Chapter 36 Baby Greanth

1.1K 64 10
                                    

    Lumipas ang ilang buwan at sumapit na kabuwanan ni Jace, hindi katulad ng mga naunang buwan na maselan ang pagbubuntis niya. Naging magaan ang ika-pito at ika-walong buwan ng pagbubuntis niya.

     Lingid sa kaalaman ni Grecko, naisipan ni Jace na humingi ng tulong kay Chairman Mao, sapagkat ang naturang matanda na isang business tycoon ay may pag aari din itong mga hospital.  Nakiusap siyang nais niyang maglabor sa hospital ni Chairman upang maitago ang pagsilang ng kanyang anak. Malugod naman pinaunlakan ni Chairman Mao si Jace dahil ng mga panahon nasa amerika si Aizen na naka comatose. Si Jace ang nagsilbing alaala niya kay Aizen at bukod doon naging malapit ang loob niya dito, simula ng pinag ingatan mabuti ni Jace ang naiwang dokumento ng mga kumpanya niya sa bangko kung saan sila nagtagpo.

    Nangako din si Chairman Mao na magiging lihim ang kanyang pagsilang anak sa mga kakilala at publiko na walang makakaalam na may isang lalaking himalang nagbuntis at manganganak ng supling.

    Tatlong linggo bago ang huling araw ng pagpasok ni Jace at due date ng kanyang panganganak. Naisipan ni  Grecko na surpresahin si Jace ng Baby shower. Itinaon kasi ang petsa kung kailang ipriprint na ang magazine para may sapat na oras para sa okasyon ang mga empleyado ng Fit and Glam Magazine at Romance Publishing.

     Napuno ng saya ang opisina, puno ng halakhakan at may masasaya pang tugtugan. Bawat isa ay may regalo sa magiging anak ni Jace. Wala naman kuwestiyon at tsismisan na nagaganap sa opisina dahil sa pagiging maasikaso ni Grecko sa panganganak ni Jace. Alam na kasi ng lahat na may nabuo sa pagtitinginan ng dalawa. Alam na ng lahat na ang boss nilang Editor-in-Chief ang ama na ng pinagbubuntis ni Jace.

    "Barbs kumuha ka pa ng mga baso at plato sa pantry." utos ni Porsie.

    "Sure, wait lang ah kukuha na rin me ng tissue."

     Dali-daling nagpunta si Barbs sa pantry. Sinamantala naman ni Jace na sundan si Barbs para makausap ito ng sarilinan. Pagkat si Barbs ang naging pinakamalapit kay Jace kaya sa kanya ito magpapaalam at ihahabilin ang resignation letter. Planong umalis ni Jace sa kumpanya at hindi na muling magpapakita kay Grecko kahit kailan.

      "Barbs,"

      "Oh Jace, bakit may kukunin ka rin ba dito sa pantry?"

     Tanong ni Barbs kay Jace na nakatuon ang paningin sa plato at baso na nakalagay sa drawer.

     Hindi umiimik si Jace nakatingin lang ito kay Barbs na binibilang ang mga plato at basong gagamitin. Kaya dahil doon ay napalingon si Barbs sa papalapit na si Jace.

     "Barbs sa lahat ng mga tao nakilala ko dito sa Fit and Glam ikaw yun tumanggap sakin kung ano ako, ilaw yun nagturo sakin pano magsulat, ginagabayan mo ko palagi sa lahat ng mga trabaho ko kaya nagpapasalamat ako ng sobra sobra sayo."

      "Wala yun ano ka ba Jace, alam mo na di ba beshy beshy na kita noon pa."

     "Kaya nga nagpapasalamat ako sayo, ikaw na bahala umalalay kay Sir Grecko. Alam mo na minsan mainitin ang ulo niya kayo na lang mag adjust para sa kanya. Kasi ang gusto lang naman niya palagi is laging nasa top sales each month ang Fit and Glam magazine at maraming bumili ng pocketbooks."

     "Jace ano ka ba siyempre alam ko na yun at saka naiintindihan naman natin kung bakit palagi siyang ganoon na masungit satin."

      "Ay teka ilana na ba itong mga plato at baso, one, two three four five six...hmm hmm."

      Inisa isa ni Barbs na binibilang ang mga plato at baso.

      "At saka hindi na magiging masungit si Sir lalo na magiging dalawa na kayo na magbibigay ng saya at inspirasyon at inspirasyon sa kanya. Three months ka lang naman mawawala at saka dadalaw dalawin ko kayo ni baby mo sa bahay niyo. Para kang nagpapaalam na mawawala ng forever my gosh!"

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon