Alarm clock ringing..."Waaaah 6:30 na bakit late 'tong alarm clock ko ng 30 mins" saad ko.
Balikwas ko ng bangon upang makapag gayak sa pagpasok ko sa trabaho bitbit ko ang toothbrush, towel at underwear ko sa pagbaba upang maligo sa banyo.
"Nak mag almusal ka na," alok aakin ni Mama.
"Morning Ma, hindi na nagmamadali ako, mukhang sira na ata alarm clock ko" sabay kuha ko ng tinapay at ininom ang kape ni Papa.
"Kahit kunti lang nak importante sa lahat ang almusal mahirap magtrabaho ng gutom," habang binabasa ni Papa ang dyaryo.
Napangiti na lang ako at pumasok sa banyo, simple lang ang aming pamilya may dalawa akong kapatid na nag aaral isang senior high at isang elementary, di kami mayaman at di rin mahirap na mahirap sapat lang para sa amin ang kinikita naming dalawa ni Papa. Kaya todo kami pagkayod para sa pamilya habang si Mama naman ay nagtitinda ng mga binebenta sa kanyang online selling, di man ako huwarang nakakatandang kapatid pero bilang isang mapagmahal na anak ay ginagawa ko ang lahat para makatulong sa kanila, Mahal na mahal din ako ng aking mga magulang hindi isyu sa pamilya namin kung ano ako dahil bago pa daw akong maging ganito naging anak muna nila ako, malamya kumilos, hindi brusko, lampa minsan dahil sa may pusong babae ako bagamat ganito ako ay mahal na mahal ako ng aking mga magulang at mga kapatid.
Pagkatapos ko maligo binilisan kong magbihis dahil narinig ko na ang busina ng jeep ni Papa, Opo si Papa ay namamasada ng jeep araw-araw kaya kelangan ko na magpaalam kay Mama dahil isasabay na ko ni Papa palabas ng lugar namin.
"Ma paalis na ko bye bye."
"Mag iingat ka anak!"
Nang maihatid na ko ni papa sa highway ay agad akong naghintay ng bus na sasakyan, ang daming pasahero kaya nagiging amazona ako na nakikipag unahan tulakan sa mga kapwa pasahero ko na sasakay ng bus
kaya nagkalat yun memes na..."Amoy Dyosa kang umalis ng bahay, amoy mandirigma ka na pagdating mo sa trabaho mo."
Laking tuwa ko ng kunti na lang ang mga pasahero at nakalulan na yun iba mabilis akong tumakbo para mauna sa parating na bus hay salamat nakahinga na ko ng maluwag ng makasampa na ko sa loob, nakadama ako ng malakas na tulak sa aking likuran sa di inaasahan napasubsob ako sa sahig sa mismong puwesto ng lalaking nakabukaka, napahawak pa ko sa mga matitigas na muscle na mga hita nito upang maiwasan ko sumubsob ang mukha ko sa sahig , Nang iangat ko ang mukha ko isang nakasimangot at salubong na kilay ng lalaki ang tumambad sakin, gwapo ang lalaki perfect ang features ng mukha nito mukha nga itong model na mestisohin ang kutis, perfect ang built ng katawan ang sarap sa palad ng mga kamay ko ang mga hita nito na naghatid ng kiliti sa aking isipan.
"Hindi ka pa ba tatayo dyan,
mukhang nag eenjoy ka ah!" saad ng lalaking nakabukaka bagamat napaka pogi nito na nakasuot ng printed na blue polo at naka chino pants na dark green ang kulay kaagad akong tumayo at humingi ng sorry."Naku pasensya na di ko sinasadya"
tatawa tawa naman ang lalaking katabi nito sa upuan at pati mga taong malapit sa amin.
"Sorry, sorry"
Agad akong tumayo at humanap ng mauupuan ngunit wala kong makitang bakante kaya tumayo na lang ako at kumapit sa isang sandalan ng upuan.
May isa pa nga isang matabang lalaki na nagtulog tulugan kahit pwede ako maupo duon pero mas ok na akong nakatayo kesa naman isiksik ko pa sarili ko at maya maya ay sandalan niya ako.
mga ilang saglit pay tumayo ang katabi nito at bumaba ng bus napatingin ako sa nabakanteng upuan ng lalaking napasubsob ako gustuhin ko man maupo ngunit nag alalangan ako dahil nahihiya ako sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
[Completed] (Mpreg) Blind Date With My Evil Editor
Romancepano kung nagbago na itsura mo at di ka na makikilala ng nagbabalik mong childhood crush na sobrang pogi na ngayon at one the most hottest bachelors in the country, magpapakilala ka pa ba o ibabaon mo na lang sa lupa pinapangarap mong lovelife na na...