Kelly POV
Maaga akong nagising at wala si Cairo sa tabi ko. Tangina?umalis na naman ba siya? Kahapon niya lang sinabi sakin na di na siya makikipag kita kay Calista.
"Ugh Kelly nag iisip ka nanaman ng kung ano ano diba sabi ni Cairo na she's nothing to him daw" pilit ko nalang kinoconvince ang sarili ko bago pa uminit ang ulo ko. Inasikaso ko muna si Caiden.
"Baby Caiden paglaki mo wag na wag mong gagayahin ang dad mo ha, ambad bad niya talaga. May pa 'you two are my life' pa siyang nalalaman tapos di nga man lang marunog magpaalam ng maayos" pinalitan ko nang lampin si Caiden at ginawa lahat ng dapat gawin bago ako lumabas ng kwarto.Napadaan ako sa kwarto ni mom,medyo naka bukas ang pinto kaya naaninag ko siya.
"Lalo kang gumaganda Krystal"
"Ano ba Kindred hihi binobola moko eh" sabay hampas ng mahina ni mom kay dad saka nilagay pa niya ang buhok niya sa likod ng tenga niya.
"Na miss kita mahal ko"
"Na miss din kita mahal ko" umalis ako sa lugar na yun. Akala ko ba sabi niya kahapon na di nya mapapatawad si dad kahit ano pang sabihin nito pero ngayon?!
"Kelly mag breakfast kana sa baba" yaya ni Keyden nang makasalubong ko siya,ngumiti naman ako.
"Pupuntahan ko muna si tita Krystal para sabay sabay na tayong lahat mag breakfast" pinigilan ko naman siya.
"Uhmm wag mo na siguro muna silang istorbohin"
"Sila ni tito Kindred?" nag buntong hininga ako.
"Oo, ang bilis nga nilang magkaayos" humakbang ako pababa ng hagdan habang si Keyden ay naka sunod.
"Baka nag paliwanag na si tito Kindred kaya napatawad na siya ng mom mo" ganun ganun nalang ba yun? Pinatawad niya kaagad, di nga enough ang reason niya eh.
"Wow ang daming pagkain ah anong meron?" andami kasing pagkain na naka handa sa mesa. Si Kate at Dianne ay naghanda ng plato. Napansin ko naman na wala ang tatlo. Si Travis Tyron at Cairo.
"Uhmm nag punta silang hide out" biglang sabi ni Kate.
"D-di naman ako nag tanong" sagot ko. so pumunta sila sa hide out nang wala ako?
"Halata lang kasi sa face mo" saka niya ako hinatak paupo.
"Imbis na mag alala ka diyan, puntahan nalang natin sila dun" kinindatan pa ako ni Kate na para bang sinasabi niya na siguraduhin namin kung si Calista ba talaga ang pinunta ni Cairo dun.
"Hoy Kate sinasama mo pa talaga si Kelly diyan sa bisyo mo noh. Kung nag aalala ka kay Tyron dahil sadyang babaero naman talaga yun pwes ibahin mo si Cairo, loyal yun kay Kelly" gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni Dianne. Bakit ko nga ba pinag iisipan ng masama si Cairo?.
"Pero tara! Puntahan lang natin ang tatlo para makasiguro!" Napailing ako sa sinabi ni Dianne. Ugh sumasakit ang ulo ko.
"Ayoko, kayo nalang. Walang magbabantay kay Caiden pag umalis ako" pinatong ko pa ang baba ko sa aking palad.
"Ano kaba nandyan naman si Keyden, siya ang bahala sa pamangkin ko at isa pa nadyan din yung parents mo...bigyan mo naman sila ng time sa apo nila" sabay hatak pa ni Dianne sakin papalabas. Sumakay kaming tatlo sa sasakyan ni Tyron, nasa kay Kate kasi yung susi niya kaya si Kate ang nagmaneho samin patungong hideout.
"Hoy anong mukha yan? Parang Mas nag aalala kapa kesa samin eh" di naman sa nag aalala ako pero di talaga ako mapakali pag nandun si Calista.
"Andito na tayo" mabilis silang bumaba kaya sumunod din ako.
"Miss Dianne, miss Kate pinagbabawal po munang pumasok ang mga myembro ng gang habang di pa tapos mag meeting ang may matataas na posisyon" pinigilan sila ng guard. Bakit di kami pwedeng pumasok?.
"Anong mataas na posisyon ang sinasabi niyo? Di niyo ba alam ang posisyon namin ni Tyron? Ako ang nasa ibabaw niya kagabi kaya ako ang may mataas na posisyon kesa sa kanya!" Binatukan naman siya ni Dianne.
"Gaga ibang posisyon yung sinasabi niya" napailing nalang ako at umikot sa likod ng hideout para maghanap ng daan. Napunta ako sa field kung saan dito ako unang nag insayo noon gumamit ng baril. Marami pa ding puno dito at walang harang. Nakakita ako ng baril kaya kinuha ko yun.
"Waahh na miss kong humawak ng baril" itinuon ko yun sa mga target na malapit sa kagubatan saka pinputukan iyon pero di ko man lang natamaan.
"Aww! Shit!" Nagtakha ako nang may dumaing. Nilagay ko sa bulsa ko yung baril at tumakbo papalapit sa mga puno.
"Who's there?!" Sigaw ko, napansin kong may nag tatago sa puno kaya agad ko siyang nilapitan at tinutukan ng baril.
"K-kuya Blaxton?" Mas lalo kong tinutok sa kanya ang baril.
"Woah easy Kelly" tinaas niya ang kamay niya.
"Nandito ako para sumuko" sabi pa niya kaya napataas ang kilay ko.
"Talaga? Bakit mo naman gagawin yun at bakit nagtatago ka diyan?" Dahan dahan siyang tumayo pero di yun maayos dahil may tama siya sa binti.
"Nakausap ko na si Kai, akala ko namatay siya noon kaya ko nagawa ang lahat ng nagawa ko. Pero ngayon alam kong buhay pala talaga siya ay kampante na ako. Gusto niyang itama ko ang nagawa kong kasalanan" tinignan ko siya sa mata kung nagsasabi ba siya ng totoo, at mukhang sincere nga sya.
"Patawarin moko Kelly, sa lahat ng nagawa ko" dugtong pa nya kaya ibinaba ko ang baril.
"Sana mapatawad moko" ngumiti naman ako saka siya niyakap.
"K-kuya Blax" he hugged me back.mabait naman talaga si kuya Blax kaya di ko makuhang magtanim ng sama ng loob sa kanya. Sadyang nagulat lang talaga ako sa ginawa niya.
"G-gamutin muna natin ang sugat mo" sabi ko at inakay siya sa hide out. Sa likod kami dumaan dahil di kami papapasukin sa entrance.napatigil naman ako sa paglalakad nang nakatutok ang lahat ng baril sa amin. Nahawi ang daan saka niluwa nun si Cairo na masamang nakatingin samin ni Kuya Blax. Agad niya akong hinatak,ansakit nun ha!. Natumba si Kuya Blax dahil wala nang nakaalalaybsa kanya.
"Bakit kayo magkasama Kelly?" Mahinahon pero halata ang galit sa tono ni Cairo.
"Nandito siya para sumuko--"
"Kill him" utos ni Cairo. Bigla nilang binuhat patayo si Kuya Blax at tinuunan ng baril.
"OMG!" Sigaw ng babae, napatingin ako kina Kate at Dianne na naglalakad papunta samin.
"Blaxton?!" Sigaw ni Dianne habang si Kate ay nagtago sa likod ni Cairo.
"Don't touch me" sabi pa ni Cairo kay Kate dahil nakakapit ito sa damit niya. Ansama talaga ng lalaking to.
"OMG Kelly diba siya yung lalaki na gusto kang saktan?" Di ko lang pinansin si Kate.
"Nandito kalang pala ang hayop ka, ngayon lagot ka sakin. Mkikita mo talaga ang gagawin ko sayong hayop ka, matapos mong saktan si Kelly my friend ay may gana kapang mag pakita dito!" Kinwelyuhan pa siya ni Dianne.
"Dianne tama na, nandito siya para sumuko" pagpapatahan ko kay Dianne, mukhang high blood kasi.
"Nandito ka para sumuko?pulis ba kami?" Tanong ni Dianne kay kuya Blax.
"Gusto ko muna kasing--" di natapos ni Kuya Blax ang sasabihin niya nang sikmuraan siya ni Dianne.
"Bakit ngayon lang ha? Sana matagal mo nang ginawa yan" saka padabog na pumunta si Dianne samin.
"Wag kayong mag alala tumawag na ako ng pulis, papunta na sila dito!" Sigaw ni Kate. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"GAGA KA TALAGA KATE CHAVEZ, MAKUKULONG TAYONG LAHAT SA GINAWA MO!"
-----
BINABASA MO ANG
That Gangster Obsession
RomancePlease read book 1 first "My Gangster Twin Obsession"