Gab povPiniling sumakay sa kotse ko ni Best Jace upang makapagusap naman kami kahit papaano.Matagal kasi itong naging busy sa trabaho niya dahil sa pag spearhead ng program ng inauguration ng bago nilang building.
Masaya naman akong nakikinig sa pagbibida ng akin kaibigan dahil successful niyang nagawa ang task niya.
Pero ako nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba yun namagitan samin ni Grecko. Nag-gaalala ako dahil baka masaktan siya kapag sinabi ko sa kanya ito.
Pagpasok ko sa gate ng isang exclusive subdivision huminto muna ko para sabihin sa guard kung saan kami pupunta.
"Sa Sandoval Residence po kami pupunta,"
"Okay po Sir" sabi ng security guard sabay angat ng harang upang makapasok na kami ng main gate ng subdivision.
"Hello Babe, papasok na kami ng subdivision sa bahay ni Sir Grecko,"
Napalingon ako sa tinuran niya sa kausap niya sa kabilang linya. May boyfriend na ba ang bestfriend ko?
"Sunod ka ah, sige bye,"
"Uy sino yun kausap mo, jowa mo ba?"
"Pasensiya na Best nakalimutan ko sabihin sayo, Oo si Marky ang boyfriend ko papakilala ko sayo mamaya,"
"Siya ba yun naka blue na suit kanina?" tanong ko.
"Oo siya nga, Mabait kasi Marky , sweet may kapilyuhan lng minsan at makulit pero nun maging nagseryoso na ng kunti, di na niya ko iniinis minsan,"
"Natutuwa ako Best,wish ko talaga na maging happy ka palagi,"
"Salamat sa support mo sakin bess kaya mahal kita eh,"
"Basta kahit anong mangyari magkaibigan pa rin tayo ah,"
"Oo naman kahit gumuho ang mundo mag bestfriend pa rin tayo,"
Oh God sana kapag sinabi ko na o pag nalaman na ni Best Jace sana matanggap niya kasi para mahal ko na din si Grecko.
************
Jace pov
Huminto kami sa isang napakalaking bahay dahil nakita kong dito nagsipark sila Porsie , Strawberry at si Kuya Marlo ng kanilang sasakyan. Nakita ko din papasok na ng gate sila Aria, Patrice at strawberry ng Fit and Glam Magazine at sa Romance Publishing naman sila Carla, Rebecca at Barbs.
"Jace, halika na," kaway ni Barbs.
"Mauna kayo,"
Pagkasabi ko ay kaagad akong nilagyan ng cream sa pisngi at liptint saking labi.
"Best kailangan pa ba maglagay niyan," habang si Gab naman ang naglalagay sa sarili ng cream at liptint.
"Best ang pagaayos palaging ginagawa yan, ritual yan na dapar palaging gawin,"
"At hindi pwedeng isang araw ka lang na presentable sa mga tao dapat araw-araw okay,"
Napangiti lang ako sabay sabing..
"Tara na nagugutom na ko,"
Pagpasok namin sa gate ay inalalayan kami patungo sa malaking garden at na may malapit na swimming pool. Inakala kong kami kami lang ang mga bisita ngunit may mga ibang tao pa pala.
"Welcome po this way po," saad ng mga maids sa amin ni Gab.
Naupo kami ni Gab sa table na malapit na sa swimming pool dahil kami na ata ang pinaka huling dumating.
"I would like to introduce to you my employees and partners who help me everyday para patuloy na tumakbo ang kumpanya ko,"
Isa-isa kaming nagsipagtayo para makilala kami ng ibang bisita ni Sir Grecko.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romansapano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...