Aburido si Paul habang hinahanap sa kanyang opisina ang file kung saan niya nakita ang kaparehas na kuwintas na binigay sa kanya ni Lola Purita. He's sure he had seen that necklace somewhere. Hindi lang niya matandaan kung kaninong kaso. Mas mapapadali sana ang paghahanap niya kung may database ng cases and evidence ang opisina nila. Kaya lang, mukhang nadala na sa computer programs ang ang pinsan niyang Eric, ang kasosyo niya sa Samaniego Security Agency o SSA.
Masyado kasing naging vulnerable sa mga kaaway ang The Organization-- ang dating agency na kinabibilangan nina Eric at ng mga kaibigan-- dahil sa paggamit ng database. Naging madali sa mga kaaway ng The Organization na matunton ang lahat ng protectors noon dahil sa database ng opisina. It had caused the massacre of most of the protectors. Including, its director, Chief Elias Sandoval, the father of Ivan.
Kaya naman sa SSA, old school sila, they still use papers for filing. Lalo na sa mga sensitibong impormasyon. Gayunpaman, bukod sa laging nakahanda ang self-destruct mechanism ng opisina sakaling ma-compromise ang mga hawak nilang files, dadaan muna sa ilang layer ng security check ang sinumang magtangkang tumingin man lang sa personal filing cabinet niya. Carlo, his friend, a former protector and an IT expert, made sure of it. And though he came in late to join his cousin's business, ayos pa rin sa kanya na panatalihin ang ganoong kalakaran.
Not until now na hindi niya mahanap ang hinahanap niya. Humugot siya ng random folder mula sa filing cabinet niya. He quickly browsed it before tossing it back to the pile of papers he had on his table.
The picture he's looking for is not there. Again!
Naihilamos na niya ang kamay sa kanyang mukha. The exhaustion is getting at him and he's beggining to feel iritated. Mag-aalas-siete na rin kasi ng gabi. At mula sa Pangasinan, doon siya sa SSA dumiretso.
And he cannot slow down, not even if he wants to. Something in his gut was telling him to keep looking for clues. Now!
Pagod siyang umupo sa swivel chair niya at nag-isip. Maya-maya pa, nakarinig siya ng katok sa pinto ng kanyang opisina.
Agad siyang napakunot-noo. The agency closes at 5 PM. At malapit nang mag-alas siete ng gabi. Who could that possibly be gayong alam niyang umuwi na ang mga empleyado nila? And only the CIA people in the underground offices are working.
Marahan siyang tumayo at binunot ang kanyang baril na nakakubli sa kanyang likuran bago naglakad palapit sa pinto.
"Sino 'yan?" he said in a serious tone.
"It's E."
Lalo lang siyang napabuga ng inis na hininga. Mabilis niyang binuksan ang pinto at pinagbuksan ang pinsan.
"Hindi kita nakitang dumating," anito bago sinulyapan ang hawak niyang baril. "Are you really going to shoot me?" natatawang tanong nito.
Tumaltak siya bago mabilis na isinuksok sa kanyang likuran ang baril. "Malay ko ba kung may kalaban. Besides, it's late. What kind of employee would stay this late in the office when we don't offer effin overtime pay!"
Natawa si Eric, tinapik ang magkabilang balikat niya. "Relax, cuzzo. 'Yan ang napapala mo sa matagal mong pagiging reservist. Nagiging nerbyoso ka. You should've accepted the offer when they called you for active duty."
"I'm not interested. At saka anong nerbiyoso? I'm exhausted, Eric," reklamo niya.
Eric chuckled. "I told you. We could've sent some of our men in Pangasinan instead of doing the investigation yourself. Kinuha kitang partner ng agency ko para kapag may nangyari sa akin, tuloy pa rin ang SSA. But look at you, not even a year into the business and here you are looking like you only got days to live!" biro nito.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...