CHAPTER 52

422 12 0
                                    

Tyron POV

"Finally our boss is here" agad na kumalas ang dalawang chikababe samin ni Travis at lumapit sa boss daw nila.

"Yan boss nyo?" Di ko makapaniwalang tanong nang makita ko ang binatilyong lalaki na naka ngisi ng nakakaasar.

Sumenyas siya na umalis ang dalawang chikababes. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, gago mukhang 18-19 lang to eh.

"Bakit Tyron? Di ka makapaniwala" di ko mapigilang mapa smirk sa paraan ng pananalita niya.

"Di na ako mag tatakha na kilala mo ang gwapo kong mukha. Di naman maipagkakaila na sikat talaga ang mukha ko" buti nalang at nakatali ako dahil kung hindi ay mag popogi sign talaga ako sa harap niya at sigurado mawawalan siya ng malay sa kagwapuhan ko.

"Sinsabi mo bang nagugwapuhan ka sa mukhang yan?" Sabay duro niya sa mukha ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Travis na panget.

"di ko nalang papansinin yang walang respeto mong bunganga dahil mukhang magka edad lang naman tayo" kumunot ang noo nya.

"19 ka din?!" Aba di ba kapanipaniwala na 19 ako kung sakali?

"Ah 19 kalang? Mukha ka kasing 30 kaya akala ko magka edad tayo" panget panget nito tapos kung magsalita sakin parang nakakaangat ah.

"30 kalang pala sa itsura nayan?" Bulong ni travis.

"Gago 26 lang ako.baka ikaw yung trenta,mas mukha kang matanda ka kesa sakin,kamukha mo nga si lolo eh" banat ko pabalik. May gana pa kasing mang asar.

"Kayo nga magka mukha ng lalaking to,baka anak mo moto" napatingin ako sa binatilyo.

"Wengya ang panget panget nyan pano ko magiging anak yan,mukhang baliw ata yan eh katulad mo"

"Ulol! Mas ayaw kong maging anak yan.ayaw nga ata ng magulang niya sa kanya eh"

"At isa pa mukhang di pa nga ata tuli eh!"

"4 inches ba?" Sabay tawa namin ni Travis.

"Tahimik!" Sigaw nung binatilyo sabay tutok ng baril samin.

"Mas mahaba pa ata ang hawak niyang pistol kesa sa alaga niya eh" gatong ko pa.

"Ang sabihin mo mas mahaba pa ang daliri ko"  kinasa ng binatilyo ang baril niya at nag paputok sa paanan namin.

"Katakot naman ng armas mo" asar ko pa at nakipagtawanan kay Travis. Tinutok naman ng binatilyo ang hawak niyang baril sa ulo ko at kinasa.

"Sabi ko tahimik!" Namula pa yung itsura niya.

"Ayan gago ka kasi,umiyak tuloy" hugas kamay ni Travis.

"Malay ko bang iyakin to"

"Sinong iyakin?!" Naiiyak na sabi nung binatilyo habang nanginginig ang kamay. Tss iyakin nga.

"Anong pangalan mo bata?"

"Kevin" sabay pahid niya ng sipon niya. Di ko akalain na napatayo niya ang gang nato sa ugali niyang yan.

"Alam mo Kevin, ganito kasi yan. Sa panahon ngayon...pag 4 inches ka talo ka" rinig ko ang pag hagikgik ni Travis kaya di ko na napigilang mata samin. Naramdaman kong kinakalas ni Travis ang lubid gamit ang maliit na blade. Ulol talaga ang lalaking to, kanina pa kami dito pero ngayon niya lang naisipang kalasin ang tali.

"Sigurado kabang 4 inches ako ha!" Sabay duro niya ng baril sa ulo ko. Sarap tadyakan ah.

"Alam mo bata wala kang mapapala samin, maliban nalang kung balak mong ibenta ang hot kong katawan"

That Gangster Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon