Gab pov
Nakakatampo na talaga ah dalawang restday ko na lumipas di pa rin nagagawi dito si best Jc, wala na siyang oras sakin para mikipag kamustahan man lang, ano na ba nangyare sa taong yun. hindi kaya nagselos yun si Jc nun ihatid ako dito ni Grecko. Hindi naman siguro...
Naupo ako sa sofa at nakatingin sa orasan kulang na lang eh gayahin ko yun pusang Maneki-neko, yun pusang nakadisplay sa mga tindahan o hardware ng mga chinesse na walang tigil sa pagkumpas ng kamay.
Mag aalas otso na sana pinuntahan ko na lang si best, ang boyfriend ko naman di pa man lang sumaglit dito bago ilipad ng eroplano at bumiyahe na agad. Nakakaburyong na dito sa condo ko.
Door knocking....
"Hay naku siya na kaya to?, o yun mga nag so-solicite lang ng mga kabataang unit owners para may pampagawa ng jersey ng team nila. Mayayaman naman sila bakit pa kaya sila nagsosolicite hmmm para siguro may kickback sila sa mga allowance ng parents nila.
Silipin ko nga kung sino 'to? Nang masilip ko ay si Jc nga, inunlock ko ang pinto at binuksan ng bahagya sapat para magkita kaming dalawa, pagkatapos nun mabilis akong tumakbo patungo sa sala sa gayon pag bukas niya ng pinto ay makikita niya akong nakatayo dito sa sala at nagtatampo.
"Best" tawag sakin ni Jc sabay pasok sa unit ko.
Kumuha lang ako ng magazine para magbasa basa kunwari.
"Best Gab, nandito na ako," wika ni Jc
Tiningnan ko lang si Jc para ipinaramdam kong nagtatampo ako. Ngunit nakangiti pa rin ito at maya-maya narinig kong sumisipol sipol siya. Pamilyar sa akin ang naririnig ko, Ito yun kantang inaawit namin sa tuwing magkasama kaming nagbobonding dito sa bahay. Ang awit ay "Say a little prayer for you", inawit ito sa pelikulang My Bestfriend's Wedding na paboritong paborito din namin. Nag umpisang umawit si Jc ng unang linya ng kanta.
Jc:
The moment I wake up
Before I put on my makeup
I say a little prayer for you 🎶
(habang umaawit si Jc kumuha siya ng isang ballpen upang gawing mikropono, nakangiti itong lumapit sakin at inaabot ang ballpen sakin para dugtungan ko ang awit.)Ako:
While combing my hair, now,
And wondering what dress to. wear, now,
I say a little prayer for you 🎶
(Dahil dito namutawi na ang mga ngiti namin sa labi at magkaharap na kaming sabay umaawit ng chorus ng kanta.)Forever, and ever,
(You'll stay in my heart and I will love you)
(Forever) Forever, and ever,
(We never will part Oh, how I love you)
(Together) Together, forever,
(That's how it must be to live without you)
Would only mean heartbreak for me, oohMatapos namin umawit sumisigaw kaming parang mga baliw, daig pa namin ang nasa concert sa sobrang saya. Ganito kami palagi pag inaawit namin ang mga paborito namin mga kanta.
"Namiss kita best" wika ko habang yakap ko ang nag iisa kong bestfriend.
"Namiss din kita best, pasensya sobrang busy ko ng mga nakaraang linggo, sobrang toxic kasi sa bago kong trabaho," paliwanag ni Jc.
"Hoy Jace Christian Morales nakakatampo ka, pag ako kahit anong busy ko nagagawa ko pa rin magmessage sayo para kamustahin ka," sermon ko.
"Yun bago kong trabaho bilang admin assistant best nakaka stress, biruin mo dalawang kumpanya ang inaasikaso ko isang lifestyle magazine at isang publishing. Ang gara pa yun pinaka admin namin nagleave pa dahil nagka emergency sa pamilya niya."
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...