Kelly POV
Kalarating lang namin sa paris eh umalis kaagad si Cairo kaya ako lang magisa sa condo ngayon. Kumuha kasi sya ng condo at nasa harap ng condo namin si Tyron at Kate, para daw bantayan na naman ako. Eh saan kasi sya pumunta? Magkasama ba sila ni Calista?
*knock**knock*
"Ms. Kelly ako to ang gwapong nilalang" Rinig kong sigaw ni Tyron sa labas. Pinagbuksan ko naman sya ng pinto.
"Oh?" Tanong ko, napatingin naman ako sa kasama nyang lalaki.
"Ah ms. Kelly sya si James, pinapunta daw sya ni boss para hingan mo ng lahat na kailangan mo" Napataas naman ang kilay ko, parang wala namang sinabi si Cairo na may pinapunta sya?
"Good evening ma'am Kelly I'm james" Inilahad pa nya ang kamay nya, syempre inabot ko yun.
"Hmmm" Tumango naman ako.
"Oh sige ms. Kelly, larga muna ako Si James na bahala sayo" Umalis naman si Tyron at pumasok na sa kaharap namin na condo.
"Uhmm hi ms. Kelly, I'm james again at your service" saka ngumiti sya sakin. Filipino sya, I wonder kung kasama ba sya samin sa private plane
"Ah James pwedeng samahan moko sa labas?" Tumaas naman ang kilay nya
"Sige po ma'am" Nag bow pa sya,ang pormal ah.
"Ano po pala gagawin nyo sa labas?"
"Gusto kong mamasyal" sagot ko saka sya tumango.
"Sige kukuha lang ako ng jacket" Sinara ko muna ang pinto kaya naiwan syang naka rayo sa labas saka ako kumuha ng jacket at baril. Tinago ko yun sa bulsa ko bago lumabas.
"Tara?" Tumango naman sya kaya nauna na akong maglakad.lumabas kami sa building kung saan naka locate ang condo namin. Mas lumayo pa ako sa lugar hanggang sa di na abot ng CCTV ang kiroroonan namin.
"Ma'am masyado napo tayong napapalayo baka magalit si mr. De Ville" Sabi nya. ramdam ko na mas dumadami ang nakasunod samin pero di na kasing dami nung nandun kami sa pilipinas.
"Di sya magagalit" Sabi ko lang.
"Pero miss Kelly--woah!" Napataas sya ng kamay dahil tinutukan ko sya ng baril.
"Sino nagpadala sayo dito?" seryoso kong sabi.
"S-si mr. De Ville po" Sagot nya.
"What's your name?" Tanong ko ulit.
"James nga po" I just smirked, di talaga aamin
"T-totoo po ang sinasa--" Pinaputukan ko naman sya sa paa kaya napaluhod ito. Woah may bala pala talaga ang baril ni Cairo hehe.
"Arhg!" Itinutok ko ang baril ko sa gawi ng mga puno kung saan naririnig ko ang mga kaluskos.
"Tss stop hiding and show your self idiots" Ginawa ko manang cold yung boses ko. Nakarinig ako ng mga kaluskos. nagpakawala naman ako ng putok kung saan ng galing ang kaluskos nang makarinig ako ng mga daing. Biglang sumakit naman yung tiyan ko kaya napahimas ako dun. Tss 2 months nalang baby.
"I said show yourself" di ko pinahalatang nahihirapan ako dahil sa pagsakit ng tiyan ko.
"Ma'am ano po bang pinagsasabi nyo?" Nahihirapang sabi ni James daw habang naka luhod.
"Palabasin mo yung mga kasamahan mo" Utos ko saka tinutok sa kanya ang baril.
"Wala akong alam sa sinsabi mo" Nagsimula naman akong mainis.
BINABASA MO ANG
That Gangster Obsession
RomancePlease read book 1 first "My Gangster Twin Obsession"