CHAPTER 47

713 22 2
                                    

Kelly POV

Iniwan nila si kuya Blaxton na nakatali sa upuan doon sa hide out. Lahat din kami ay umalis dun dahil pati kami ay huhulihin malamang. Hinatid ako ni Cairo sa sa bahay saka umalis ulit dahil babalikan daw nila ang hide out at nag babakasakaling may mailigtas pa silang armas dun.

"What happened?" Napalingon ako kay Dad, magkasama sila ni mom. Napatingin ako sa magkahawak nilang kamay at napabuntong hininga.

"Okay na kayo?" Nag aalalang tumingin si mommy sakin.

"Mag usap tayo?" umiling ako.

"No it's okay wala namang dapat pag usapan" saka ngumiti ako ng peke.

"Kelly, we want to hear you" sabi pa ni mom.

"Alam kong may dinaramdam ka, you are free to tell us" napatikhim ako.

"W-wala naman, nagulat lang talaga ako... You know... I thought..." di ko man lang masabi ng buo ang mga sasabihin ko.

"Kelly I know it's hard for you to forgive your dad but atleast give him a chance" ngumiti pa si mom sakin.

"I'm trying... Really" lumapit si dad sakin ay niyakap ako na ikinagulat ko.

"I'm sorry Kelly I didn't even think about what will happen after leaving the both of you. I'm kinda selfish" ngayon ko lang naramdaman ng yakap ng ama.

"D-dad... Can you give me a time to think first?" Mukhang di ko pa talaga kaya sa ngayon ang patawarin siya.

"Ofcourse Kelly and I will also try my best para makabawi sa inyo ng mommy mo" tumango ako at humiwalay ng pagkakayakap sa kanya.

"Sige magpapahinga na ako" dumiretso ako sa kwarto at ibinagsak ang sarili ko sa kama pero tumayo din ako kaagad para puntahan si Caiden.

"Hi it's mommy" tumingin si Caiden sakin.

"Hey are you okay?" Tanong ko kay Caiden kahit mukhang okay na okay naman siya at ako talaga yung hindi.nilaro ko muna siya habang naghihintay kay Cairo.

*knock*

*knock*

Binuksan ko ang pinto habang karga karga si Caiden. Bumungad sakin si mommy.

"Mom?" Wala pang isang oras kami nagkita wag niyang sabihing miss nya na ako.

"Pwedeng mahiram ang apo ko?" Ngumiti pa sya ng malawak.nagdalawang isip naman ako pero binigay ko na din si Caiden.

"Ayyy ang apo ko, napakagwapo talaga" kinarga niya yun papunta sa kwarto niya. Bumuntong hininga ako bago sinara ang pinto.

"Wala na tuloy akong pagkakalibangan" gusto kong maging busy para di ko maalala si Cairo. Naiinis talaga ako pag di siya nagpapaalam feeling ko may tinatago siya sakin.

Napabaling ako sa pinto nung bumukas yun at iniluwa si Cairo. Gulong gulo ang buhok nito at may mansa pa ng dugo ang kanyang damit halatang galing sa labanan pero mas lalo pa siyang naging attractive sa itsura nya, ugh paano ba binuo ang lalaking to.

"Nakipag away ka?" Kinuha ko ang unan at nilagay sa lap ko. Nangako siya sakin na di na siya makikipaglaban.

"Nah" Sagot nya at hinalikan ako ng mabilis. Tch! Sa itsura nyang yan, halata ngang di siya nakipag laban. Hinubad niya ang damit nya bago kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo. Kailangan ba dapat sa harap ko pa siya maghubad bago pumasok ng banyo?

That Gangster Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon