"Michael pakidalhan pa ng pulutan ang tatay mo,"Matapos ilagay sa malaking plato ang napakalaking relyenong bangus ay inihatid na ito ng kapatid ko kanila Papa na nasa labas. Game na game na nakikipaginuman na nakikipag inuman si Papa kay Ivler at biritan kay Manager Nani sa videoke.
Habang ako naman hawak ang phone ko habang naghihintay ng tawag kay Marky, inuupakan ko na ngayon ang pansit na niluto ni Ivler.
"Sarap na sarap ka Jc sa pansit ah,"
"Ang sarap po kasi Ma parang yun pansit na nakain ko isang Chinese Restaurant."
"Tama ka Anak ganyan ang mga pansit ng mga chinese ma sauce at napakaraming sahog."
Tiningnan ni Mama ang phone ko na nakalagay sa lamesa.
"Tumawag na ba siya?"
"Nagmessage na po Mama si Marky tatawagan daw po niya ko mamaya bago mag alas dose.
"Eh si Grecko?"
"Binati ko na lang Mama ng Happy New Year pagkatapos blinock ko kaya hindi makakatawag yun sakin."
"Hay naku ano bang nangyayari sa inyong dalawa para kayong mga bata."
"Bahala siya."Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain ng pansit. Nang mapatingin ako sa bintana. Timing naman na napatingin din sakin si Ivler at kinawayan ako na lumabas.
Nakiupo na rin ako sa table para makisaya sa kanila. Dalawang oras na kasi at magbabagong taon na.
"Masarap ba ang luto ko?" tanong ni Ivler.
"Oo sobrang sarap, Kain ka?"
Kinuha ang plato sa kamay ko at saka kinain ng pansit. Sa tingin koy may tama na si Ivler dahil medyo namumula ang mukha nito.
"Wala pang alas dose lasing ka na."
Umiling ito sakin sabay kain ng pansit.
"Hindi ah, hindi pa ko lasing"
Kumuha naman ako ng isang stick ng barbecue at yun na naman ang kinuha niya sa kamay ko para kagatan.
"Hindi ka pa ba lasing niyan lahat ng pagkain ko kinukuha mo sakin."
Ngumiti lang sakin ang napakapoging si Ivler sabay nguya ng kinakain. Nakasuot siya ng polo na loose at may strife pababa ng kulat red, white ,brown. At shorts na black. Mukha siyang thai sa porma niya at sobrang puti niya.
"Pupunta daw dito si Grecko maya maya makiki new year na din."
"Huh bakit daw?"
"Makiki new year nga ikaw ata yun lasing na eh."
Sa lakas ng pagbirit ni Manager Nani ay nakisabay na lang din ako sa pagkanta.
"Happy new year Jace, sana palagi tayong magkasama."
"Puwede naman kaso hindi ka ba nagsasawa sakin?"
"Kahit kailan hindi ako magsasawa sayo na kasa kasama ka palagi."
Medyo kinilig ako sa sinabing iyon ni Ivler. Panay putok ng mga firecrackers ang naririnig ko. Susubuan sana ako ni Ivler ng kinakain ko kaninang pansit nang biglang nakatanggap ako ng galing kay Marky.
"Baby, kamusta ka na, Happy New Year!
"Happy new year din Babe, Heto nandito kami sa labas.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...