Kelly POV
"Hmmm" Pagdilat ko ng mata ko ay bumungad agad sakin ang imahe ni Cairo na natutulog. Pinagmasdan ko naman sya dahil ngayon ko lang lubos na napansin na ng gwapo pala talaga nya. Gusto ko tuloy syang halikan kaso baka magising sya kaya wag nalang.dinampot ko nalang ang mga damit ko saka nagpalit.
"Morning"
"Ay palaka!" Gulat kong sabi nang magsalita si Cairo.
"gising kana pala--" Di ko naman natapos ang sasabihin ko nang naduduwal ako kaya dali dali akong pumunta sa banyo para sumuka.
"Fuck sweetheart are you ok?! Do you want me to bring you to the hospital?" Naghilamos muna ako bago hinarap si Cairo na gulong gulo pa ang buhok. Ang OA nya eh.
"Ok lang ako at anong hospital ka dyan eh normal lang daw to sa buntis" Paliwanag ko. Tinitigan ko naman sya at napansin ko ang mapupula nyang labi.
"C-Cairo pa kiss" Nahihiya kong sabi, nakita ko naman ang pamumula nya o baka imagination ko lang hehe.
"W-what?"
"Ok lang naman kung aya-" Bigla naman nya akong hinalikan.
"Ms. Kelly!" Napahiwalay ako kay Cairo nang biglang may marahas na kumatok, sa pagkakaalam ko si Tyron yun kaya lumabas na ako ng banyo para pagbuksan si Tyron ng pinto.
"Yow magandang umaga ms.Kelly!" Bati ni Tyron pag bukas ko ng pinto.napatingin ako sa mukha niya, ang cute cute pala nya bat ngayon ko lang napansin?!.
"Mag almusal na daw po kayo sabi ni mr. De Ville" Waahh ang cute nga ni Tyron. Pinisil ko naman ang pisngi nya.
"Aray ms. Kelly anong ginagawa mo?" Di ko talaga mapigilan na di pisilin pisngi nya nang may humatak sakin.
"What the fuck is going on Zabala?you wanna die?!" inis na
sabi ni Cairo habang nilalayo ako kay Tyron."W-wengya hindi boss. Pinapasabi kasi kasi ni mr. De Ville na mag agahan na daw si ms. Kelly" Napakamot pa ng batok si Tyron.
"Ang cute mo talaga Tyron" Sabi ko nalang out of nowhere. Bigla namang nandilim ang aura ni Cairo.
"Wengya larga nako!" Paalam ni Tyron at kumaripas ng takbo, kaya saakin na nabaling ang atensyon ni Cairo.
"Hehe cute naman talaga si Tyron eh" Sinamaan nya naman ako ng tingin.
"Ah m-mag bbreakfast nako hehe" saka ako umalis sa harapan ni Cairo bago pa sya sumabog dun. Pababa na ako sa hagdan nang nadatnan ko si Dianne na parang may hinihintay.
"Oh Dianne bat ka nadyan?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre hinihintay kita, bilin kasi ni mr. De Ville na alagaan ka kung hindi patay na naman kami kung may mangyari sayo" Paliwanag nya.
"Ano naman ang mangyayari sakin tss" Sabi ko at humakbang na sa hagdan.
"Hep!" Napatigil naman ako.
"Dahan dahan lang baka mapano ang pamangkin ko eh!lagot na naman kami kay mr.De Ville nyan" Sabi nya, nagdahan dahan naman ako sa pagbaba ng hagdan.
"Step your left foot first"
"Now the right foot"
"Step slowly"
"Step,ganyan nga Kelly very good" Kumunot naman ang noo ko,wengya seriously?.
"Dianne ano ba marunong akong bumaba ng hagdan ok?!" Inis kong sabi,Tinuruan ba naman akong humakbang sa hagdan.
BINABASA MO ANG
That Gangster Obsession
RomansaPlease read book 1 first "My Gangster Twin Obsession"