CHAPTER 11

1K 32 0
                                    

Kelly POV

"Sweetheart" Tawag sakin ni Cairo kaya napabalik ako sa sarili ko.

"H-ha?" Sabi ko sa kanya. May sinasabi kasi sya pero di ako nakikinig dahil kinakabahan ako pero di ko alam kung bakit. Nandito kami sa garden ngayon at kanikanina lang may nakita akong nagmamasid sakin.

"Are you ok?" Tanong ni Cairo tumango naman ako.

"Oo naman, ano nga ulit yung sinasabi mo na flavor ng ice cream?" Tanong ko dito, di kasi ako nakikinig sa sinasabi nya kanina.

"I'm not talking about ice creams" Sinamaan nya ako ng tingin. oo nga naman bakit naman mag kukwento si Cairo about sa ice creams

"Hehe nagugutom ako eh, gusto ko ice cream"

"Tss fine I'll buy you some" Sabi nya saka ako hinalikan at umalis. Naglibot muna ako sa garden para mahibsan ang kaba ko kahit di ko alam kung san nanggaling.

"Tristan" Usal ko nang makasalubong si Tristan, seryoso naman syang tuningin sakin kaya napalunok ako.

"We need to talk" Sabi neto.

"Tungkol saan?"

"Tungkol satin" Napataas naman ang kilay ko.

"Tungkol satin? Ano naman ang tungkol satin?" Na curious naman ako,wala naman atang may namagitan samin.

"Listen" Panimula neto,nakining naman ako syempre pero di ko maiaalis ang takha sa mukha ko.

"You're beautiful, cute,adorable,and a kind woman but you're not my type" Sa ikalawang pagkakataon napataas na naman ang kilay ko,ang direct naman nya.

"Pake ko kung di moko type? Inassume ko ba na type moko?Bat mo ba sinsabi yan?" diba ako ka type type? Pero ok na rin yun para walang problema.

"I'm telling you this because I want to clear things out, ayaw ko kayong sirain ng pinsan ko.Napag utusan lang ako ni Calista" pag amin nya, Sabi na nga ba eh.

"Si Calista na naman. Pero di mo ba talaga ako type? Diba sinabi mong maganda ako?" Asar ko dito.

"Oo maganda ka pero di ikaw type ko noh" Ouch ah!

"So may iba kang type? Kilala ko?" tanong ko sa kanya tumango naman sya.

"Kilalang kilala" Sagot neto.

"Si Dianne?" Mukhang di naman kasi sila nag uusap o baka pasimple silang nagtatagpo,pinagtataksilan ni Dianne si Travis!.

"No" so hindi si Dianne?

"S-Si Kate?" Sigurado akong si Kate yun

"Sino yun?" Ay di nya kilala si Kate, oo nga naman kakarating lang naman nya dito kaya pano nya makikilala agad si Kate

"Si Calista?" OMG! kaya ba sinusunod nya lahat ng utos ni Calista dahil gusto nya ito? Kaya ba napipilitan lang sya sakin?

"Tss hinding hindi ako mag kakagusto sa babaeng yun masyadong desperada at baliw" natawa naman ako sa reaction nya.

"Eh sino?"

"Si Cairo" agad na Sagot neto na ikinalaki ng mata ko Di naman ako makapagsalita. Anong ibig nyang sabihin?

"Look I'm gay like duh! I don't know nga kung bakit ako ang napag utusan ng chakang Calista na yun" Nalalglag naman ang panga ko dahil sa mga naririnig ko. Nabibingi ba ako o nananaginip? OMG gisingin nyoko!.

That Gangster Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon