Pilit na nanlaban si Ellie kahit na kinakaladlad na siya ng mga lalaki patungo sa van. Sa nagpapanic niyang isip, alam niyang kapag nagtagumpay ang mga lalaki sa pagkuha sa kanya, iyon na ang simula ng kamatayan niya. Subalit kung mamatay rin lang siya, mamatay siyang lumalaban. Inipon niya ang buong lakas sa kanyang mga kamay at ubod lakas niya iyong inigkas.
"Tang'na!" anas ng isang lalaki nang tumama iyon sa pisngi nito. Humigpit lalo ang paghawak nito sa braso niya.
Lalo siyang nagsisigaw. Marahas siyang umiling, napapikit at napaluha.
Ano ba itong nangyayari sa kanya? Sana man lang may tumulong sa kanya.
Maya-maya pa, naramdaman niya ang pagbitiw ng isang lalaki sa braso niya. Agad siyang nagmulat. Namulatan niya ang pagbitiw ng isa pa at ang mabilis na pagbagsak nito sa lupa.
"Miss, takbo na!" mabilis na utos ni Ivan sa kanya habang nakikipagsuntukan sa isa pang lalaki na naka-bonnet.
Nanirik ang lohika niya. Bakit parati na lang sumusulpot si Ivan sa tuwing kailangan niya ng tulong?
Hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Gustuhin man niya, nanginginig ang mga tuhod niya. Pinanood niya ang pagbagsak ng lalaking kasuntukan ni Ivan. Humihingal na bumaling si Ivan sa kanya.
"Dammit! Nandiyan ka pa?" inis na sabi nito bago siya hinila patungo sa kotse nito, sa likod mismo ng puting van.
Pinasakay siya nito sa passenger's seat. Hindi siya tumutol o umimik man lang. Pakiramdam niya para siyang robot na sunud-sunuran dahil nakatengga pa rin ang lohika at huwisyo niya sa kung saan mang kalawakan.
Pagkasakay na pagkasakay ni Ivan sa driver's seat, agad nitong pinaharurot ang kotse palayo.
"Hey, ano bang atraso mo talaga?" anito ang mga mata nakatutok pa rin sa daan.
Sinubukan niyang magsalita subalit nanginginig ang mga labi niya. Pakiramdam niya ngayon pa lang nagsi-sync in ang nangyari sa kanya ilang minuto lang nakalilipas. Tila siya nahimatay at ngayon lang nagkakamalay.
Mabilis na prumoseso ang lohika niya. Inisip niya nang husto kung sino ang maaring gumawa sa kanya ng masama. Kaya lang... wala talaga siyang maisip.
Maya-maya pa, biglang nabasag ang side mirror sa banda niya. Taranta siyang nagtitili.
"Shit!" anas naman ni Ivan bago bumaling sa likuran ng sasakyan. Napatingin na rin siya sa likuran. Nakabuntot ang puting van sa kanila! Napasinghap siya.
"S-sinusundan nila t-tayo," wala sa sarili niyang bulong.
"Whomever you have pissed, is serious in getting back at you, Miss," sabi ni Ivan bago inabot ang glove compartment. Maya-maya pa, hinugot nito roon ang isang... baril.
Nanlaki ang mga mata niya. She had never seen a gun that close in her entire lifetime!
Walang sabi-sabing inilapag iyon ni Ivan sa kandungan niya. Nahigit na niya ang hininga, lalo siyang ninerbyos.
"Ikasa mo," sabi ni Ivan habang binibilisan ang pagpapatakbo sa kotse nito.
Taranta siyang napatingin dito. Para kasi siyang nabingi sa sinabi nito. "H-ha?"
"Sabi ko, ikasa mo," pag-uulit nito, ang mga mata pinaglilipat-lipat sa daan at sa side mirror ng sasakyan.
Lalo siyang nahindik.
Jusko, ikasa daw!
Ngayon lang nga siya nakakita ng baril sa malapitan paano niya iyong ikakasa?
Napalunok siya. Ano ba itong napasok niya?
Nakarinig siya ng ilang putok mula sa kung saan. Ilang segundo pa, nabasag ang back windshield ng kotse. Gumewang rin ang sasakyan sandali. Napatili siya ulit at napayuko.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...