Grecko PovPatuloy kong sinusundan ang sasakyan ni Marky, sapat na ang distansya ko para hindi nila ako makita. Saan kaya sila pupunta pagkagaling ng clinic ng Ob-gyne.
Hindi ko pa rin lubos maisip na buntis si Jace, paano nangyari yun. Puwede ba yun na ang lalaki may matress. Di naman hermaphrodite si Jace, alam na alam ko yun kahit na lasing ako noon ginalaw ko siya wala naman ako nakitang pempem noong pinaliligaya ko siya. Sino samin ang nakabuntis kay Jace si Marky ba o Ako?
Lumiko ako ng makita kong lumiko sa kanto ang sasakyan ni Marky tila papasok na sila sa mga kabahayan. Binagalan ko na ang pagpapaandar ng sasakyan, I was thinking na ihahatid na ni Marky si Jace sa bahay nila. Minasdan ko ang mga kabahayan ang mga malalaking puno nadadaanan ko, Naalala kong dito nga nakatira sa Jace, hinatid ko siya noon sa bahay niya noong hindi pa dumadating ang Papa para sunduin siya.
Pumarada ang sasakyan ni Marky sa tapat ng bahay na may malaking puno ng mangga. Tama nga hindi ako nagkakamali bahay nila Jace ito. Ganoon pa rin ang bahay nila kaso medyo luma na dahil sa pinagdaanan ng maraming taon.
Nanungkit pa nga kami ng manggang hinog para mameryenda namin noon.
"Fuck, napatingin sa pinarkingan kong lugar si Jace,"
Bigla akong nagkubli para makapagtago sa haba ng mga binti ko ay bumukaka ko para mapahiga sa upuan ng sasakyan ko.
Dahan-dahan akong sumilip para tingnan kung nakapasok na sila Marky at Jace sa loob ng bahay.
"Damn it, nakakagulat naman,"
Isang binatilyo ang bigla na lang sumulpot kinakatok ang wind shield ng sasakyan ko. Itinuro niya sakin ang signage na "No Parking". Kinuha ko ang wallet ko bumunot ako ng 500 dahil yun lang ang maliit na halaga na laman ng wallet ko puro cards at tig iisang libo.
"Bata ikaw na bahala dyan saglit lang ako may titingnan lang ako,"
Nangiti naman ang binatilyo pagkaabot ng pera at naupo sa may gutter para bantayan ang sasakyan ko. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at nagdudumaling naglakad patungo sa bahay nila Jace. Mula sa mga halaman sa harap ng bahay nila ay nagtago ako. Tiniyak ko muna kung nakapasok na sila sa loob ng bahay at kung may alagang asong pagala gala sa loob ng gate nila Jace.
Nang masiguro kong clear ang area dahan dahan kong binuksan ang gate saka pumasok sa loob. Maingat pa rin ako sa paghakbang para makalapit sa pinto at bintana.
Kitang kita ko sa relection ng isang binatana ang istsura ko ,humahaba ang nguso kong sumisilip sa bintana.
Kitang kita ko mula sa loob ng sala at dinig na dinig kong umiiyak si Jace."Bakit umiiyak ang Jace ko?" bulong ko.
"Anak kararating mo lang,ano bang nangyayari at umiiyak ka na dyan may problema ka ba? May problema kayo ni Marky,"
Tanong ng Matandang lalaki na palagay ko siya ang Papa ni Jace, Oo nga siya nga Papa ni Jace.
"Jc, Marky ano bang nangyari?"
Mama siguro yun ni Jace.
Nagtinginan muna sila Marky at Jace bago sila nasalita.
"Ako na magpapaliwanag sa kanila," sabi ni Marky.
"Papa, Mama huwag po kayong mabibigla mahirap man paniwalaan pero bintis po si Jace,"
Inilabas ni Jace ang result ng ultrasound at ipinakita sa kanyang mga magulang.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...