Prologue

3.8K 131 14
                                    

Jace POV

  Dito sa napaka gandang park naisipan ko katagpuin ang aking ka blind date sa  nakuha kong blind dating app na  HanapBeHBeH,  Napakaganda masdan ng tanawin dito ang mga puno at halaman na kinortehan pa ng hugis puso at may mga karatula pa ng mga love quotes, ang galing!

   "Hindi rin in love masyado ang landscaper na gumawa ng park na to ah" sabi ko sa sarili ko".

Napansin ko ang bench na inuupuan ko na may mga design din ng mga bulaklak at ibat ibang laki ng hugis ng puso na nakaukit.  Ang sarap naman dito kaya pala na ii-feature sa mga palabas sa tv ang park na to kasi ang ganda naman pala talaga ,  maski ang langit nakikiayon din sa mga oras na to ang daming bituin na akala moy isinabog sa langit sadyang napaka ganda. Napabuntong hininga pa ko dahil di ko talaga maiwasan humanga nag uumapaw ang kasiyahan ko sa paghanga sa park na ito at pati excitement.

  "And speaking of excitement asan na ba yun si Mr. Serious?"

  "Ang tagal aah".

Nakakaramdam na ko ng ginaw dahil napakalamig ng simoy ng hangin,  malapit na kasi mag-November kaya nakajacket ako na may hoodie. Naisipan kong buksan ang dating app na HanapBeHBeH at ayun mayroon pala akong message mula kay Mr. Serious na kanina ko pa hinihintay
nagulantang ako sa mga nabasa kong reply niya at teka may dalawang litrato syang pinadala sakin.

"Ngayon lang siya nag on line?"

Nagulat ako at napahawak ako sa aking bibig.

  "T-teka si Grecko to yun crush ko ng elementary pa ko sobrang gwapo na niya ngayon".

  "Ang tagal na ng panahon di kami nakapag chat dahil nawala ang friendster".

Nag deal kami sa chat na magkaroon ng throwback challenge nun nakaraan araw,  nagsend ako ng mga picture ko nuon  bata pa ko.
Nauna ako kahapon at siya naman kanina lng ng hapon nag-send, pero bakit Anthony Sandoval lang ang pakilala niya sakin at hindi buong pangalan  ang ibinigay niya na Grecko  Anthony Sandoval (o di ba kabisado ko pa rin hanggang ngayon)  nakakainis naman kasi yun app na yun kung bakit kasi ang pic profile na na requirement nila eh di pwede ang tunay na larawan  kundi mga cartoon character , mga bida sa movie at teleserye dahil ba para sa security ng mga users ng app na yun,
Nakakainis kung alam ko lang na siya yun eh iba na lng kinausap ko o kaya hindi ako nakipagdeal na makipag-meet. Hindi ko maiwasan maging malikot sa kinauupuan ko , di ako mapakali , anong gagawin ko?
Pero masaya ako na muli ko syang makikita yun lang wala kong lakas ng luob humarap sa kanya. Ang pangit ko na di katulad nuon na cute at lovable tiny kid na nakilala niya nuon
kulot na ang buhok ko na dry pa , ang kutis ko nangitim na dahil nuon sumasama ako sa pagdedeliver ng mga ibinibenta na mga pa order ni Mama. Ang mukha ko naman parang connect the dots na nagkukumpulan sa pisngi ko mga pimples ko sa pagkadismaya ko bigla na lang ako napasigaw bahagya nang hawakan ko pisngi ko mas makinis pa mga palad ko kesa sa pisngi ko.

"Ayaw ko naaaaahhhh!!"

Dahil dun napatingin sakin ang mga taong malapit sa kinaroroonan ko. Nakaramadam ako ng hiya sa ginawa ko kaya nakangiwi akong humingi ng pasensya

"Anong nangyayare sa kanya nababaliw na ba siya?"

"Dun na nga tayo sa kabila baka mapano pa tayo dito". sabi ng magkasintahan.

"S-sorry uma-acting lang, Pasensya sa istorbo".



Message beep

   "Im here"
  
   "Im sorry sobrang busy kahapon kaya now lang ako nakapag reply"

   "By the way is that you Jc yun ka school mate kita di ba sa Holy Trinity Academy"

  

    "Hala siya nga to,"

   "Anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko.

nangangatog na ko sa kaba at dahil sa sobrang lamig ng ihip ng hangin lalo tuloy akong kinakabahan

  "Lord anong gagawin ko"?

  "Hey Jc still there?"

  "Im here malapit sa lagoon" 

tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bench at nagsimulang humakbang habang hawak-hawak ko ang phone ko na nangangatog , patuloy pa ko sa paglalakad at narating ko ang sinasabi niya'ng lagoon may napaka gwapong lalaki nga ang nakatayo doon na palinga-linga sa paligid habang tinitingnan ang hawak niyang phone.

   "Diyos ko anong gagawin ko?"

   "Jc , jc anong gagawin mo mag isip ka anong gagawin mo?" usal ko sa sarili ko.

Message beep
  
   "Hey where are you na kanina pa ko andito"?

Habang tinitingnan ko ang app ko at nagiisip ng gagawin nagulat ako ng bigla na lamang nasa harapan ko na siya.

   "Hi are you Jc , funny gay? Tanong ni Grecko sa akin

Natulala ako sa kagwapuhan niya napakakinis ng kanyang morenong mukha , malamlam at napaka sweet tumingin nito , ang labi nito ay mapupula na maumbok , napaka tangos ng ilong nito at kanyang Kaunting balbas ay napaka sexy na naglalakbay sa tila idrinawing na jawline

  "Are you Jc , yun may chat nickname na funny guy?"

hindi ko napansin napatagal na pala ng ilang segundo ang pagkatulala ko sa kanya kaya naman iwinawagayway na nito ang kamay niya saakin para gisingin ako pagkawala ko sa sarili. nagulat pa ko sa ginawa niya

   "Ayy gwapong manequin na nagsasalita"  taranta ko
  
   "H-hindi a-ako yun pasensya na"

   "Ou nga hindi ako yun"

   "Baka andun sa ibang parte ng park"

  "Im sorry kala ko ikaw yun"

Ngunit matagal itong tumitig sa akin tiningnan ako mula ulo hanggan paa
sabay layo nito sa akin naiwan akong tuliro, kinakabahan pa rin sa mga oras na ito nanlulumo sa nangyari.

Parang maluluha pa ko sa panghihinayang na sa tinagal tagal ng panahon na kami nagkawalay,  heto abot kamay ko na pero di ko magawang magpakilala sa kanya wala sa isip sinundan ko siya ng palihim. Nagtungo si Grecko sa isang  attraction dito sa park  kung saan mas maraming tao nagtutungo dito. Isang wall na pinupuntahan ng mga couple kung saan naglalagay sila ng ibat ibang pad lock gaya ng lock bridge sa Paris,  Sa pakiwari ko'y nagtatanong siya sa mga nandoon habang ako nama'y nagtatago sa likod mga tao o couple na andoon tila spy sa pelikula na may sinusundang tao.

   "Hoy anong ginagawa mo jan?"

   "Un lalaki parang ewan oh"

   "Uy kuya bat ka nagtatago sa likod namin?"

Ito ang mga sinasabi ng mga tao kung saan ako nagtatago hanggan sa makita kong umalis na siya ng park

Nang makasiguro akong naka alis na si Grecko nanlalambot ang mga tuhod kong naupo sa tabi ng malaking puno
di ko maiwasang pumatak ang luha ko sa panghihinayang at awa sa sarili ko.

  "Pano ko maipapakilala sarili ko kay Grecko nagbago na itsura ko umitim na ko na dati ay may kaputian ang aking kutis , ang makinis kong mukha may mga taghiyawat na nga may dark spot pa , at ang buhok kong tuwid nuon wavy  na ngayon pakapal pa ng pakapal pa"

   "Paano ko pa ipapakilala sarili ko?"

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon