Jace povHabang nasa biyahe kami ni Marky pauwi ng pad niya, Iniisip ko pa rin kung bakit napapunta si best Gab sa office at kitang kong inakbayan ni Grecko si Gab. Nakadama ako ng pagseselos kanina pero minabuti kong solohin ko na lang kalungkutan ko dahil baka makahalata si Marky.
Nakakapagtaka lang dahil galit na galit si Grecko samin tapos okay na silang dalawa ni Gab ngayon. Ano bang nangyari? sakin lang ba galit si Grecko. Nag message ako kay best pero hindi pa rin siya nagpaparamdam. Siguro nga okay na sila ni Grecko kaya pinapunta niya sk Gab.
Ganoon na nga siguro , edi wow enjoy happy na ko sa kanila.
"Baby ang lalim ng iniisip mo huwag mong sabihin yun kanina..."
"Hindi ah nakaligtaan ko ng ipagpatuloy ko yun sinusulat kong novel kailangan ituloy ko na mga chapters,"
"Mamaya mag update na ko kasi ang daming followers ang naghihintay ng kasunod na mangyayari,"
"Hmm akala ko nagselos ka kanina ng makita mo sila,"
"Ano nga pala gagawin natin sa condo mo babe?"
"Mag mukbang tatayo mamaya, may inihanda ma kong samgyupsal, hongkong noodles tapos oorder na rin ako ng pizza mamaya pagdating,"
"Mag foodtrip pala tayo mamaya,"
Mabilis na pinaandar ni Marky ang sasakyan mukhang excited na excited na siya sa gagawin namin foodtrip. Pagkarating namin ay kaagad niyang hinubad ang kanyang damit nagsuot lang ang nobyo kong si Marky ng boxershort saka nag apron.Nanunuod ako sa isang guwapong lalaki na very hot chef na abala sa paghahanda ng mukbang namin.
"Babe kamusta na pala ang Papa mo?"
"Okay naman siya Baby nakaka recover na, puwede na siya lumabas next month,"
"Wow thats good, Gusto kong bisitahin ang Papa mo Babe, kailan puwede?
"Gusto mo bukas?"
"Sige paglabas natin sa office,"
Inihanda na ni Marky ang fryer na pag iihawan namin ng samgyupsal, timing naman din dumating na ang inorder na pizza ni Marky. Nang mag upisa na kaming kumain, una kong kinuha ang pizza dahil bangong bango ako sa cheese ng pizza. Takaw na takaw ako sa pagkain ng pizza hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto kong kumain ng kumain ng pizza."Babe bakit ang baho ng iniihaw mo?" sabi ko kay Marky habang hinihintay na maluto ang karne.
"Huh bakit ka nababahuan ang bango kaya,"
"Para kasing nabubulok babe yun amoy,"
Sinamyo ng nobyo ko ang usok na nanggagaling sa fryer.
"Hindi naman Babe eh,"
"Baby heto naman ang itry mo," gamit ang chopsticks ipinasubo sakin ni Marky ang ibinalot na karne sa dahon ng repolyo.
Kaagad ko naman kinain ang ipinasubo sakin ni Marky habang nginunguya ko ito ay nasarapan naman ako ngunit ng muling mag ihaw si Marky ng bagong karne dito na bumaliktad ang sikmura ko. Hawak ko ang bibig ko at dali dali ngpunta ng banyo
"Excuse me Babe,"
"Baby anong nangyari sayo?"
Nakasunod pala sakin ang nobyo ko habang pilit kong dumuduwal sa toilet.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...