Jace povNakabihis na ko lahat-lahat nakahanda na rin ang gamit ko pero nakaupo pa rin ako sa hagdanan parang hindi ko pa kayang pumasok sa trabaho, hindi ko pa kayang harapin si Grecko.
Babalik na sana ako sa kuwarto at mahihiga ng may marinig akong kumakatok sa labas. Timing naroon si Papa sa sala kaya siya na ang nagbukas.
"Magandang umaga po, Si Jace po?"
Boses ni Marky susunduin ata ako, hindi man lang siya nagsabi sakin.
"Ah iho, Ikaw ba yun may-ari magandang sasakyan na madalas kong nakikita sa labas?" tanong ni Papa.
"Opo Sir,"
Mabilis akong bumaba ng hagdan para makapunta ng sala, May pagkama usisero si Papa lalo na kapag hindi niya kilala ang isang, kaya aawatin ko baka kung anu ano pa matanong ni Papa.
"Marky,"
"Good Morning baby Jace,"
Napalingon sakin si Papa tila nangtatanong kung bakit naririto si Marky, dahil sa tana ng buhay ko Si Grecko pa lang ang unang lalaking nakapunta sa bahay ko noon mga bata pa kami, mga bata pa kami noon kaya walang malisya pero ngayon ibang usapan na.
Bilang isang bading na katulad ko siyempre wala ng ibang dahilan ang isang lalaki na maghahatid sundo sa akin.
"Papa siya po si..."
Hindi pa ko tapos magsalita ay sumabat na si Marky.
"Sir Ako po si Marky, boyfriend po ako ng anak ninyo?
Natameme si Papa ilang beses niyang tiningnan ang postura ni Marky sabay pabalik balik ng tingin ni Papa kay Marky at sa akin.
"Sandali lang iho ah," wika ni Papa.
"Sigurado ba siya sa sinasabi niya ang guwapo niyang lalaki di kotse pa tapos magkakagusto sayo? Hindi ba siya nababaliw?" bulong sakin ni Papa
"Di ko nga po alam Papa eh pero grabe kayo makapanghusga sakin nakakatampo,"
"Anak hindi naman sa ganoon, ganyan na ba henerasyon ngayon mapapa sanaol ka na lang,"
"Sus si Papa nakiki millenial ka na din katulad ni Mama,"
"Ahm Sir Matagal ko na po kasi gustong magpakilala sa inyo kaso sabi ni Jace hindi pa daw siya handa kaya inunahan ko na po siya magpakilala sa inyo,"
"O nga pala bakit tayo mga nakatayo maupo ka iho,"
"Salamat po Sir,"
"At ikaw bata ka bakit nahihiya ka paaglihim samin kaguwapo guwapo nitong boyfriend mo hindi ka ba proud,"
Napaawang na lang ang bibig ko sa mga sinasabi ni Papa, kung kanina ay ayaw niya pang maniwala na nobyo ko si Marky eh ngayon parang okay na okay sa kanyang may nobyo na ko, ang bilis magbago ng ihip ng hangin ah.
"Kunin ko lang yun bag ko Marky,"
Muli na naman akong namoblema kay Grecko at heto paalis na ko ng bahay para pumasok. Pagbalik ko sa sala ay naguusap pa rin sila Papa at Marky.
"Tito paalam ko lang po si Jc matutulog po samin kung okay lang po sa inyo,"
"Sige iho yun mga ibinilin ko ha nag iisang dalaga este mahal namin yan si Jc kahit ganyan yan kaya ingatan mo siya at huwag na huwag mong sasaktan,"
"Opo Papa huwag po kayong mag aalala mahal na mahal ko po si Jc,"
Huh tama ba dinig ko Papa na tawag ng nobyo ko sa tatay ko ang bilis naman nila magkasundo.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...