CHAPTER 53

887 29 21
                                    

KELLY POV

"Saan mo gustong tamaan?" Asar pa niya at tinutok ang baril sa ulo ko. Di ako pwedeng mamatay dito pero mukhang wala na akong choice. Kinalabit niya ang baril ngunit di yun pumutok.

"Ha...mukhang kailangan nating maglaban ng pisikal dahil wala kana ding bala" nakahinga ako ng maluwag,may natitira pa pala akong swerte.at dahil siguradong talo din naman ako sa lalaking to sa pisikalan ay tatakbo nalang ako kung may pagkakataon.

kumunot ang noo ko nang makita kong namutla ang lalaki sa harap ko. Wag niyang sabihin natatakot siyang makipaglaban sakin?.

"Tss how dare you to aim your gun to my woman" di ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yun. Boses palang alam ko nang si Cairo to.

*bang*

Nagulat ako nang biglang tumalsik ang dugo ng lalaki sa mukha ko. Ugh!
Napa smirk nalang ako at pinahid ang dugong tumalsik sa mukha ko.

"Sweetheart I miss you" niyakap niya ako mula sa likod pero siniko ko siya ng malakas dahilan para bitawan niya ako. Hinarap ko si Cairo at dun ko lang napansin na nasa likod niya si Tyron at Travis na may dala pang bangkay ng lalaki.

"Pano nyo nalamang nandito kami?" Nilagpasan ko si Cairo at nilapitan si Tyron.

"Ah yun ba... Magulo kasi yung bahay miss Kelly saka may nagkalat pang dugo sa sahig kaya naisipan naming dumiretso sa malapit hospital namamakasakaling nandito kayo" sabay kamot ng batok si Tyron.

"Ano bang nangyari?" Sulpot ni Travis.

"Oo nga miss Kelly saka okay lang ba si baby Kate ko?"

"Hmm...sumunod kayo sakin dadalhin ko kayo sa room namin" napatingin ako sa dala nilang lalaki.

"Buhay pato" tumango nalang ako at di na pinakialaman ang trip nila. Lumapit sakin si Cairo at tinititigan ako habang naglalakad kami.

"A-are you mad?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Lumayo ka sakin ng limang metro Cairo De Ville baka masapak kita"

"I'm sorry" di nalang ako kumibo at naunang maglakad.

"Miss Kelly ang yun bang lalaki kanina ang sumugod sa inyo?aba gago yun ah buti nalang sakto ang dating namin at walang masyadong napahamak" napakabit balikat nalang ako sa pinagsasabi ni Tyron.

"Parang ganun na nga" nakapasok na kami sa hospital at wala nang katao tao.wala din namang masyadong nasugatan dahil kami lang naman ata talaga ang pakay nila. Nadaanan namin ang mga nakahandusay na kalaban na napatumba namin.ngayon ko lang napansin na madami pala talaga sila.

"Tangina akala ko isa lang ang sumugod sa inyo,bat andaming naka hadusay?" rinig kong angal ni Tyron.

"Those fucking bastards tss!"

"Di ako makapaniwalang napatumba niyo sila miss Kelly.di na pala kami kailangan dito"

Natanaw ko sa labas ang kakarating lang na pulis,konti lang sila pero sakto na para kunin ang mga nakahandusay na kalaban.

"Don't worry they are my men" bulong ni Cairo sa tenga ko.

"Tss diba sabi ko wag kang lumapit sakin" saka di naman ako nag aalala kung mahuli kami ng pulis.

ilang minuto lang ay nakarating na kami sa room kung nasaan nakaratay si daddy. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod, di pako nakatulog pero mukhang mag uumaga na.

That Gangster Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon