Hindi pa rin ako maka recover sa business trip namin ni Sir Grecko, saglit muna kong naupo sa station ko at nag isip-isip muna bago ako mag umpisang magtrabaho.
Bakit ba ko nag aalala samantalang wala naman naging wild reaction si Grecko sa namagitan saming dalawa, pagkagising niya masaya pa itong naglaro ng golf. Tuwang-tuwa pa ng manalo kami, nakita ko pa ngang kinausap ito ng sarilinan ni Chairman at mas lalo pang natuwa hayyys ano kaya pinagusapan nila, huwag naman sana ako pinagusapan nila.
Ano kayang nangyari bakit hindi na siya masungit sakin marahil kaya overwhelmed lang to sa tulong na ibibigay ni Chairman Mao. Sana nga ganoon at wala siyang naaalala sa nangyari. Sana, sana, sana, ganoon nga pero ganoon kaya ang mga lalaki matapos makapagparaos hindi na masungit o kaya parang wala lang nangyari,NO BIG DEAL
NO BIG DEALNO BIG DEAL
Paulit-ulit na mga salitang umaalingawngaw sa isip ko. Hay grabe pala mga lalaki kung ganoon sila.
Tiningnan ko ang calendar ko punong puno ng schedule na gagawin pati ang sticky notes tadtad ang dingding, ano ba to nakapag vacation ka nga, pagbalik mo tambak naman ang trabaho ko nakakainis, nag ring ang phone ko si Marky ang tumatawag.
"Hi Babe, kamusta ka?"
"Hello, okay naman ako, ikaw"
"Wala bang i love you man lang dyan, nakakatampo ka i've been wondering what happen 2 days ka sa tagaytay miss na miss kita,"
Eeeh nakakainis nakakakilig naman si Marky hmmp ang sweet niya ang boses niya parang kinikiliti tengga ko.
"Babe, still there?""Ahhh may nangyari kasi,"
"Huh anong nangyari kausap ko kagabi si Sir Grecko masaya naman daw two days ninyo sa tagaytay,"
"Ah kuwan, sobrang busy lang talaga,Sorry,"
"Sobrang busy kaya di ka man lang nakakapagreply sa mga messages ko di mo man lang ako matawagan,
"Sorry Marky babawi ako may pasalubong ako sayo,"
"Babe di ko naman kailangan ng pasalubong eh ikaw ang kailangan ko, ang tagal ko ng naghihintay sayo,"
Halos maghugis puso na mga mata sa sobrang kilig kay Marky pero wait anong matagal?
"Hoy matagal ka dyan wala pang dalawang linggo na...."
"Dalawang linggo yun formal na pangliligaw ko pero yun pagpaparamadam ko since the day na nagtagpo mga landas natin,"
"Ayaw mo bang umpisahan ang magandang love story natin,?
Halos mahulog ang puwet ko sa narinig ko timing ng pagdating ng mga emplyedo.
"Wait Babe, tawagan kita mamaya busy na ko 8am na nandito na sila. Nailapag ko lang phone ko sa lamesa kaya naka hang lang sa linya si Marky.
"Babe maya na yan di pa tayo tapos mag usap,"
"Hoy Sir Marky ang aga-aga nio magligawan ah, Naririnig na kaya namin sweet sweetan ninyo," wika ni Barbs na nilalakasan pa ang boses.
"Huwag niyo muna istorbohin babe ko,alis muna kayo dyan,"
"Naku Sir Marky ha, Marami nang nakakaalam ng something ninyo ni Jace baka mamaya pa-fall lang kayo at umasa sa wala si Jace, nagiging blooming pa naman si Jace ngayon," sabi ni Porsie."Oo nga Jace bakit ang blooming mo na ngayon, nawawala na mga pimples mo ah,"
"Syempre magaling ako mag alaga bilang boyfriend,"
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...