"Ayoko!"
"Ayoko!"
"Ayoko!" Mariin sabi ni Gab habang tila bata si Jace na nakakapit sa mga braso nito.
"Sige na Best pumayag ka na please kahit isang beses lang," paglalambing ni Jace sa kanyang nag-iisang bestfriend.
"Alam mo ikaw na lukaret ng taon, kung papayag ako sa gusto mo tapos...." at tiningnan ng matagal ni
Gab ang kaibigan."Tapos ano, kuwan," di masagot ni Jace ang kaibigan sa pinakikiusap nitong plano.
"Oh yan tinatanong ko, ano na pagkatapos best ano susunod?" nakangiwi ang bibig ni Gab habang naghihintay ng maisasagot ang kaibigan.
"Pag-isipan mo munang mabuti yan pinaplano mo Best mahirap kasi maipit sitwasyon na wala ka ng matatakasan at ang mas worst maiipit ka lang sa problema," aniya
Dumapa si Gab sa kama habang naghihintay ng sagot ni Jace ay tumingin tingin ito ng ilang pahina sa libro. Naupo naman sa bandang ulonan ni Gab si Jace ang kaninang masayang nangungulit at tila malungkot na ang itsura.
"Kahit isang beses lang best, alam mo naman di ba yun mga naikukuwento ko sayo halos di nga ko makilala ni grecko, dalawang beses na yun ah una dun sa park at pangalawa sa hospital, mukhang inis pa nga sakin yun tao nun huli," sabay tingin sa dingding at huminga ng malalim si Jace.
"Best ang buhay sa mundo, kanya kanya tayo ng ginagampanan bawat isa sa buhay ng iba, kagaya ng Mama ko bata pa lang ako maaga na siya nawala na kung tutuusin di ba sana nakasama ko pa siya ng matagal, lumaki akong kasama niya. Malay mo ganoon na lang papel sa buhay mo si Grecko parte na lang siya ng kahapon mo na isang beses nagbalik pero di naman kayo click sa isat isa, and according sa mga kwento mo mukhang nagbago na siya," pagpapaliwang ni Gab.
"Marahil nga tama ka Best, syempre sa panget kong to malamang kahit maging kaibigan niya ulit di niya maatim tanggapin ako, hayys kung bakit naman kasi paglaki ko naging ganto na itsura ko," sabay yakap ni Jace ng isang unan.
"Huwag yan bigay sakin ni Samuel yan," sabay hatak ni Gab ng unan yakap ni Jace.
"Sorry Best".
"Best please pumayag ka na isang beses lang naman, gusto ko lang naman malaman after niya pumunta ng States kung ano na nangyari sa kanya. Yun lang naman gusto ko malaman kung ok pa rin ba ko sa kanya," malungkot ang mukha ni Jace habang sinasabati ito.
"Kaya Best think a thousand times bago pumayag sa gusto mo," Payo ng Bestfriend ni Jace.
*********
Jace POV
Mabilis namin tinatakbo ng kaibigan kong si Gab ang hagdanan ng MRT Edsa Taft station. Halos kaladkarin ko na si Gab para makahabol sa papaalis ng tren. Pagkapasok halos kapusin kami ng hininga sa pagtabok.
"Grabe mauubusan ata ako ng hininga," sabay inom ng bottled water ni Gab.
"Kailangan natin makasakay Best baka ma late tayo sa itinakdang oras ni Grecko,"
"Advance naman ng 30 mins. ang relo ko kaya di tayo mahuhuli ng oras," Ani ni Gab.
"Mahirap na Best alam mo naman dito sa Manila umulan ulan lang baha na tapos niyan trapik na , mas mainam mas maaga tayo."
"Ang sabihin mo sobrang excited ka lang kaya ka ganyan".
"Sobra Best excited na excited talaga ko, maraming maraming salamat talaga Best".
Dahil sa sobrang saya ko napayakap ako kay Gab kahit maraming tao at siksikan sa Mrt.
"Ano ba yan! Wag nga kayong malikot." sabi ng isang babae na nainis sa amin.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...