chapter 29 DNA test

1.1K 69 12
                                    


   Ipinark ni Marky ang sasakyan sa tabi ng kalsada ng Bonifacio Global City. Matapos namin ikutin ang napakalawak na lugar ay nakita rin namin kung saan ang photoshoot location.

     "Ayun na si Porsie oh!

     Turo ko sa isang malaking puno kung saan may nakatayo ng tent at na may mga ilang tao na din pati mga camera at ilang kagamitan na ginagamit sa pictorial.

    "Oh ang bilin ko ah huwag kang magpapakapagod, magpupuyat at lagi kang mag take ng vitamins ingatan mong mabuti baby natin ha."

    Nakatingin lang ako kay Marky na parang wala akong balak bumaba ng sasakyan.

    "Huwag ka nang tumuloy Babe malulungkot ako ngayon pasko,"

    "Kung maaari lang sana kaso sayang din yun invite eh, kung puwde lang din sana isama kita ginawa ko na  , dalawang linggo din kasi akong mamalagi sa cruise kaya kahit na ibili kita ng ticket pa singapore hindi ka naman makakasampa ng barko."

     "Magpapakabait ka dun Babe ah kapag nagloko ka nambabae ka dun, pagbalik mo hindi ko ipapakita sayo si baby kahit kailan!"

     "Grabe ka naman baby magtratrabaho ko dun puro seminar ang aatupagin ko, promise magpapakabait ako ikaw lang at wala ng iba."

     "Promise mo yan ah!"

     "Promise, Promise, Promise!"

     Pinahid ko ng kamay ko ang nangigilid na luha ko sa mga mata.

    "Oh bakit ka umiiyak halika nga dito ng mayakap kita."

     Hinatak ako ni sabay angkla ng napakalaking braso niya sa leeg ko at sabay binigyan ako ng matamis na halik. Matagal iyon at napakasarap dahil bawat pag galaw ng mga labi niya sa labi ko ay napakasuyo, totoong pinadadama niya sakin ang kanyang tunay na pagmamahal.

     "I love you Baby!"

     "I love you too Babe!"

     Kapwa kami kinapos ng hininga ng maghiwalay ang aming mga labi.

     "Hindi ko akalain Baby Jace na mapapasaya mo ko bg sobra sobra."

     "Mahal na mahal kasi kita Marky, ikaw lang taong tumnggap sa kapangitan ko noon."

     "Sssh kalimutan mo na yan please hindi ka na pangit ngayon. Parang ayaw ko na tuloy tsss pero pagbalik n pagbalik ko lagot ka sakin pagkapanganak mo babawi at babawi ako sayo,"

    Hinawakan ni Marky ang mga pisngi ko at hinalikan ang labi ko ng limang beses.

     "Merry Christmass Babe, ito ang regalo ko sayo kuwintas."

    Kinuha ni Marky ang box na nakalagay  malapit sa manibela ng kotse niya.

    "Kuwintas ang niregalo ko sayo para kahit next year na tayo ulit magkikita. imaginin mong ako ang kuwintas na ito na parating nakayakap sayo."

     "Hindi na magiging malamig ang pasko ko Babe, Merry christmass babe ito relo ang christmass gift ko sayo.

    Isinuot ko kay Marky ang relong regalo ko sa kanya. 

    "Para oras-oras maalala mo ko Babe."

    "Yes Baby lagi kita mamimiss, hayaan mo mabilis lang ang two weeks makakasama na kitang muli."
 
     "O sige na aalis na ko, baka mahuli na ko sa flight ko. Paalam sa mapapapangasawa ko, aalis muna ang Daddy ha ingat kayong mabuti ni Mommy mo."

     Sabay hawak ni Marky sa tiyan ko.

    Pagkabukas ng pinto ng kotse ay kinuha ko na ang bag at saka nagpaalam sa nobyo ko.

[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon