Tyron POV
"San kayo pupunta?" Tanong ko sa bihis na bihis na si Keyden at ang kaibigan kong si Kai.nandito ako sa bahay nila wengya, Bilin kasi ni boss na tignan ko ang kalagayan ni Kai.impossible naman atang pahirapan nila ang batang to. At Kailan pa naging close si Kai at Keyden?
"Pake mo?!" sagot nung Keyden. Aba! Kahit boss to ng red dragon kaya kong patumbahin to. Akala nya ah.
"Yeah just shut up!" Napatingin naman ako sa kaibigan kong si Kai. Aba kaya ko ding patumbahin ang batang to sa isang siko lang, pero syempre tumba din ako kay boss wengya.
"Alam mo bata kailangan mong maging mabait sa magiging bayaw mo" bulong pa ni Keyden dun sa bata,aba parang di ko narinig ah.
"Is that so?" Tanong din nung bata. Aba kailan pa naging close ang dalawang to? Dati nga parang aso at pusa sila eh.
"Well I'm sorry for my manners mr. Zabala" Nanlaki naman ang mata ko Wengya humingi ba talaga sya ng patawad?sakin? Na engkanto ba sya? Tangina kinabahan tuloy ako.
"Ganyan talaga nagagawa ng pag ibig" tinapik pa ako ni Keyden bago silang dalawa umalis.Wengya, may gusto ba sakin ang batang yun?malalagot ako kay bossing pag naging bakla yun at sakin pa talaga nag ka gusto.minasan talaga may disadvantage din ang pagiging gwapo ko baka isang araw bakla na lahat ng kalalakihan dahil sakin.
"Tss iba talaga pag gwapo" Sabi ko pa at inayos ang buhok ko.
"Hey Tyron!" Napalingon naman ako sa tumawag saking bubwit.
"Parang di moko kuya ah!" Masungit kong sabi sa kapatid kong si Keisha.
"Saan sila pupunta?" Tanong neto at nag cross arms pa.
"Aba malay ko!" Sagot ko dito,bat pa kasi sumama ang batang to.
"Mindless!" Agad ko naman syang pinitik sa noo.
"Ouch!" Sabi neto at napahawak sa noo nya Maldita talaga ang batang to.
"Buti nga sayo" Bulyaw ko pero Binelatan lang ako ni Keisha.
"Hey Tyron who is that girl in your wallpaper?" nanlaki naman ang mata ko, na kita nya yun?
"Pinakialaman mo ba cellphone ko?" Tanong ko dito.
"Ofcourse nakita ko ba kung wala?" Nag cross arms pa sya wengya.pinitik ko ulit sya sa noo.
"Aw why are you hurting me?" Inis nyang sabi.
"Sa susunod wag kang makialam ng gamit ko naiintindihan mo? Tinignan mo ba gallery ko?" Aba! Mabuti na ang sigurado baka makita pa nya yung tinatago ko eh.
"Nope, may password" Sabi neto.buti naman haha syempre matalino ako.
"Why are you changing the topic Tyron?" Wengya ngayon ko lang nalaman na pakialamera na pala sya ngayon.
"Who's that girl?" Pag uulit pa nya sa tanong kanina
"Girlfriend ko yun" sagot ko dito.
"At isa pa kuya itawag mo sakin hindi tyron ok?" Sabi ko pa bago pinitik noo nya saka tumakbo papalabas. Dumeretso nalang ako sa paaralan. Tatapusin ko pa kasi yung punishment ko na pag linis ng library. Suki na ako dito eh.
"P*ta!" Napamura nalang ako sa kapal ng alikabok. Ansarap bombahin ng library eh.napalingon ako dahil sa pag ka hulog ng mga libro sa isang shelf kaya nag kalat yun sa sahig.
"Opss" Napatingin naman ako sa may kagagawan nun.
"My bad" maarteng sabi pa nya at ngumiti ng matamis, pero di effective sakin yun. Mas matamis yung ngiti ni Dianne, joke lang di nga ngumingiti ang babaeng yun eh.
"Miss alam mo kung mag papapansin ka sakin, di sa ganyang paraan.Maganda ka naman eh kaya kahit wag mo nang ikalat ang libro papansinin kita" Medyo irita kong sabi, ilang oras ko pa namang inayos yun. Sya yung babaeng humatak sakin sa graduation ni bossing ah! saka sya din yung babaeng akala ko girlfriend ni Travis wengya.
"Hi there Tyron" Actually di na ako nagulat nang makilala nya ako. Sa gwapo kong to. Heartthrob kasi.
"Diba ikaw yung girlfriend ni Travis?" Tanong ko dito.
"Not really. By the way I'm Kate" Sabi ba neto at inilahad ang kamay nya.
"Ang ganda ng pangalan mo parang pusa. Kate, Cat, Kate haha biro lang di pala" Sabi ko saka tinitigan lang ang kamay neto kaya agad nya yung binawi.
"Tss whatever" Pag mamataray nya nang di ako nakipag kamay sa kanya,syempre pa hard to get ako noh.
"Ano ba kailangan mo miss Kate? May gagawin pa kasi ako" sabi ko at nilapag muna ang feather duster. Mukhang aamin kasi syang crush nya ako kaya naawa ako na lanya dahil may iba ng laman ang puso ko.
"May kailangan agad? Di ba pwede na I just want to be friend with you?" Sabi neto habang papalapit sakin. Maya maya bigla nalang lumapat ang kamay nya sa dibdib ko.shit naman!
"Ah miss ano ba talaga kailangan mo?kahit ano wag lang katawan ko" saka ko kinuha ang kamay nya sa dibdib kong matipuno,wengya baka ma rape ako neto.
"Tss ok fine! I just want you to--" Pinutol ko naman sya dahil alam ko na sasabihin neto eh.
"Pasensya na miss di kita kayang paligayahin dahil nandito tayo sa library. Pero pwede ka din namang pumunta sa dorm ko mamayang gabi. Kaso loyal na ako---" Pinutol din nya ang sasabihin ko. Aba palaban!
"What are you talking about?!" Kumunot naman ang noo ko.
"All I just want is you to bare with me"
"Anong ibig mong sabihin?" Takha kong tanong.
"I know you like Dianne, my cousin" Nanlaki naman ang mata ko,tama ba narinig ko?.
"P-pinsan kayo?" Di ko makapaniwalang sabi.
"Yeah. As what I have said, you like Dianne while a want to took Travis from her" Naramdaman ko naman kung saan tutungo ang usapang ito.
"Gusto ko lang na mag tulungan tayo para pag layuin sila" Napa smirk nalang ako.ako? kailangan ng tulog? Tss sa gwapo kong to
"Pfft no thanks miss pero kaya kong mapaibig sakin si Dainne kahit wala ang tulong mo" Pag mamayabang ko dito.
"Really huh? I don't think so" Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil masyadong matabil ang dila nya.
"She's in love with Travis baby, habang si Travis ginagamit lang sya" Nag trace pa yung kamay nya sa dibdib ko, bakit ba nya ako inaakit? Pwede naman namin pag usapan to ng maayos
"Maaaring tama ka, pero maaari ding mali" Sabi ko dito.
"Alam ko na alam mo na may namamagitan sa dalawang yun pero ayaw mo lang tanggapin" Ngumisi naman ako.
"Tss kung sino man ang di makatanggap ng kabiguan satin dito, ay ikaw yun miss" Sabi ko na ikinabusangot nya.
"Isipin mo nalang kasi na kailangan mo lang sya ilayo sa kapahamakan, alam mong sasaktan lang sya ni Travis" Napaisip naman ako sa sinabi nya. May point naman sya.
"At isa pa di naman natin sila sisirain. It's just kailangan lang natin kunin yung gusto natin, yung dapat satin then ayun di na kita guguluhin pa" Paliwanang pa nya. Naisip ko naman na sasaktan lang ni Travis si chikababe Dianne kaya siguro kailangan ko syang protektahan. Ibang klase pa naman ang lalaking yun, siguradong mapapahamak din sya sa kamay ng mga red dragon. Pero may namamagitan nga ba sa kanila? Sa pag kakaalam ko kasi patay na patay sakin si chikababe Dianne eh.
"So deal?" sabi ni Kate at inilahad na naman ang kamay nya sa ikalawang pag kakataon. Tss bahala na, may namamagitan ko wala dapat ko paring protektahan si Dianne.
"Deal!"
![](https://img.wattpad.com/cover/225767810-288-k168502.jpg)
BINABASA MO ANG
That Gangster Obsession
RomancePlease read book 1 first "My Gangster Twin Obsession"