CHAPTER 12

1K 30 0
                                    

Kelly POV

Nagising ako ng mugto ang mata ko, buong gabi kasi akong umiyak.

'10 messages and 6 missed calls from Dianne' Pinindot ko naman yun saka binasa.

"Kelly where na you?" Basa ko sa isa sa mga message ni Dianne

'5 messages and 23 missed calls from Tyron' Nag flash naman sa screen ang number ni Tyron.

"Wengya ms. Kelly umuwi kana baka ang kagwapuhan ko ang sunod na i torture ni bossing"

'2 messages and 2 missed calls from Travis'

"Umuwi kana bago pa kami patayin ng mga De Ville"

56 messages and 100 missed calls from Cairo.Napabuntong hininga naman ako bago pinindot yun.

"Fucking no"

"Comeback here,now"

"Answer my fucking calls"

"Sweetheart I'm warning you" Napabuntong hininga ako,napaka demanding parin nya. I need space na makapag isip.walang akong pakialam ngayon kung ayaw nya ng space na hinihingi ko. Inihagis ko ang phone ko sa kama saka lumabas ng kwarto. Napadaan ako sa kwarto ni Cairo. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko saka binuksan yun.

"Maraming armas, nakakatakot na kagamitan at may pulang ilaw,walang pinagbago" Sambit ko nang inilibot ko ang paningin ko. Lumapit ako sa mga armas na naka sabit sa pader, kinuha ko naman ang ibat ibang uri ng kutsilyo saka sinuri ang pagkakaiba ng mga yun. Pati mga katana at dagger at tinignan ko din.

"Darling" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang may mag salita sa likod.

"Mom" Sambit ko saka nya ako nginitian

"May susi ka pala ng kwarto ni Cairo" Sabi ni mom, tumango ako. Alam ba ni mommy na may ganitong mga gamit si Cairo? Bakit di man lang sya nagulat.

"Mom ok lang ba na mag tagal muna ako dito kahit 3 days lang?"

"Sure baby,walang problema. Kailangan mo ding makapagisip isip" Ngumti ako saka sya niyakap.

"Mag Breakfast kana darling" sabay naman kaming bumaba ni mommy para mag breakfast.

-----

"Dianne?" Sagot ko sa tawag nandito kasi ako sa mall para bumili ng mga damit ko. May natira pa naman akong damit sa bahay pero gusto ko ng itim na kulay.

"Kelly nasan kana? Ok kalang ba? Bakit ngayon mo lang sinagot tawag ko? Maayos kaba dyan? Kailan ka uuwi?" Napabuntong hininga ako,dahil sa sunod sunod nyang tanong.

"Ok lang ako, nasa maayos naman. Uuwi din naman ako soon. Kayo kamusta? Si Tristan ok lang ba sya?" Tanong ko din.

"Sa kasamaang palad buhay sya, at kung di kapa uuwi baka mauna pa kaming mamatay sa kanya. Alam mo bang pinaghahanap kana ng tauhan ni Cairo?" napairap naman ako. Ang talino nila pero di man lang nila inisip na nandun lang ako kina mommy.

"Sandali" Sabi ko saka pinatay ang tawag at nagtago, dahil nakakita ako ng mga black scorpio at alam ko na ako ang hinahanap nila.sinilip ko naman sila,nagkalat kalat na sila sa loob ng mall kinuha ko ang shades ko saka dali daling umalis. Iniiwasan ko naman na mag tagpo ang landas namin ng mga tauhan ni Cairo.

"Aw" Daing ko nang mabunggo ako napatingin naman ako sa kanya at ganun din sya sakin.

"Shit!" sabi ko saka sinipa sya at tumakbo dahil isa yun sa black scorpio.

"Hulihin nyo!" Sigaw nya kaya nakuha pa ang atensyon ng iba nyang kasama pati narin ang ibang tao sa mall. Dumami naman yung humabol sakin. Lumabas ako ng fire exit saka mas binilisan ang takbo pero nahuli ako ng isa. Kinuha ko naman ang kutsilyo na ginawa ni Cairo at isa isa ko silang sinugatan kaya unti unti silang natumba. pinagpatuloy ko naman ang pagtatakbo hanggang sa may humatak sakin at isinakay ako sa sasakyan. Napatingin ako sa lalaking nag mamaneho na nag hatak sakin.

"K-Kuya Blax?" Di ko makapaniwalang sabi.

"My Kelly sweetheart" Agad naman akong kinabahan.tss di ba talaga sya titigil?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hinahabol ka ng mga black scorpio? Hmm interesting, I wonder why" Nag smirk pa sya at di sinagot ang tanong ko.

"Pake mo?" 

"You're pregnant" kinabahan ako dahil sa nalaman nya. kaya ba nya ako huhulihin para patayin kami ng anak ko?.

"And you we're chasing by the father of your child but you're trying to hide so I saved you. Pwede naman tayong mag tulungan para pabagsakin sya" naningkit naman ang mata ko.sure na sure talaga syang galit ako kay Cairo para i offer nya sakin yan ah.

"What are you talking about?" inis kong sabi,akala ba nya naglalaban kami ni Cairo?.

"Unti unti mo na bang nakikilala ang totoong Cairo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya, matagal ko ng kilala ang totoong Cairo.

"Ibaba mo na ako dito" Tinutukan ko naman sya ng kutsilyo.

"Pft fine just call me kung kailan ka makikipag sabwat sakin" hininto nya ang sasakyan saka ako bumaba at mag co-commute para makauwi.naguguluhan ako sa pinagsasabi nya.naghintay ako ng taxi pero wala akong makita kaya naglakad nalang din ako papuntang bahay malapit din naman yun.

"M-mom?" Kinakabahan kong sabi dahil ang gulo ng bahay.

"Mommy!" Tawag ko ulit habng nagpapatuloy sa pag lalakad pa puntang kusina at dun ko nakita ang nakahandusay na si mommy.

"Mom!" Agad ko syang nilapitan at ginising. Nakita ko naman ang dugo sa kanyang damit. May tama sya ng bala.

"K-Kelly" Nahihirapan nyang sabi habang naliligo sa sarili nyang dugo.

"Mom wag ka nang magsalita dadalhin kita sa hospital" Aalis sana ako pa humingi ng tulong nang hawakan nya ako sa braso.

"N-no n-need darling d-di na a-ako aabot" Napailing naman ako.

"Don't say that, mabubuhay ka ok? Magiging okay ka" Sabay ng pag agos ng luha ko pero nginitian nya lang ako.

"Sino ang may gawa neto?" Tanong ko pero umiling lang sya.

"Mom sabihin mo kung sino ang gumawa sayo nito"

"C-Cairo" Sambit nya bago sya nawalan ng buhay.unti unti namang namutla ang katawan nya at lumamig,parang gumuho naman ang mundo ko. D-di ko alam ang gagawin ko. Tama ba narinig ko?

"Mom! Wake up!" gising ko dito, di pwedeng mawala si mommy.

"Mom wag mo akong iwan, pano ako?" Pilit ko naman syang ginigising. Nahirapan naman akong huminga.

"Mom ano ba gising ka dyan oh" Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na di totoo ito. Una si daddy ngayon si mommy, bakit ba nangyayari sakin to?

"Mom please,ayaw mo ba makita ang apo mo?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit,parang di ko kaya.

"Mom I Love you" Huling sambit ko at pinahiran ang luha ko na patuloy pa rin sa pag agos. Nahihirapan na akong huminga. Di naman ako makapaniwala sa aking narinig kanina, s-si Cairo ang pumatay kay mommy tangina!. Naalala ko naman ang sinabi nya noon

'Di kita papakawalan kahit anong mangyari,even I killed thousands of people just to have you, I fucking will'

napailing naman ako pati pala si mommy ay kasama sa tinutukoy nya. nanlalabo naman ang paningin ko kaya bumagsak na ako sa sahig pero bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong isang pamilyar na imahe na papalapit sakin.

"Sleep well sweetheart"


That Gangster Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon