Abot-langit na stress ang inabot ni Ellie nang gabing 'yon dahil lang sa lintek niyang ex na stalker na si Gil. Bago siya pinayagan ng ospital na pumunta sa presinto, kinausap muna siya nina Dr. Lavigne at ng head nurse niya. Pinagsabihan siya ng mga ito na sa susunod na may pangyayaring mga gano'n, kailangan niyang ipaalam sa management para mapaghandaan at siyempre for the safety of everyone in the hospital, both patients and staff. . Marami raw kasing pasyente at empleyado ang natensiyon kanina dahil sa ginawang eksena ng ex niya. Bago siya pinayagang makauwi ng mga ito, sinabihan siya ni Dr. Lavigne na magpahinga muna ng ilang araw bago siya ulit bumalik sa trabaho. Ayaw niya sanang isipin kaya lang, pakiramdam niya talaga para siyang na-sanction dahil lang sa kagagawan ng lintek na si Gil!
Nang pumunta naman siya sa presinto para magbigay ng statement, sinabon pa siya ng pulis na in-charge sa kaso niya. Bakit daw kasi hinayaan pa niyang humantong sa gano'n ang pakikipagtaguan niya kay Gil. Nag-explain siya kaya lang hindi benta dito na naawa siya nanay at pamilya nito. Naimbyerna siya sa pulis, nangigigil siyang tunay. Imbes na pakalmahin siya at i-reassure na ayos na siya at hindi na siya guguluhin pa ulit ni Gil, pakiramdam niya pinapalabas pa nito na siya ang may kasalanan sa lahat!
Victim blaming is never right. Kaya minsan, pinapalampas na lang ang mga krimen ng ibang mga biktima ng karahasan dahil na rin sa panghuhusga ng kapwa e.
Kaya naman ng dumating ang nanay ni Gil at muling makiusap sa kanya, hindi na siya nakinig. Sa dami ng kamalasan na nangyari sa kanya ngayong araw dahil na rin sa ex niyang stalker, nunca na siyang makikinig sa mga pakiusap.
Paglabas niya sa police station, noon lang niya naramdaman ang labis na pagod at matinding panlulumo. Paano, malapit nang magbente-kuwatro oras siyang gising tapos ganito pa ang nangyari sa kanya.
Tuliro siyang pumara ng jeep at umuwi. Bukod sa puyat, mas lalo niyang iniinda ang bigat ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya, upos na upos siya. Bakit ba kasi ang ilap sa kanya ng pag-ibig? Hindi naman sa nagmamadali siya, pero parang gano'n na rin. Gusto niyang maranasan ang magmahal at mahalin din ng totoo. Mahirap ba 'yon?
Mula nang maaksidente sa dagat ang mga magulang niya at maulila siya 4 years ago, nag-iisa na lang siya sa buhay. Nineteen years old pa lang siya noon at nag-aaral. Kung wala sigurong insurance na iniwan ang mga magulang niya, baka 'di na siya naka-graduate. Kaunti lang kasi ang kita niya noon sa pagsa-sideline niya ng pagbebenta ng kung anu-ano online.
Maaga man siyang sinubok ng buhay pero pinilit niyang umahon. Nakaahon naman siya kahit papaano. Kaya lang, mabilis din siyang napagod. Nakakapagod maging mag-isa sa buhay. She longed for a family to call her own.
While it's true that she has friends and consider them as family, iba pa rin talaga 'yong may kasama ka sa buhay. 'Yong may magmamahal sa 'yo at mananatili sa tabi mo ano man ang nangyari.
Kaya naman nang maka-graduate siya at makahanap ng trabaho, sinubukan niyang buksan ang puso niya para sa pag-ibig. Una niyang naging boyfriend si Emil. Nagta-trabaho ito sa bangko. Mabait kung sa mabait. Pero sa likod ng kabaitang pinapakita nito sa kanya, nagtatago ang isang hinayupak na babaero na hindi makuntento! Halos wala pa silang tatlong buwan nang mabuking niyang tatlo silang babae sa buhay nito. Pareho nitong nabuntis ang dalawang babae nito. Mabuti na lang subsob siya sa trabaho at hindi talaga maharap masyado ang pakikipag-date rito. Tuwing nagde-date sila, kain lang sa labas nang mabilis dahil kailangan niyang matulog. 'Pag nagkataon, baka nakatatlong panganay agad ang lintek!
Ang sunod niyang naging nakarelasyon, si Don. Naging pasyente niya ito noon sa ospital. Guwapo ito, medyo bugnutin pero maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya. Galing din ito sa maalwang pamilya. Na-enjoy din niya ng halos dalawang buwan ang pagsakay nang salitan sa Bentley, Merdedes Benz, at Audi tuwing hinahatid-sundo siya nito. Kaya lang nang lumaon, lumevel up sa pagiging monster ang pagiging bugnutin nito na resulta na rin ng pagiging alcoholic nito. Unti-unti na rin nitong ipinapakita sa kanya ang mga violent tendencies nito na noong una ay pinilit niyang pagtiyagaan at h'wag pansinin. Hindi na siya talaga nagtaka nang ma-involve ito sa isang rambulan sa isang sikat na bar sa Taguig. Nabugbog ito nang husto at kamuntikan nang mag-50-50. When Don recovered, his family decided to send him to the US for therapy. Bago umalis, nangako si Don sa kanya na kapag gumaling na ito, babalikan siya nito. Ayon, halos isang taon lang ang lumipas, nabalitaan na lang niyang nakapag-asawa na ito ng isang blandina na blue-eyed. Umiyak siya noon nang slight. Pero eventually, natanggap din niyang hindi talaga siya siguro itinadhanang maging human punching bag.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...