Chapter 22: Secret

662 39 33
                                    

"I was looking for you at the farmhouse. Akala ko nando'n ka pa," sabi ni Ivan nang makapasok ito sa maliit na bahay. Matapos niyang mag-iiyak kanina sa kuwarto ni Ivan sa farmhouse, doon na siya dumiretso. Not that she's not happy for the new bundle of joy of Trevor and Sierra. She just finds the farmhouse a little... suffocating at the moment kaya naman umuwi siya sa maliit na bahay. 

"Nagpaalam naman ako kay Manang Tindeng," kaswal na sabi niya habang inilalagay ang lutuan ng rice cooker. Hapon na rin kasi .  Kaya imbes na buruhin na naman niya ang sarili niya sa pag-iisip, pinasya niyang magluto na lang kahit maaga-aga pa. Muli niyang hinarap ang ginagayat niyang sayote na pansahog sa tinola. She wanted to get her mind preoccupied as much as possible. Kapag busy kasi siya, madali siyang nakakalimot. Gaya noon. 

Huminga siya nang malalim nang maalala ang bagong baby nina Trevor at Sierra. The baby is so full of life... a joy, indeed. Muli siyang nakaramdam nang pamimigat  ng dibdib.  Hanggang sa maramdaman niya ang pagyakap ng pamilyar na mga bisig ni Ivan mula sa kanyang likuran. 

"What are you cooking today, baby?" ani Ivan, magaan pang humalik sa  kanyang leeg. 

"'Yong pinakamadali na lang, tinola," sagot niya bago nag-concentrate sa ginagawa. 

Muling ibinuro ni Ivan ang ilong nito sa kanyang leeg bago muling humalik doon. Kung sa ibang pagkakataon siguro, gaya ng mga nagdaang araw,  baka nadala na siya sa pang-aakit nito. Kaya lang iba ang araw na iyon. Marami siyang naaala na hindi na niya dapat pang maalala. 

Huminga siya nang malalim at muling hiniwa ang sayote na pansasahog niya sa tinola. Kaya lang dahil lutang siya at maraming iniisip, hindi niya natantiya ang distansiya ng kutsilyo at daliri niya. Pagdaan ng kutsilyo sa gulay, nahagip niyon ang daliri niya. 

"Aray!" sigaw niya bago nagmamadaling kumalas sa pagkakayakap ni Ivan at dumiretso sa sink. 

Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Nasa hintuturo niya ang ebidensiya ng pagkatuliro niya. Nang itapat niya sa gripo ang ang nasugatan niyang daliri, dumaloy ang sariwang dugo mula sa sugat. At kahit na anong pigil niya roon, hindi niya magawa. Hindi niya kaya. Gaya na rin ng mga masasakit na alaala. Hindi niya mapigilan. Kusang bumabalik. Muling nanakit. 

 Nagmumurang sumunod sa kanya si Ivan. "Sorry, it's my fault," anito bago nagmamadaling pumasok sa kuwarto. Paglabas nito, bitbit na nito ang first aid kit.  "Let me see," anito nang muling makalapit sa kanya.

Magaan nitong kinuha ang kaliwang kamay niya at tinignan ang sugat. Hindi na madugo ang sugat niya, maybe her blood is starting to clot. Trying to heal itself. Trying to recover from the pain. Just like her heart. Always trying to forget.

Maya-maya pa inaya siya nito na maupo sa bamboo sofa. Mabilis itong naglabas ng bulak, disinfectant at band-aid mula sa first ait kit at sinimulan siya nitong gamutin. 

Ivan was gentle while tending her wound. Tahimik din ito. Not his usual naughty self. Siguro, akala talaga nito ito ang may kasalanan kung bakit siya nasugatan. Wala sa sarili siyang napangiti. It was a joy just watching him do things for her.

Ivan is a good man, she thought. He's maybe a little rough around the edges but he's till a good man. 

Muli, nagtangkang humiling ang puso niya para sa kanila ni Ivan kaya lang, mabilis din niyang pinigil. She shouldn't be selfish. 

Nang maikabit nito ang band-aid, kinintalan nito ng halik ang sugat niya. "There, the wound is all wrapped," deklara nito bago ngumiti nang malaki. 

Pinilit niyang ngumiti. "Thank you," malumanay niyang sabi. 

"No biggie, baby," sagot naman nito, inayos ang ilang hibla ng buhok niya na humaharang sa mukha niya. "And since you're wounded, ako na lang ang magluluto, okay?" anito, mabilis pa siyang kinitalan ng halik sa noo bago tumayo. "Just take your shower, Ellie. Ako na bahala dito sa kusina," sabi pa nito bago itinuloy ang ginagawa niya. 

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon