Chapter 33 Lost of Love One

878 62 5
                                    


Grecko

"So Doc emotional stress lang po naramdaman niya." tanong ko.

"Yes po kapag na nagkamalay na siya papagpahingahin niyo muna bago kayo umuwi."

"Copy po Doc. Thanks po."

"Nurse tawagin mo na lang ako kapag may problema."

Nilapitan ko si Jace sa kanya higaan at hinaplos ang kanyang ulo.

"Halos di ko alam ang gagawin ka kanina, nang mag ingay sila Barbs at Strawberry tapos nakita inaalalayan ka nilang walang malay." bulong ko sa sarili ko.

"Paano ba to, Bakit kasi dumerekta naman ng tawag sayo Mommy ni Marky, dapat sakin tumawag si Tita."

Pati tuloy hindi ako mapakali, nagpapabalik balik na tuloy ako ng lakad dito sa kuwarto ng clinic.

"Damn it Marky, huwag namam Bro kakausap lang natin nun isang araw na magbabagong taon tapos heto may masamang balita sayo."

"Ang saya saya natin inabot pa tayo ng alas kuwatro ng umaga. huwag naman po sana lord."

"Sa tuwing makikita ko kayo sobrang sweet ni Jace halos mamatay ako sa selos pero sana buhay ka pa dahil kawawa naman si Jace at ang baby namin. Maapaektuhan ang pagbubuntis niya.

Tiningnan ko ang phone ko, wala pang isang oras na simula nang dalhin ko siya dito at wala pang 30 minutes nang makausap ko si Ivler na puntahan ang Mommy ni Marky para makibalita.

Gustuhin ko man tingan ang phone ko para sa mga latest update ng paglubog ng cruise ship na sinakyan ni Marky ay hindi ko magawa dahil baka biglang magising si Jace.

"Sino kaya puwedeng tawagan sa office, timing pa naman na naghahabol ng articles ang iba , at gumagawa ng synopsis template ang sila Barbs."

"Alam ko na si Mommy na lang,"

Lumayo ako sa sa hinihigaan bed ni Jace para tawagan si Mama. Kaagad kong kinontak ang number niya para makausap. Matapos ang ilabg ring ay sinagot agad ni Mama ang tawag ko.

"Hello Mama, puwedeng favor get some updates sa paglubog ng barko na balita ngayon."

"Napanuod ko kanina yun balita, bakit may kilala ka ba o kaibigan na nagtayrabaho sa cruise ship na yun."

"Ma nakasakay dun si Marky, And im praying na sana makasurvive siya,"

"Oh my, bakit siya naroon?"

"Umattend siya Ma ng seminar pauwi na siya days kaso lumubog ang barko."

"Sana makaligtas si Marky, Diyos ko. Huwag naman po sana pabayaan ng Diyos si Marky."

"No Mama hindi siya pababayaan ng Diyos mabubuhay at makakaligtas pa siya."

"Mag nonovena ako para sa kanya."

"Sige po Ma, I call you later bye."

Nagpaalam na agad ako mapansin kong nagkamalay na si Jc.

"Jc huwag ka na mag gagalaw, magpahinga ka na muna ha."

"Marky, Si Marky kailangan kong tawagan, ang phone ko."

Kinakapa ni Jc ang kanyang mga bulsa sa pantalon. Halata pa rin sa tinig niya na panginginig at lubos na pag alala kay Marky.

"Ang gamit ko, wala dito ang gamit ko, kailangan ko ang phone ko Grecko, kailangan kong makausap si Marky!"

"Jc kumalma ka lang nandito tayo sa isang clinic malapit na malapit sa office natin!"

"Kailangan kong makausap si Marky!"

Namumutla si Jc, kaya kumuha muna ako ng tubig para mahimasmasan siya. Natatakot akong baka bigla na naman siyang mag pass out, natatakot ako sa kalagayan din ni Baby.

"Gamitin mo phone ko para tawagan siya, pero would you promise me that you will just calm down."

Tumango siya.

Matapos niyang inumin ang tubig ay ibinigay ko na ang phone ko.

Kaagad niyang pinindot ang screen ng phone ko.

"Marky sagutin mo tawag ko." nag umpisa magtubig ang kanyang mga mata.

"Marky, Please sagutin mo tawag ko!"

Muli niyang kinontak ang number ni Marky ngunit cannot be reach pa rin ito. Napatingin siya sakin at namumula ang kanyang mga mata umagos ng tuluyan ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Grecko, Hindi ko makontak ang number ni Marky, hindi ko siya makontak."

Tiningnan muna ako ni Jc at pagkatapos ay tiningnan niya ang phone ko na hawak niya. Humihikbi hikbi pa si Jace habang nagsasalita.

"Hindi ko makontak si Marky, Grecko baka napahamak na si Marky."

Hindi ko na mapigilan na yakapin habang lumuluha si Jc, pinunasan ko ng aking mga pakad ang mga patak ng luha sa kanyang pisngi. Hindi ko din alam kung paano pagagagaanin ang hirap at lungkot na nadarama niya. Ni sa sarili ko nga hindi ko pa naexperience na may taong mahal na bigla na lamang nawala dulot ng aksidente. Para sa akin ito na ang pinakamahirap na tanggapin na katotohanan na sa isang iglap ay mawawala ang pinakamamahal mo. Naaawa ako Jc ano ba dapat kong gawin? Para kasing kulang ang yakap at pagpaparamdam ko sa kanya na naririto lang ako sa tabi niya.

Maski ako naman din hirap ang kalooban ko dahil matalik kaming magkaibigan ni Marky. Kababata ko rin noon si Marky magkapitbahay kami ng mga binatilyo pa kami. Sa ibang school nagaaral si Marky noon kaya hindi niya kilala si Jc.

Si Marky na bukod sa Mama ko ang naging sandalan ko noon may problema ko ang paghihiwalay ng Mama ko at Papa ko. Si Marky din ang tagapakinig ko noong natuklasan kong may namamagitan sa girlfriend ko at Papa ko.

Malaking kawalan sakin si Marky kung tuluyan na siya mawawala. Siya ang Business Manager at Consultant ko. Dahil sa pagseselos ko sa kanilang dalawa ni Jace ay hindi mapapaniwala ang sarili kong mahal ko nga talaga si Jc noon pa.

Speaking of selos, hindi ko nararamdaman sa ngayon ang selos sa mga nakikita ko kay Jace paano siya ma-devastated ngayon nawawala si Marky. Mahal na mahal nga talaga niya si Marky.

Naramdaman ko ang pagkasawi ng puso ni Jc kaya napaka awkward man para sakin dahil mahal na mahal ko si Jc. Kailangan kong buhayin ang pag asa sa kanya na isipin niyang may awa ang Diyos at hindi niya pababayaan si Marky. Hindi ito pagiging martir dahil parang kapatid ko na ang turing ko kay Marky at kahit na sila ang naging magboyfriend ay wala kaming samaan ng loob ni Marky.

"Jace listen to me , hindi pababayaan ng Diyos si Marky. Alam kong ibabalik niya sayo si MArky magtiwala ka lang. Ipagdasal natin nakaligtas siya sa paglubog ng barko."

Nang tumigil na sa pagiyak at humupa na ang sakit na nadarama ni Jc, Tinawagan ko si Barbs at hiningan ng pabor na mag early out para magdala ng mga ilang damit at gamit para pabantayan si Jc. Alam kong hindi ito makakapagtrabaho dahil sa pinagdadaanan niya.

Minabuti kong ifile ng leave si Jc para makapagpahinga ang isip sa bahay nila kasama si Barbs. Timing din kasi ang daming tinatapos sa january issue ng magazine at pangalawa para damayan ang Mommy at mga kapatid ni Marky.

Hindi ko kayang pagsabayin ang lahat si Jc at pamilya ni Marky at ang trabaho sa office.

Bumalik muna kami sa office bago ko hinatid sa bahay si Jc. Wala siyang kibo habang nakaupo kami sa sala ng bahay nila, hinawakan ko ang mga kamay niya na muli na naman amg pagtulo ng mga luha niya. Tanging ang Mama at Papa lang niya ang kausap ko tungkol sa nangyari. Ipinagbilin kong alalayan nila si Jc para mapangalagaan ang pagbubuntis niya.

Hinintay ko pa munang dumating si Barbs at pinagbilinan muli na huwag pababayaan si Jc. Todo ang pagaalala ko kay Jace o Jc dahil hindi pangkaraniwan ang katulad niya na nagbubuntis, baka kasi mapasama ang stress at lungkot na nadadarama niya ngayon.

Pagkaalis ko ng bahay ni Jc ang sunod ko naman gagawin ay ang puntahan ang pamilya ni Marky , habang nagmamaneho ako ay nakaantabay ako sa update ng mga balita tungkol sa pag lubog ng barko.

/////
Abangan ang nalalapit na pagwawakas!


[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon