noon mag higschool ako ay humiwalay na ko ng kwarto sa mga kapatid ko. Kung noon ay nakikishare pa ko ng higaan sa baba ng double deck katabi si bunso. Ngayon na may sarili na kong kuwarto simula noon ay wala ni isa sa kanila nakitulog sa higaan ko. Ano ba tong nangyayari kaya dahan-dahan kong iminulat ko ang aking mga mata nang may mabigat, matigas na bisig at braso ang dumantay saking tyan.
Nagulat ako nang makita ko ang tulog na si Grecko na nasa tabi ko. Muli na naman akong nabighani sa kanyang kagwapuhan sobrang tangos ng ilong niya, makakapal ang mga kilay at ang kanyang pilit mata ay nakakaaliw mahahaba ito kahit manipis ang tubo. Di rin nakatakas ang maliliit na tubo ng kanyang balbas sa kanyang baba na lalo nakapagbigay ng emphasize sa kanyang jawline.at ang kanyang labing mamumulamula kahit may pagka moreno.
Napakasarap siguro dumapo ang mga labi at balbas nito kung iimagine mong hinahalikan ka ni Grecko. Naakiliti pa ko sa leeg nang maimagine kong hinahalikan niya ko. Patuloy pa ko sa pagtingin kay Grecko nahagilap ng mga mata kong nakalitaw ang malapad na balikat at likod nitong maskuladong-maskulado dahil namumutok ang mga muscles nito.
Teka bakit siyang damit pang itaas marahan kong iniangat ang comforter na tumatakip sa nakadapang si Grecko. Wala rin itong suot na brief. nanlaki ang mga mata ko ng mabatid kong wala din akong suot kahit ano. Nashock ako at napasigaw pero mabilis kong natakpan ang aking bibig upang hindi siya magising.
"Hmmmm," muling ungol ni Grecko na patuloy na natutulog dahil doon sa takot kong magising siya at matuklasan na ganoon ang ayos namin. Umusog ako ngunit nalaglag ako dahil nasa dulo na pala ako ng kama. Ang sakit ng sahig. Sinalo nga ko ni sahig sa pagkakahulog ngunit ang sakit naman.
"Aray ko, ang sakit ng balakang ko," daing ko.
Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahulog nakita ko na may bahid ng dugo ang nahigaan kong bathrobe. Kinuha ko yun at sinuri ko saan galing yun mula sa sahig ay naupo ako biglang kumirot ang aking pang upo.
"Aarrgh ang sakit ng puwit ko,"
"May nangyari ba samin ni Grecko,"
Inalala ko ang nangyari kagabi, tama lasing na lasing si Grecko ng ihatid ko siya dito sa kuwarto. Nang ihihiga ko siya sa kama ay bigla na lamang niya ko hinalikan, hindi ako makapaniwalang hahalikan ako ni Grecko ang sarap ng kanyang mga labi masuyo at malikot ang kanyang labi. Napaka passionate at napakainit, kinabig niya ko palapit nang idiin pa niya sakin ang kanyang mga labi, mabuti na lamang ay nakayakap ako sa kanya dahil lakas ng pwersa niya at bigat ng katawan dahil sa kalasingan. Naging mas mainit pa at malikot ang kanyang mga labi. Tangay na tangay na kami ng init ng aming katawan na aming pinagsasaluhan lalo ng gumapang ang kanyang mga labi mula sa aking mga panga hanggang leeg .
"Grecko," sambit ko ng kanyang pangalan ng tila para akong hinehele sa sarap na idinudulot ng kanyang mga labi.
"uhmmm," tugon ni Grecko habang ang mga kamay niya ay gumapang sa saking bewang.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...