Chapter 38 Ending

411 21 2
                                    

"Sabi nila kaya ka daw nakatali dahil ayaw mo magpagamot, hindi mo iniinom ang gamot mo. Magmula ngayon hindi mo na kailangang itali kasi pag hindi ka nagpagaling sinasabi ko sayo hinding hindi mo na kami makikita ni Greant."

"Si Greant?!"

"Nariyan siya sa labas kasama ni Mama. Gusto mo bang sabihan ka ng panget ni Greant. Tingnan mo hindi ka na guwapo."

"Gusto ko makita si Greanth."

"Basta ipangako mo magpapagaling ka na ah, aalagaan kitang mabuti lagot ka sakin pag pumalya ka sa gamot."

Nanunuyo ang mga labi ni Grecko. Hinawakan ko siya sa pisngi na dati dati ay kinasasabikan kong haplusin ngayon ay tila lubog na ito dahil sa pagkapayat.

"Tatawagin ko na si Greanth."

Iniwan ko muna saglit sila Grecko para tawagin si Greanth.

"Greanth come here!"

Dali-dali naman lumapit sakin si Greanth na kaagad ko naman inakay papasok sa loob.

Napabangon bigla si Grecko nang makita niya kaming dalawa.

Tulad ng dati tinatawag ni Greanth ang sinuman lalaki na nakikita niya.

"Papa!"

"Greanth, Greanth anak ko come here kay Papa."

"Papa!" napatingala pa sakin si Greanth na nakangiti pa.

"Opo baby siya ang Papa mo."

"Greanth halika hug mo si Papa."

Kinarga ni Mommy Remedios si Greanth, hinalikan muna siya bago itinabi kay Grecko.

"Papa."

"Tinawag niya kong papa." halos maluha si Grecko sa pagbigkas ng papa nI Greanth sa kanya.

Ang nakakagulat ay sa lahat ng lalaking tinatawag niyang papa ay kay Grecko ito yumakap. Mukhang kilala niya kung sino ang Papa niya.

May bahagi sa puso ko na naaawa ako kay Grecko na makita kong tuwang tuwa siyang nakasama si Greanth. Nakokonsensiya tuloy ako. Hindi ko naman maiwasan ang mapaiyak. Pinagmamasdan ko si Grecko na lumuluha habang nakayakap sa leeg niya si Greanth. Ganoon din si Mommy Remedios na nagpupunas ng luha sa mga mata.

"Sa palagay ko naman magpapagaling ka na Grecko sapat na rason na nandito na si Jace at ang anak mo si Greanth, hindi ka na magiging matigas ang ulo sa nurse at doctor mo."

"Opo Mama susundin ko na mga advices ng doktor ko. Alang-alang sa anak ko gusto ko na siya makasama palagi. Magpapagaling agad ako para makalabas na dito sa hospital."

Lumapit pa ko ng husto kay Grecko hinaplos haplos ko ang buhok at pisngi niya.

Bumukas ang pinto ng kuwarto. Sumilip si Mama at Marky. Nakangiti sila parehas parang alam na nila na magiging maayos na ang lahat, lalo na samin ni Grecko. Umatras si Marky hanggang sa nawala na sa paningin ko. Sana matanggap niya na si Grecko na ang pinili ko sa kanilang dalawa. At sana matanggap niya yun.

Nakiusap sakin si Mama Remedios na alagaan ko ng mabuti si Grecko hanggang sa tuluyan gumaling may parte pa naman kasi ng atay ni Grecko na maayos. May tyansa pa na mag mutate ang atay niya. Sinabi ko naman kay Mama Remedios na nagdesisyon na ko na sasama na ko kay Grecko at di ko na muli siyang iiwan.

Matagal tagal din ang confinement ni Grecko, ako na ang nag alaga sa kanya habang nandito siya sa hospital. Pati sa pag sponge bath, pagpapakain at pag inom ng gamot ay ako na rin. Bumalik na ang sigla niya na di katulad dati ay lupaypay na ang kanyang katawan. Araw-gabi ay binabantayan ko siya natatakot kasi ako na baka mamaya eh may mangyari sa kanya. Pero binigyan kami ng assurance na gumagaling na si Grecko.

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon