Chapter 34 No Signs

907 60 9
                                    


    "Besty halika na maglunch ka na oh, alas dos na ng hapon hindi ka pa din kumakain."

    "Hindi ako nagugutom at wala ako gana kumain." Matamlay kong sabi kay Barbs

    Nakaupo sa tabi ko si Barbs na hinahaplos ang aking balikat habang ako naman ay nasa kama at nagpapatulo ng luha.

     "Huh pwede ba yun hindi ka nga nag almusal kanina Besty, ipaalala ko lang sayo dyan sa tiyan mo may batang kailangan din kumain. Kaya kumain ka na Besty."

     "Nak kumain ka na pakiusap, huwag mong pahirapan ang sanggol na nasa sinapupunan mo?"

     "At saka Besty hindi matutuwa si Papa Marky pagbalik niya na hindi mo inaalagaan ang baby mo sige ka."

     "Sana bumalik na si Marky."

     Sunod-sunod na umagos ang luha ko na tumtulo sa unan ko.

     "Anak naiintindihan namin ang pinagdadaanan mo pero isipin mo nahihirapan din kami na nakikita ka."

    Inilapag ni Mama ang tray na may bulalo mami na paborito ko sa study table ko.

    "Pagbalik ko kailangan ubos mo na yan ah, kung hindi magagalit na ko." wika ni Mama sabay labas ng kuwarto.

    Kilala ko si Mama kapag nagsabi yun ng ganoon ay ubos na ang pasensiya niya ay tiyak na magagalit na ito sakin.

     Kaya bumangon na ko para kumain, naramdaman ko na kasi nagiging malikot na ang anak ko sa loob ng tiyan ko.

    "Kumain ka lang ng kumain Besty, para naman totoo na mga isasagot ko sa mga tanong ni Sir Grecko. Isa rin yun si Sir na nagaalala sayo, kapag sinabi kong nagmumukmok ka pa rin naku agad agad pupunta yun dito."

     Naupo na ko sa upuan upang harapin ang pagkain. Ipinatong ko sa lamesa ang phone ko at hindi ko pa rin tinatantanan ng tawag ang nobyo kong si Marky.

      Nang hindi ko pa rin makontak ang number ni Marky, ay tiningnan ko na lamang sa pictures niya sa gallery ng phone ko.

     Habang kumakain ako ay tumutulo pa rin ang luha ko. Naalala ko kasi noon una kaming magkita ni Marky, nakasakay ko sila sa bus ni Ivler habang inis na inis sakin si Ivler. Matawa tawa siya sa awkward moment namin ni Ivler na halos madukwang ko na harapan niya.
  
     Hindi ko pansin noon si Marky na nakasuot kasi ng polo barong na puti , dahil napukaw ang atensiyon ko kay Ivker. Ang magandang bagay na kay Marky na kahit may pagka loko tumawa ito noon ay itinuturo niya pa rin sakin ang bakanteng upuan.

    Pangalawang pagtatagpo namin ay nun ipahatid ako ni Mama Remedios kay Marky, kaagad niya akong namukhaan
   

Throwback from chapter 2: Encounter
   
"You look familiar , di ko lang matandaan kung saan" sabi ng lalaking kararating lang kanina.

"See mukhang may intensyon na mapalapit satin tong panget na lalaking ito eh , Ano ba alam mo sa pamilya namin?" sabay turo nito sa pagmumukha ko.

"Enough Luigi, this is a whole mess!"

"Wala ka naman napapatunayan sa mga hinala mo nagmagandang luob na nga yun tao tapos eto pa igaganti natin" sabi ng magandang babae.

"Im sorry im just concern to tita" sagot ni Luigi.

"Iho pumayag ka ng ipahatid kita".

"Marky, favor ihatid mo sya". insist matandang babae."

"No problem tita shall we?"

"Mr.?"

"Jace na lang po" sagot ko nang nabigla akong yakapin ng matandang babae

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon