chapter 8 Nightmare

1K 90 12
                                    


Grecko's nightmare

   Kaharap ko si Jc habang masaya kaming nagkukuwentuhan biglang nagbago ang paligid dahil sa pag guho ng gusali. Halos takasan na ko ng bait dahil nilamon na ko ng takot sa lakas ng pagyanig. Umaagos ang aking luha at pilit kong inaalis ang malalaking tipak ng dingding  na nabuwal at ibinaon kami ng buhay ni Jc.

    Lalo pa ko pinagsakluban ng takot ng makita ko si Jc na katabi ko ay nagbago ng anyo at siya'y naging si kamatayan. Halos mamaos ako sa kakasigaw sa tindi ng takot na aking nadarama, upang maibsan ang aking pagkahilakbot sa takot minabuti kong ipikit ang aking mata.

   Tahimik ang paligid ni wala man lang akong naririnig na ingay ng mga tao. Mga taong sana ay tutulong samin o mga rescuer upang iligtas kami sa bingit ng kamatayan ,ang paghikbi ko  ay tila umaalingawngaw sa kawalan. Hanggan sa marinig ko ang boses ni Jc.

    "Huwag kang matakot, Nandito ako sa tabi mo makakaligtas tayo magtiwala ka lang,"

   At dahil sa sinabi ni Jc nagkaroon ako ng tapang umalis ako sa sulok na siniksikan ko kanina noong makita ko si kamatayan ,pag tingin ko kay jc nagbago ang kanyang at naging si Jace.

   "Grecko, Anak gumising ka," boses ni Mama ng imulat ko aking mga mata nasa tabi ko siya at nakahawak sa aking braso.

   "Binabangungot ka ata narinig kitang sumisigaw dito sa kuwarto mo," patuloy ni Mama habang nagsasalin ng isang basong tubig sabay abot sakin.

  "Ang sama ng panaginip ko Ma, it' not just a dreame its a nightmare" habang iniinom ko ang tubig ay pinunasan ng kamay ni  Mama ang pawis sa nuo ko.

  "Napaginipan ko Ma yun earthquake na nangyari noon nun Bata pa ko,"

  "Panaginip lang iyon Anak, huwag kang matakot."

  "Parang totoong totoo kasi Ma, ano kaya ibig sabihin ng nightmare ko nakita ko si Kamatayan," hawak ni Mama ang balikat ko at panay haplos sa aking likod.

   Napayakap ako kay Mama kung kailan ang huling yakap ko sa kanya ay di ko na matandaan dahil sa alitan namin tungkol sa plano ko pa noon ipasara ang Publishing House.

  "Matulog na tayo Anak hayaan mo sasamahan na kita dito sa kuwarto,"

  Pagkahiga ko ay sinapinan ako ni Mama ng comforter at tumabi sa akin. Gaya noon bata pa ko hinahaplos niya ang aking noo at buhok hanggang sa ako'y makatulog.

                   *********

Jace Pov

   "Magandang umaga sa inyo," bati ko sa grupo nila Barbs at ibang writer ng publishing at ganoon din sa grupo nila strawberry ng mga taga Fit & Glam Magazine.

   Inunahan ko pa sila sa pagpasok upang mauna makapasok sa loob ng opisina dahil bubukasan ko pa ang aircon, desktop computer at printer.

   "Ang sipag-sipag talaga ng bago natin admin wala na akong ma-say sayo," saad ni Barbs.

  "Exactly napaka sipag," sang-ayon ni Strawberry.

  "Oo nga pala Jace naasikaso mo na ba mga salary namin?" tanong ni Janice.

  "Mamaya after nito pupunta na ko sa bangko para magkalaman na mga Atm ninyo, For sure mga hapon may sweldo" sagot ko naman.

  "Oh that's really nice keep up the good work ha," papuri ni Janice.

  Matapos ko ang mga daily task ko kausap ko si Kuya Marlo nang sumilip sa pintuan  ng office si Grecko.

  "Ano kaya kailangan ni Sir?" tanong ko.

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon