Chapter 9: Saved

749 40 19
                                    

Hindi mapakali si Ivan sa pagpaparoo't parito sa security room ng ospital. Doon siya dumiretso matapos niyang i-report ang pagkawala ni Ellie kanina. He initially talked to the police escorts manning all exits inside the hospital, subalit walang makapagsabi ni isa sa mga ito kung nasaan si Ellie.

Nagbuga siya ng hininga. Alam niya, he had been rude to her for the past days at lalo siyang kinakain ng kunsensya ngayon na nawawala ito. Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya kung bakit siya binubulabog ng ganitong klaseng kaba at nerbiyos. Kung tutuusin, hindi naman niya kaano-ano si Ellie. She's just some random girl who needed his help because he was at the wrong place at the wrong time.

But then again, he knew that someone out there is ready to take Ellie to wherever no matter the cost. And him knowing that fact doesn't settle well with his conscience should something happen to Ellie on his watch.

Tama, 'yon lang 'yon. Just his protector's instinct all hyped up.

"Dammit!" inis niyang usal bago tumingin kay Paul habang nire-review nito ang CCTV footages ng ospital.

"Patience, Sandoval," saway ni Paul sa kanya ang mga mata nasa computer sa harap nito. Kasama nito ang isang security officer sa pagre-review ng CCTV.

Halos kadarating lang ni Paul galing Maynila. May inasikaso raw kasi itong importante sa security agency na pag-aari nito at ng pinsan nitong si Eric Samaniego-dati rin niyang kasamahan sa The Org. Natawagan na rin niya si Matt. Sinabi niya rito na nawawala si Ellie. Nagsabi ito na pupunta sa Batangas, kung saan siya kasalukuyang naka-confine, pagkatapos ng shift nito. They had tried calling Ellie using the satellite phone given by Matt kaya lang, iniwan pala nito iyon sa sofa na hinigaan nito. Kaya heto sila ngayon, like looking for a needle in a haystack.

Tumaltak siya, lalong nainis. "She's been gone for hours now, Paul. Tanghali na. Imposible namang walang nakapansin sa kanya sa mga bantay ng building."

"If you're implying it's an inside job, imposible 'yang iniisip mo, Sandoval. Those policemen outside are trusted even by my Dad. Hindi nila magagawa 'yang iniisip mo," puno ng pagbabantang sagot ni Paul, marahas pang bumaling sa kanya.

"Baka nakakalimutan mo, someone I considered family betrayed us that's why Andie was killed," seryosong sabi niya, umigting ang panga.

Hindi ito umimik, tumitig lang sa kanya bago muling itinuloy ang pagre-review nito sa CCTV footages ng ospital sa computer. "When did you see her leave Ivan's room, Tito Ramon?" baling nito kay Dr. Echiverri na kasama rin nila sa loob ng security room, sa tabi nito nakatayo ang head ng security ng ospital.

"Around 5:30 in the morning," sagot ng doktor.

Nagbuga siya ng hininga. Lalo kasing bumigat ang dibdib niya. Hindi naman masikip ang silid subalit pakiramdam niya nasu-suffocate siya.

"There. That's Ellie," ani Paul. Tinuro nito ang babaeng dumaan sa hallway patungo sa canteen ng ospital around 5:45 in the morning.

Mabilis siyang lumapit sa kaibigan at pinanood ang footage. Nakita niya kung paano nagpalinga-linga si Ellie bago ito alanganing huminto sa kalagitnaan ng hallway. Para itong nakakita ng iniiwasan nito. Maya-maya pa, nagmamadali itong umatras at naglakad sa ibang direksiyon. Ilang minuto pa, dumaan ang ilang pulis sa hallway patungo sa canteen. Those are the same policemen who told him that they saw Ellie early walking on that hallway. Ang akala raw ng mga ito may binili lang sa canteen.

Muli siyang nagbuga ng hininga at napakamot ng ulo. Where could she possibly be?

Muling napuno ng kung anu-anong eksena ang isip niya. Marahas din siyang umiling upang mapalis iyon.

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon