Lumipas ang isang linggo, patuloy pa rin akong nanunuod ng balita tungkol sa mga iba pang nawawala o kung mayroon bang survivor mula sa paglubog ng barko.
Naubos na marahil ang luha ko kakaiyak, at naisip ko na rin na iwasan ko na pagdadalamhati ko. Sa payo din nila Mama at Papa na mawalan man sa buhay ko si Marky kailangan ko ipagpatuloy ang sarili kong buhay , may laban pa ko para sa magiging anak ko.
Tama sila hindi ako dapat mawalan ng gana mabuhay, na dapat akong maging matatag para sa kinabukasan namin ng anak ko.
May nabasa akong inspirational book at reasearch na sa mga pangyayaring ganito nakabubuting bukas palagi ang komunikasyon sa pamilya, kaibigan at katrabaho. Kaya bilang kasintahan ni Marky, madalas kong tawagan sila Yaya Ising, Ate Melanie at Kuya Miruel para matulungan din sila na matanggap ang pagkawala ni Marky. Na kung saan man naroroon si Marky at masaya na siya.
Pumasok na rin ako sa office at simalubong ako ng masayang ngiti at mainit na yakap mula sa mga office mate ko. Bukod dun ay tambak na aming trabaho.
Nakatanggap ako ng message kay Ivler na babalik siya sa sumunod na buwan. At pagbalik niya ay may sasabihin daw siya sakin.
Habang inaayos ko na pagkakasunod sunod na tratrabahuhin ko ay tinawagan ako ni Grecko sa telepono. Nagtaka ako kasi first time na tinawagan niya ko sa telepono para papuntahin sa office niya.
"Good morning Sir."
"Good morning too. Im happy at nagdecide ka ng pumasok and I hope magtuloy tuloy na recovering stage mo.."
"Sir Grecko okay na po ko mas gusto ko pong magtrabaho ng magtrabaho para makalimutan ko na mga di magandang nangyari." mariin kong sabi.
"Thats good I have a great news for you, pero bago yan maupo ka na muna."
Sinunod ko naman si Grecko kaya naupo ako upuan katabi ng desk niya.
"Congratulations!"
Ibinigay sakin ang puting sobre, napatingin ako kay Grecko.
"Open it!"
Isang liham ng paanyaya sakin mula sa sinalihan kong writing contest, bibigyan ako ng parangal at cash prize na worth 50 thousand pesos mula Young writers Organization of the Philippines.
"Grecko nanalo ako."
"Sasamahan ko kayo nila Barbs, Kuya Marlo at Carla sa awards night!"
"Aattend din sila?"
"Aba'y siyempre Besty nanalo din kami." napalingon ako sa boses ni Barbs na gumulat sakin.
Kasama niya sila Kuya Marlo, Carla na malalapad din ang mga ngiti.
"Sila ang nakakuha ng Second, third at fourth place, Congratulations sa inyong lahat."
"Wow nanalo tayong lahat?" tanong ko.
"Congratulation satin lahat!" bati ni Carla.
"Nakakaloka nang matanggap ko ang sulat kako ko sino kayang mahaderang tumalo sakin at naging second place lang ako. Yun pala ikaw pala Besty! Im so proud of you my protege'."
"Naku malaki pala pasasalamat mo kay Barbs, Jace."
"Kaya nga eh, madami ako natutunan sa kanya sa pagsusulat."
"Ang bilis mo naman din kasi matuto Besty, wala ka pang 1 year pero bongga ka na sa pagsusulat pa."
"Sayang nga hindi sumali si Rebecca maganda rin ang kuwentong ginagawa niya ngayon. Nag improve na siya." ani Sir Grecko.
"Aba'y siyempre kami yata tatlo nagturo kay Rebecca di ba mga mars."
"Kaya mamaya ikaw naman ang ibblow out ko Jace nakapag celebrate na din kasi kami noong isang araw kaya lalabas tayo mamaya."
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romansapano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...