CHAPTER 37

664 24 0
                                    

Dianne POV

"Kelly ang gwapo gwapo ni baby Caiden, kamukhang kamukha ni Cairo" kinurot kurot ko pa ang pisngi ni baby Caiden.

"wahhh Dianne feeling ko abnormal sya" nabigla naman ako sa sinabi ni Kelly.

"tss ano bang pinagsasabi mo baka ikaw yung abnormal saka pano mo naman nasabi?" kinurot kurot ko parin si baby Caiden pero mahimbing parin ang tulog neto at higit sa lahat di sya mukhang abnormal. gaga talaga tong si Kelly, ang gwapo ng anak tapos pagkakamalan nyang abnormal.

"k-kasi di sya umiiyak tuwing alas dos ng umaga, saka tulog lang sya ng tulog" di ko naman ma intindihan ang point nya.

"oh anong problema dun?"

"diba dapat umiiyak sila tuwing alas dos o alas tres ng umaga? sabi kasi nila na napupuyat sila sa pagbabantay ng bata pero di ako napupuyat kasi di naman sya umiiyak tuwing alas dos, alas otso na sya umiiyak eh" paliwanag nya, gusto ko naman syang batukan.

"ayaw mo nun? di ka napupuyat saka baka kaugali lang si Cairo pft" natatawa kong sabi.

"huh? pano mo naman nasabi yan?"

"kasi napansin ko din na di tumatawa si baby Caiden kahit anong laro ko sa kanya" sabi ko.

"huh? tumatawa kaya sya sakin!" pagmamaktol ni Kelly.

"yun nga eh, kaugali si Cairo. sayo lang mabait" sabi ko.

"Dianne naman eh di ako nagbibiro" nag pout pa sya.

"ako din naman!" sigaw ko.natahimik naman sya.

"oh?"

"ansakit naman ata sa part ko na kamukha na ni Cairo tapos kaugali pa, parang ako lumalabas na ako lang ang umiri ng anak ni Cairo.yung feeling na ilabas lang si Caiden sa mundo yung role ko" tumahimik nalang ako dahil nag dadrama na naman si Kelly, ang pangit naman ata kung sa kanya nag mana si Caiden.

"Dianne sa naalala ko bago ako manganak sinabi mo sakin na buntis ka" bigla naman akong kinabahan, shemay. Naalala pa pala nya yun

"hmm" tumango lang ako.

"alam na ni Travis?" tanong ni Kelly, tumango naman ako.


*FLASHBACK*

"That bullshit Zabala!" kanina pa nag mumura si Travis dahil sa pag yakap sakin no Tyron kanina.

"Travis huminahon ka nga!" sigaw ko. tumigil naman sya sa paglalakad.

"huminahon?" cold nyang sabi.

"oo! huminahon!" sigaw ko sa mukha nya.

"how can I fucking do that?" kanina pa pag E-english nito ah!eh ano ba naman ang problema nya sa pagyakap ni Tyron sakin.

"Travis stop acting weird, baka mamana yan ng anak mo" natigilan naman sya at napatingin sakin. Nagkasalubong ang kilay nya na para bang nagtatakha.

"anong ibig mong sabihin?" sa wakas bumalik na sya sa pagtatagalog.

"Travis wag kang mabibi--" di ko pa natapos ang sasabihin ko ay niyakap na nya ako.

"shit really?" kinurot ko naman sya. Di ako pinatapos eh.

"tss oo!" sagot ko.

"shit shit shit!" masaya nyang wika saka ako binuhat.

*End of Flashback*

"DIANNNE!" nagulat naman ako sa pag sigaw ni Kelly.

"anong sinisigaw mo!" Batukan koto eh

"kinakausap kasi kita tas di moko pinapansin" naka pout nyang sabi.

"m-may iniisip lang ako"

"ano yun?" tanong pa nya.

"w-wala, iniisip ko lang kung pano ko sasabihin sa parents ko to.alam mo naman na nabugbog na si Travis noon kaya baka ngayon iba na gawin ni daddy" tumango tango naman sya.

"oo nga noh, pero sa tingin ko di naman nila papatayin si Travis" habang nag uusap kami ni Kelly ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun ang isang may edad na lalaki.

"Kelly my daughter" daughter? bakit nya tinawagng ganun si Kelly?. saka bakit parang nakakatakot sya? Baliw ba sya? Sa pagkakaalam ko patay na tatay ni Kelly.

"anong ginagawa mo dito?" sya ba ang tatay ni Kelly?pero bakit ganyan makitungo si Kelly sa kanya

"how are you?" sabi nung lalaki na tinawag si Kelly na daughter, kung sakali, sya pala si mr. Kindred.

"what are you doing here" pag uulit ni Kelly at di man lang sinagot ang tanong ng dad nya daw.

"I just want to see my grandson, if it's ok" naging malumanay naman ang boses nung dad daw ni Kelly.

"ok lang... sakin" napatingin ako kay Kelly dahil parang nag iba ang tono ng boses nya.

"pero di ko alam kung papayag si Cairo" dugtong nito.

"you don't have to tell him"

"I have to, para pag may nangyaring masama, alam namin kung sino ang sisisihin" mas naging cold yung boses ni Kelly and first time ko yun narinig. Habang ako ay tahimik lang dito at nakikinig.

"wala ka parin bang tiwala sakin anak?" parang may naramdaman naman akong kakaiba sa tono ng pagsasalita ng dad ni Kelly, hindi dahil sa nag tagalog ito, kung hindi ay dahil parang nasasaktan sya.

"really you're asking me to trust you?" wengya parang bumigat ang atmosphere dito ah. bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Tyron na mukhang di napansin ang daddy ni Kelly.

"ms. Kelly handa na ang gamit mo sa pag uwi para bukas!" sigaw neto .ilang sigundo ay nag takha sya kung bakit tahimik kami,saka nya lang napansin ang dad ni Kelly.

"gwapong pasensya mula sa gwapong ako, di ko kasi alam na may bisita ka pala ms. Kelly" paumanhin neto at napakamot pa sa batok.

"ah ms. Kelly susunod na dito si bossing" dugtong pa ni Tyron.

"wengya bakit antahimik nyo ata--" di ko na sya pinatapos.

"Tyron tahimik! pano sila mag uusap ng tatay nya kung ang ingay ingay mo!" sigaw ko.

"T-tatay? tatay nya to? may tatay ka ms. Kelly?!" napairap ako sa sobrang OA ni Tyron. sabay sabay naman kaming napatingin sa dumating na si Cairo pero dumeretso lang sya kay Kelly at binigyan ito ng halik kahit na nandito kami.

"wengya boss andito erpats nya kaya wag kang ganyan" sabat ni Tyron dahilan para matigil ang halik nya kay Kelly. ang PDA ah!

"dad. it's nice to see you here" lahat kami ay nanlaki ang mata nang dahil sa sinabi ni Cairo, kahit si Kelly ay di makapaniwala.close sila?

"ofcourse,I won't miss this chance to see my grandson... Caiden" sabay ng pag ngiti ng dad ni Kelly.




-------

That Gangster Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon