Kelly POV
Kakatapos ko lang magbihis ng makatanggap ako ng tawag.
"Hello?" Sagot ko sa phone unregistered number kasi.
"Hi sweetheart, miss me" Kumunot naman ang noo ko. Mukhang di naman boses ni Cairo.
"Sino to?" Tanong ko, pero mukhang may ideya na ako kung sino.
"Forgot already? It's me Tristan" agad ko naman pinatay ang tawag.pano nya nakuha ang number ko? maya maya ay may nag text na naman.
'I saved you yesterday sweetheart, but you didn't bother to say thank you but One kiss will do' Bigla naman akong sa inis, napaka manyak talaga ng Tristan na yun. Pinagmamalaki pa talaga nya na iniligtas nya ako kahapon eh kaya ko namang labanan ang wild snake kahit ako lang.
"Tss" Pinatay ko nalang ang phone ko saka bumaba na sa sala.
"Kelly ayos ba?!" Tanong ni Dianne na may hawak pang pangkulay ng buhok, napatingin naman ako kina Tyron at Travis, waahhh itim na yung buhok nila!
"Oo naman. bagay sa inyong dalawa,mas naging tao na kayo" Puri ko.ansaya ko promise.
"Puri ba yun o insulto?" Tanong ni Tyron at kunwaring nag iisip pa.
"Nakita nyo ba si Cairo?" Tanong ko, galit ata kasi sakin yun dahil sa pagtakas ko kahapon para makipagkita kay Calista. Di naman kasi ako nakapag paalam, naka 69 miss calls na sya kahapon.
"Nasa labas ata,may kausap sa phone" Sagot ni Dianne, tumango naman ako saka lumabas. Nandun nga si Cairo at may kausap sa phone nakatalikod sya kaya di nya ako napansin. Maya maya ay natapos naman ang tawag, pagharap nya ay tinignan nya lang ako ng saglit saka ako nilagpasan. waaah!
"U-Uy Cairo!" Tawag ko dito pero di man lang sya humarap sakin at nagpatuloy lang sa paglalakad kaya sinundan ko naman sya.
"Galit ka?" Tanong ko habang nakasunod.
"Hindi" Di daw pero di ako kinakausap mula kanina.
"Eh bakit ka nagtatagalog?" Tanong ko.
"What's the matter?" Walang gana nyang sabi, ouch naman!
"Cairo sorry na" Naka pout kong sabi, pero di effective,wa pakels parin sya at patuloy lang sa paglalakad paakyat sa kwarto.
"Promise sasagutin ko na tawag mo" Sabi ko at sinundan pa din sya kahit sa pag pasok nya sa banyo.
"Get out sweetheart, I will going to take a bath" Pagtataboy nya. Inaaway na naman ba nya ako?!
"Ayaw,patawarin mo muna ako" Sagot ko
"Tss bahala ka" Sabi nya at nagsimulang mag hubad wahhh.pinaandar na nya ang shower habang ako ay umiiwas sa pag tingin sa baba.
"Enjoying the view?" Cold nyang sabi.napabuntong hininga naman ako saka lumabas.umupo naman ako sa kama at nag iisip kung ano ang pwede kong gawin para maging ok kami ni Cairo,ilang minuto naman ako nag isip di ko pa rin alam ang gagawin.binuksan ko nalang ulit yung phone ko binuksan ko naman ang message.
'See you later sweetheart' Mula to sa number ni Tristan.kumunot ang noo ko? Anong ibig nyang sabihin?
'What do you mean?' First and last reply ko sa kanya.
'Malalaman mo din mamaya' tinago ko ang phone ko nung lumabas si Cairo sa banyo.
*ring* tumatawag na naman si Tristan pero pinapatay ko ito. Nakaka apat na na ring bago napatingin sakin si Cairo kaya tinaasan ko sya ng kilay. Muling namang tumunog ang phone ko nang may nag text.
BINABASA MO ANG
That Gangster Obsession
RomancePlease read book 1 first "My Gangster Twin Obsession"