chapter 2 encounter

1.7K 112 12
                                    

"We are not hiring".

"No Hiring".

"No vacancy".

"We will call you after the evaluation".

Yan lahat ang sagot ng mga pinasahan
ko ng resume
Halos hilahin ko na mga paa ko palabas ng opisina dagil sa panlulumo. Habang naglalakad ay napaka lalim ng iniisip ko, iniisip ko na kailangan makahanap agad ako ng trabaho dahil pano sa bahay , pano ang pamilya ko. May ipon pa naman ako dahil nagtatabi ako kahit papano para makaipon ako mula sa sweldo ko , may sasahurin pa ko ng pang isang buwan at backpay. Huminto ako saglit at sinilip aking dalang folder na may mga resume, pang anim na company na itong inaapplyan ko sana man lang may tumanggap sakin.

"De bale Lord alam kong malakas ako sa inyo kaya pakiramdam ko magkakaroon na ko ng work itong week na to, o kahit next week o kahit next next week" bulong ko sa sarili ko.

Binabagtas ko ang kahabaan ng ortigas avenue pagod , gutom sobrang init pa ng kalsada parang nagliliyab sa init dahil tirik na tirik ang araw sa katanghalian. Pagliko ko sa kanto may masasalubong akong isang matandang babae , hirap ito sa paglalakad at tila matutumba pa. Tumakbo ako para agapan ang kanyang pagkatumba.

"Naku Ginang ano pong nangyayari sa inyo?"

"Okay lang po ba kayo?"

Sunod sunod kong tanong habang pinagmamasdan ko ang matandang babae.

Hindi naman siya pulubi magara at maayos ang kanyang damit may suot pa na alahas ito.

"Nahihilo ako iho" aniya

"Naku ganoon po ba!"

Luminga ako sa paligid upang humanap ng lugar na malilim ngunit nasa lugar kami na maraming establishment. Nagkaroon ako ng idea ng makakita ako ng isang sikat na food chain.

"Tama duon po tayo sa kainan na yun magpahinga Ginang". ani ko

"Kaya niyo pa po ba ninyong tumayo?" tanong ko.

Tumango lang ito sa akin at inabot ng kanyang kamay aking maliit na mga braso may katabaan ang matandang babae kaya pinilit kong tatagan ang aking katawan para maalalayan ko ito sa paglalakad.

Sa wakas nakapasok na din kami sa food chain na yun naupo kami malapit sa pinto. Nagtaka ako sa sarili ko ayun kaya yun adrenaline rush sa nipis ng katawan ko na nakaya kong alalayan ang halos tatlong beses pa ang laki sa akin. To think na pagod at gutom ako kanina na habang naglalakad kami ay nakakapit pa sa akin ang matandang babae.

"Kamusta na po pakiramdam niyo Ginang?"

"Nauuhaw ako anak maari mo ba kong ibili ng maiinom" habang dumudukot ito sa bulsa niya.

"Naku ako na po bahala maupo lang po kayo dyan heto po pakibantayan po itong mga resume ko po"

Agad ako umorder ng burger fries at spaghetti for two dahil sobra sobra na gutom ko, feeling ko nga may world war 3 na sa luob ng tyan ko. Pagkabalik ko ay nabigla ang matanda na may isinilid pa ito sa kanyang bulsa .

"Ginang kumain na po kayo tinging ko kasi nanghihina kayo?"

"Salamat po sa biyaya Lord".

"Game attack!"

habang pinagsisilbihan ko ang ginang sa pagkain sa wakas sumilay na ang ngiti sa labi ng matandang babae

"Kain lang po ng kain Ginang".

Hay salamat napawi din ang aking gutom at naginhawaan ang pakiramdam ko sa air con sa tuwing mapapatingin ako sa matandang babae ay nakangiti ito sa akin at sinusuklian ko naman ng ngiti.

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon