Grecko Pov...Jc bakit mo ginawa sakin to....
Bakit ka lalayo....
Hawak ko pa ang sulat na hindi ko pa nababasa pero ang resignation letter ni Jc ay nilamukos ko. Balewala sakin ang resignation ni Jc, hindi ko tinatanggap ang pagbibitiw niya
"Why, Jc why!?"
Halos paliparan ko na ang kotse ko papunta sa bahay nila Jc. Pagkaabot sakin ni Barbs ng resignation letter ay nagkaroon na ko ng hinala. Wala na si Jc at ang baby ko sa hospital.
Pagka parada ko sa tapat ng bahay nila Jc nadatnan kong umiiyak ang mga magulang niya.
Nagdudumali akong bumaba para hanapin si Jc.
"Jc? Nasaan ka!"
"Ma, Pa nandiyan ba si Jc?" tanong ko magkayakap na mga magulang ni Jc.
"Iho." sambit ng Papa ni Jc halata sa mukha niya ang lungkot.
Habang lumuluha naman ang Mama niya.
"Hindi, Jc nasaan ka!"
Umakyat ako sa second floor ng bahay nila at nagdudumaling pumasok sa kuwarto ni Jc, mga nakaligpit lang na gamit ang nakita ko. Wala si Jc at ang baby ko.
Nanlambot ang tuhod ko, sobrang sama ng loob ko kay Jc. Bakit niya nilayo ang anak ko. Napahawak ako sa amba ng pinto at di ko mapagilan mapaiyak.
"Nasaan ka Jc, nasaan kayo ng anak ko!"
Sa loob ng kotse binabasa ko ang sulat para sakin ni Jc. Sulat ng pamamaalam, Iniisip niyang hadlang siya sa pagkakasundo namin ni Aaliyah.
Gusto kong makalimot Grecko sa mga pangyayari sa buhay ko, gusto ko ng malimutan ng tuluyan si Marky. Hanggat nagtatrabaho ako sa kumpanya mo ay hindi ko siya makakalimutan. May espesyal na parte sa puso ko si Marky kaya nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon. Pangalawa huwag na natin ipilit ang hindi nararapat. May obligasyon ka sa anak niyo ni Aaliyah at habang nasa tabi mo ako ay hindi niyo maayos ang suliranin ninyo.
Huwag mo na kong alalahanin Grecko kayang kung buhayin si Greant, Hindi ko siya pababayaan. Alam kong masama ang loob mo sa ginawa ko pero sana isipin mo na may mga bagay mayroon si Aaliyah na di ko kayang ibigay. Tama ang sinabi ng Mama ni Marky sakin na hindi mgiging normal ang buhay niya kung kasama niya ko habamg buhay. At ganoon din kung magsasama tayo. Maraming salamat sa lahat ng alaalang magkasama tayo. Maraming salamat sa pagmamahal mo. Maraming salamat kay Greant na buhay na alaala mo na ipinagkaloob mo sakin. Paalam Grecko.
Napatakip ako ng bibig, umaagos ang mainit na mga luha ko saking pisngi. Ipinatong ko ang mga braso ko sa manibela at saka ko inihilig ang aking mukha para ipayapa ang kalooban ko.
Makalipas ang isa't kalahating taon....
Last year nabalitaan kong nagsama na sina Grecko at Aaliyah alang alang sa anak nila. Kaya naisipan kong lumuwas na ng probinsya para makasama ng muli sila Mama at Papa.
Malaki na si Greant malusog at matalino siyang bata. Nakapasok ako sa isang opisina ng maliit na pabrika dito sa Quezon, laking pasasalamat ko na mabait ang amo ko dahil nang matuto ng maglakad si Greant ay naisasama ko na siya sa trabaho ko. Tamang tama na isang bahay lang ang aking pinapasukang opisina, May ka trabaho din akong single parent din kaya may kalaro si Greant. Mabait na bata si Greant hindi siya katulad ng ibang bata na makulit lagi lang itong naglalaro sa kapwa bata niya. At madalas ay pinapanuod lang akong nagtatrabaho.
Kasama ko ang pinsan kong si Kai na magbabalik din pa maynila. Bitbit ko ang mga maleta at si Greant, sumakay kami ng air con bus. Habang nasa biyahe naisipan ko buksan ang social media accout para iactivate.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...