Kelly POV
"Dianne my cousin, sinasabi ko na sayo na kayo nalang mag pa re schedule ng kasal"
"Bat kasi di nalang kayo ni Tyron mag pa reschedule?"
"Kasi nga gusto talaga ni Tyron sa araw na yun kami mag pakasal,saka di na ako makapaghintay na ikasal kami.eh kayo ni Travis mukhang ayaw pa naman nyang makasal sayo"
"Suntukin ko yang bunganga mo eh, pano mo naman nasabi na ayaw nyang magpakasal sakin?!" Kanina pa kami pinagtitinginan ng tao dahil sa pagbabangayan nina Dianne at Kate. Sinama ko kasi sila mag mall dahil gusto kong bantayan ni Cairo si baby Caiden, sa ganun di sya umalis at pumunta sa secret hide out nila at makipagkita kay Calista saka gusto din daw nila mamili para sa nalalapit na kasal nilang dalawa.
"Eh kasi di naman sya nag propose sayo!" Natigilan naman ako, nakita kong natigilan din si Dianne.
"Di pa nag prospose si Travis?" Tanong ko.
"Nope!" Sagot ni Kate kaya sinamaan sya ng tingin ni Dianne.
"Eh bakit may schedule na kayo ng kasal?" Possible ba yun?
"P-pinagusapan lang namin na yun y-yung araw ng kasal" nakita ko naman ang lungkot sa mata ni Dianne.
"Ganun?" Ang bobo naman ng sinabi ko pero parang na speechless talaga ako eh.
"Uhuh di naman kasi ganun ka showing si Travis eh" naalala ko naman na buntis nga pala si Dianne at Kate, as in ngayon ko lang talaga naalala!
"Diba buntis kayo?!" Napatingin naman ang mga tao sa mall dahil sa pag sigaw ko, bakit kasi ngayon ko lang naalala.
"Seriously Kelly? nagka amnesia ka?" Pagsusungit ni Dianne, ano kaya pinaglilihian nya?
"Alam naba ng ng parents nyo? Ng lolo nyo? Siguro magagalit si heneral Chavez" asar ko.
"Ako wala na akong problema. Nung nagpapanggap pa kaming buntis ako dun ang problema ko pero ngayong totoo na... I have no problem uhu" masayang wika ni Kate.
"Eh ikaw?" Baling ko kay Dianne
"Alam nilang may nangyari na samin ni Travis kaya baka iniexpect na nila to" tumango naman ako. Buti naman kung ganun.
"kain muna tayo" yaya ni Dianne tumango naman kami ni Kate.
"San tayo kakain? Anong kakainin natin? Masarap ba? Mas masarap pa kay Tyron?" Nagkatinginan naman kami ni Dianne dahil sa pinagsasabi ni Kate. Maya maya ay tumigil kami sa harap ng coffee shop, ano pa ba ang aasahan namin namin kay Dianne.
"Akala ko kakain tayo?"
"Eh nauuhaw ako eh" pumasok nalang kami sa coffee shop saka nag order.
"Uy Kelly tignan mo yung hot guy oh, kanina pa nakatingin sayo" kinikilig na sabi ni Kate. Napatingin naman ako sa tinuro nya, nakatingin nga yung lalaki tas kinidatan pako.
"Kinindatan ka oh" asar pa ni Kate.
"Tss bulag ang aabutin ng kinandat nya pag nalaman ni Cairo" natatawang sabi ni Dianne.
"Uy girls talk tayo hihi" daldal na naman ni Kate, mula kanina ay sya lang yung salita ng salita eh.parang di na nga si Kate yung kaharap namin ngayon
"Di ko alam yun" sabay irap ni Dianne.
"Ano ba usapang babae lang naman yun. Kailangan lang natin mag usap dahil babae na tayo" nagkabit balikat lang ako. Kanina pa naman kami naguusap ah.
"Simulan mo" sabi ko.
"Hmmm sige... " saka nya ako nginisihan napalunok naman ako dahil mukhang di ko gusto yung ngisi nya.ano naman kaya ang nginingisi nya.
"Ilang beses kayo mag make love ni Cairo sa isang araw?" Muntik ko nang maibuga sa kanya ang kape, feeling ko umakyat lahat ng dugo ko papunta sa pisngi ko. Ito ba yung sinasabi ni Tyron na nagiging ugali ni Kate nung nakaraang araw?
"Ano bang klaseng tanong yan?" Inis na sabi ni Dianne.
"Bakit nagtatanong lang naman ah!" Saka ulit ako binalingan ni Kate.
"Ano na?" Napalunok naman ako.
"Kailangan ko bang sagutin yan?"
"Oo naman!"
"Uhmm m-minsan lang, di naman a-araw araw" nahihiya kong sagot. Masyadong naman kasing personal yung tanong ni Kate.
"Ah ganun? Eh saan kayo?"
"Saan ang alin?"
"Sa sofa ba, sa bed, sa banyo, sa sasakyan you know" napatakip na ako sa mukha dahil sa sobrang pamumula.
"OMG! Na try nyo na sa lahat? Kami kasi ni Tyron nag sex kami noon sa hide out hihi" nanlaki naman ang mata ko sa pag amin nya. Lahat ng tao ay nakatingin samin dahil sa pinagsasabi ni Kate. Huhu sana pala di ko nalang sya sinama,I mean sana di nalang ako sumama.
"Hoy Kate Chavez mahiya ka nga!" Suway ni Dianne. Habang ako ay isinandal ang ulo sa mesa.
"Bakit ba? Baka gusto ring tanungin kita kung nag sex kayo ni Travis sa hide out!" Sinilip ko si Dianne at nakita kong sinandal nya din ang ulo nya sa mesa.
"Hey girls bat kayo ganyan? Akala ko ba gusto nyo ng girls talk" wahhh yun ba yung girls talk para sa kanya?.
"Kate tumahimik kana nga!" Suway ni Dainne.
"I'm just asking lang naman ah!"
"Sa dinami dami ng tanong ba yan ang tinatanong mo?!"
"Sige ibahin ko nalang"
"Mabuti"
"Hmmm Dianne my cousin anong ipapangalan mo sa anak mo?" Wahhh curious din ako.sa lahat nang sinasabi ni Kate ito lang ang matino
"Trevor yung gusto ni Travis eh"
"Lalaki anak nyo?" Tanong ko, nagkabit balikat naman si Dianne.
"Eh ikaw?" Baling naman kay Kate.
"Tyler... pero gusto ko sana sponge bob ang pangalan nya hehe" nagkatinginan kami ni Dianne saka sabay natawa.
"Lalaki din anak nyo?"
"Siguro hehe... Eh ikaw Kelly kailan nyo susundan si Caiden? Ayieee" namula na naman ako, bakit ba laging nauuwi sa ganito ang usapan namin.
"Next year ata" sagot ko.
"Eh ikaw Dianne kailan nyo susundan si Trevor?" Naubo naman si Dianne.
"Gaga kaba di pa nga ako nanganganak eh yan na yung iniisip mo!" Sigaw ni Dianne
"Eh nagtatanong nga lang!" Sigaw din ni Kate. Maya maya ay nilapitan kami ng dalawang guard.
"Miss pasensya na ho... Kailangan nyo na kasing lumabas dahil kanina pa kayo nambubulabog dito" sabi nung guard nakatingin na din pala lahat ng tao samin.
"WHAT? KAMI? NAMBUBULABOG? PANO NAMAN---" tinakpan ni Dianne ang bunganga ni Kate at hinatak sya sa labas kaya sumunod na din ako.
"Sorry po" paumanhin ko saka lumabas ng nakayuko.
"Tss halikana" dumiretso kami sa parking lot.
"Uuwi na tayo?"
"Ikaw kasi eh" sabi ni Dianne nang makarating na kami sa sasakyan. Inihatid muna namin si Kate sa bahay nila.
"Bye sa susunod ulit na girls talk"
BINABASA MO ANG
That Gangster Obsession
Roman d'amourPlease read book 1 first "My Gangster Twin Obsession"