"Anong nangyari sayo bakit sumama pakiramdam mo?" halata sa tono ni Sir Grecko na may pag alalala ito sakin."Ok lang po ako Sir Grecko, maya-maya ay bubuti din ang pakiramdam ko, susunod din po ako maya-maya,"
"Are you sure ha, anyway lapitan mo na lang ko mamaya sa hall,"
"Opo Sir,"
"Okay na ba tong suot ko?"
"Opo Sir bagay na bagay po sa inyo suot ninyo," sagot ko.
Naka black polo long-sleeved ito, bukas pa rin ang dibdib na may limited edition Armani necklace , at jeans na pants at black leather shoes na Marks and Spencer brand.
Napakasexy niya ngayon gabi sigurado akong center of attraction sa party, kaya magpapahuli ako lamang ako, dahil sa totoo lang ang hirap sabayan ni Sir Grecko maiilang ang isang kagaya ko na ordinaryong employee lang na makisabay sa kanya. Yun tipong siya nasa red carpet at ako nasa gilid lamang para tanawin siya, which is noong mga mga bata pa kami ay ganoon na kalagayan namin. Siya ay napakasikat sa school namin samantalang ako binubully noon. Malaki na ngayon ang agwat namin kumpara noon mga bata pa kami talagang ililimot ko na sa baul ang masayang alaala namin.
Alibi ko lang talaga na masama pakiramadam ko para hindi kami sabay magpunta ng hall naiilang kasi ako kapag pinagtitinginan kami ng mga tao. Kumaway pa si Grecko bago lumabas ng room namin.
Kaagad kong tinawagan sila Mama at Papa para kamustahin habang namimili ako ng maisusuot.
Sa luob ng Conference hall
"Wow bongga talaga si Manong sobrang yaman talaga,narito na ko ngayon sa hall at medyo madilim ngayon sa gitna ng hall dahil ito ang nagsisilbing dance floor. May pa party si Manong para sa lahat ng mga guest. May disco ball pa na nasa itaas nito, May makukulay na mga ilaw na tila mahaharot at nag aanyayang sa mga guest upang magdiwang sa luob ng hall.
Sa kanang gilid ay may buffet ng masasarap na pagkain sushi, nachos quesadilla, ibat ibang klase ng sausages , cheese roll barbecue ,kebab na pan pika-pika.
"Tusok-tusok lang pala ang labanan dito," nang mapansin ko ang mga matataas na table lang na patungan ng wine glass at walang upuan ang nakikita ko sa paligid.Natuwa ako sa mga nakita kong mga inumin na may ibat-ibang ang kulay inilaan para sa mga guest.
"Cocktail drinks, Sir ano po gusto ninyo champagne, whisky, or brandy?"
Paano ba to wala akong alam sa mga pinagsasabi niya, hindi ako familiar sa mga alak dahil hindi naman ako umiinom ng mga alak. Sana nandito si Sir Grecko para makapagtuturo sakin dapat kung piliin, Help please Sir Grecko hmmm tama naalala ko tuloy ang bilugan puwet ni Sir Grecko kanina,ang sarap siguro makita siyang nakabrief lang. Tama masarap.
"Ahh yun pinakamasarap na lang, tama yun pinakamasarap na lang," mayabang kong sabi para hindi halatang ignorante ako sa mga mamahaling alak.
"Sir try po ninyo itong Margaritta," alok ng isang waiter.
Kaagad akong sinalinan ng waiter.
"Enjoy your drinks Sir," sabay alis ng waiter para magserve pa sa iba.
Hinanap ko si Sir Grecko sa hall pero sa sobrang laki ng hall at patuloy na pagdagsa ng napakaraming guest ay hindi ko na siya makita.
Kaya itinuloy ko na lang pag tusok ko sa mga pagkaing nasa buffet.
Isang nakaka-aliw na tugtugin ang pumailanlang sa loob ng hall kaya ang mga guest ay nagpunta sa dance floor para sumayaw.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...