Chapter 41: Tomorrow

649 39 22
                                    

Dahan-dahang napatayo si Ellie mula sa pagkakaupo niya sa harap ng hapag nang makita nita si Ivan na umahon mula sa mancave nito. She had been sitting in the dining for hours... waiting for Ivan to come out of his personal space.

Ivan didn't have breakfast. Matapos niyang sabihin dito ang plano niya kanina, hindi na siya nito kinausap. Alam niyang galit ito dahil sa sinabi niya. And she knew he can't take his anger on her kaya nito piniling magkulong.

At base sa pagtingin nito sa kanya ngayon, hindi pa rin humuhupa ang galit nito.

"L-lunch is ready," alanganin niyang pahayag, pilit niyang pinasigla ang boses.

Nagbuga ito ng hininga, umiwas ng tingin bago naglakad patungo sa hagdan. "I'm not hungry," sabi pa nito bago tuloy-tuloy na umakyat ng hagdan.

"Ivan, please..." tawag niya sa asawa. Pero tila wala itong narinig, tumuloy lang ito sa pag-akyat.

She heaved a deep sigh. The heaviness in her heart grew.

Napahawak pa siya sa kanyang tiyan nang makaramdam siya ng bahagyang pagsipa doon. Mukhang nararamdaman din ng baby niya na may tampo ang tatay nito sa kanya.

Lilipas din ang tampo ni Ivan, naisip niya. Kapag handa na itong makinig, magpapaliwanag siya tungkol sa desisyon niya.

Bumaling siya sa mesa. Guess she'd have to clean the table and keep the food she had prepared without it being touched. Una niyang niligpit ang baso at plato sana para kay Ivan. Pero dahil hindi niya nahawakan nang maayos ang plato, nadulas iyon at nahulog sa sahig.

She shrieked when she heard the shattering sound it created.

Pumalatak siya at pinagalitan ang sarili. It was obvious, lumilipad ang isip niya. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sinabi-sabi pa niya kay Ivan ang gusto niyang mangyari. She planned of explaining to him the reason behind her decision pero basta na lang siya nitong nilayasan kanina. She knew her decision came as a shock.

"Tanga lang ang hindi magugulat sa desisyon mo. Ayos na nga e. Tapos gusto mong maghiwalay kayo? Gaga ka ba?" panenermon ng isang bahagi ng isip niya.

Kumibot ang labi niya. Wala sa sarili niyang inilapag muli ang baso sa mesa at yumuko upang pulutin ang ilang piraso ng nabasag na pinggan. At dahil lumilipad ang isip niya, hindi maganda ang pagpulot niya sa basag na plato. Nasugatan tuloy ang daliri niya sa talim niyon.

"Aray!" aniya bago tumuwid ng tayo at kuyom ang mga kamay na tinungo ang lababo. Pagbukas niya ulit ng palad niya, she saw fresh blood oozing out from a cut on her middle finger. She instantly put her hand under running water.

Napangiwi pa siya nang maramdaman ang hapdi mula sa sugat. Maya-maya pa, nakaramdam siya ng mga yabag na papalapit sa kanya. Nang lingunin niya, nakita niya si Ivan, bitbit nito ang ilang piraso ng nabasag na plato. Mabilis nito iyong inilagay sa trash bin bago lumapit sa kanya.

Sandali pa itong tumitig sa kanya bago masuyong hinawakan ang kamay niyang may sugat. He breathed heavily while staring at her wound. Maya-maya pa, tumalikod ito at pumunta sa banyo. Pagbalik nito, bitbit na nito ang first aid kit. Walang imik nitong inabot ang kamay niya at sinimulan siyang gamutin.

"Galit ka sa 'kin?" tanong niya sa asawa habang nilalagyan nito ng antiseptic ang sugat niya. Hindi ito umimik. Nagpatuloy lang sa ginagawa nito. "Ivan?"

Nagbuga ito ng hininga. "I know that you know that I cannot get angry at you," walang ganang sagot nito, bago nilagyan ng band-aid ang sugat niya. "Umakyat ka na. Ako nang bahalang magligpit dito," sabi pa nito bago niligpit ang first-aid kit at muling ibinalik sa CR.

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon