Alas-siete na ng gabi nang magpasyang umuwi si Ellie. Nag-volunteer si Simon na ihatid siya gamit ang tricycle ng tatay nito. Sumama sa paghatid sa kanya si Kristina. Malayo pa lang, nakita na niya ang bulto ni Ivan na nag-aabang sa kanya sa labas ng bahay.
May sumundot na sakit sa dibdib niya nang maalala niya ang eksena kaninang bago siya umuwi. At kahit na mag-deny to death pa siya, clearly, she was jealous of Mercedes kaya niya piniling mag-walk out kanina. At kanina, habang nakatambay siya kina Kristina at nagbabalat ng mangga, she sorted out her feelings. Pinagsabihan na niya ang puso niya na hindi siya dapat nasasaktan dahil technically, hindi naman talaga sila magkaano-ano ni Ivan. At ni katiting wala siyang makitang interes sa kanya ni Ivan. Nakakadismaya man, for Ivan, she is just another job. Na siya naman talagang totoo. Kaya wala siyang karapatang pigilan ito kung gusto nitong makipaglampungan sa sino mang babaeng gustuhin nito.
Kanina, bago siya umalis kina Kristina, alam na niya ang gagawin niya-- ang iwasan si Ivan and keep their ward-keeper relationship as civil as possible until she goes back to her life because that's the right thing to do. Pero bakit gano'n? Ngayon na nakita niya ulit si Ivan, parang naguguluhan na naman siya. Ginugulo na naman ng puso niya ang lohika niya.
Nang marating nila ang maliit na bahay, unang bumaba ng tricycle si Kristina. Sumunod siya. Agad na tumalim ang mga mata ni Ivan nang makita siya. She swallowed. Hard. Base kasi sa facial expression nito habang nakatingin sa kanya, he was neither happy nor angry. And for the life of her she doesn't know why she's scared. At saka bakit ito pa talaga ang magagalit e siya na nga ang naudlot nang ilang oras ang pahinga dahil sa pakikipaglampungan nito kay Mercedes!
Lumipad ang tingin ni Ivan kay Simon na noon ay nasa tabi na niya.
Kumaway nang maliit si Kristina kay Ivan bago ito nagsalita. "Ivan, nalate ng uwi si Ellie kasi--"
Hindi na naituloy pa ni Kristina ang sasabin nang hinablot agad ni Ivan ang braso niya at hinila siya papasok sa bahay. Napasinghap siya. Kumabog na din ang dibdib niya. Mabilis niyang nilingon ang mga kaibigan. Gulat na mga mukna nina Simon at Kristina ang nakita niya. She awkwardly waved them goodbye and tried her hardest to smile to send them a signal that she's okay.
Kaya lang, nang makapasok sila ni Ivan ng bahay, pabalibag nitong sinara ang pinto. Napaigtad siya sa gulat. Hindi nagtagal, narinig niya ang tunog ng papalayong tricycle ni Simon.
For a while, they just stood there in the middle of the living room, angrily silent.
"What's with you, Ms. De Leon?" paangil na tanong ni Ivan, maya-maya. "Kanina pa kita hinihintay a. May I remind you that we are not here for leisure or for damn flirting. We are here to hide!"
Marahan siyang nagbuga ng hininga. Gusto niya sanang patulan ang galit nito kaya lang pagod na siya sa buong maghapon. And the least she wants to do right now is engage in a verbal battle with Ivan. Kaya imbes na sumagot, umirap siya at dumiretso sa kuwarto niya. Sumunod ito. Mabilis siyang kumuha ng pamalit niya at dumiretso sa banyo. Sumunod ulit ito sa kanya. Matapos niyang mailagay sa sabitan ng damit ang mga pamalit niya, nakita niyang puno ang maliit na drum. Mukhang nag-igib ang kumag. Mabuti naman. Isasara na lang niya sana ang pinto ng banyo nang muli siya nitong hawakan sa braso.
"I'm talking to you, Ellie! Ano ba?"
Ayaw niya sanang patulan ang pagmamarakulyo ng kumag kaya lang pinipika siya nito. Napilitan siyang harapin ito. "Ikaw, what's with you?" kalmado subalit may bigat niyang tanong. She scoffed. "Nabitin ka ba? Is two hours not enough playtime for you and Mercedes, huh?"
Shit! She sounded like a jealous feelingerang girlfriend! Pero wala na siyang pakialam. Kung galit ito dahil na-late siya ng uwi, dapat malaman nito na ang dahilan ay dahil ang wrong timing na pakikipaglampungan nito kay Mercedes!
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
Storie d'amoreMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...