Chapter 4: Again

819 43 20
                                    


Tikwas ang nguso ni Ellie habang inaayos ang mga gamit  sa locker niya. Paano, kanina pa siya pinaguusapan sa canteen ng mga chismosang mimosa na katrabaho niya sa ospital. Hindi lang siya sikat ngayon sa Angelicum Hospital dahil sa panggugulo ni Gil. Nakarating rin pala sa mga chismosa ang pagkakasangkot niya sa raid sa bar tatlong gabi na ang nakararaan. Iba tuloy ang pagtingin-tingin ng mga kasama niyang nurse na lalaki sa kanya. 

Buwisit na buwisit siya. Hindi man lang itinago ang mga malilisyosong pagtingin sa kanya tuwing makakasalubong siya o makakausap man lang. Dapat talaga malagkit at may kasamang kindat? Anong akala ng mga ito sa kanya, kaladkaring babae na makukuha sa isang kindat lang?  Mga kalipunan ng judger talaga! Gigil na gigil siyang tunay!

Kaya heto siya ngayon, breaktime niya subalit mas pinili niyang magmukmok sa quarters nila imbes na magkape. Na-trauma siya talaga siya kaninang dinner habang kumakain siya sa canteen. Muntik na niyang tarayan at talakan ang mga echoserang judger at mga manyakis. Buti na lang talaga nagpigil siya. Ayaw na niya sa eskandalo e. Kotang-kota na siyang talaga. 

Napaupo siya sa bench sa harap ng locker niya. Hindi pa rin siya talaga makapaniwala na sa loob lamang ng ilang araw dahil sa isang malas na gabi, magbabago nang ganito ang buhay niya. 

Kung sabagay, ngayon niya napagtanto kung sino ang mga plastik at hindi na mga kasama niya sa trabaho. Ang sabi nga nila, sa panahon ng krisis, doon lumalabas ang mga tunay na ugali ng tao. Kaya naman alam na niya ngayon kung  sino ang totoong tao sa mga kasama niya at kung sino ang mga echoserang froglets. Kung sino ang plastikada at orihinal. Kung sino-sino ang mga true at false.

Napairap siya. Akala mo mga anghel kapag may kailangan pero mga demonyitang judger pala deep inside. Malampasan lang niya talaga itong ordeal na 'to, nunca na siyang makikipagpalit ng duty sa mga chismosang mismosa at manyikas na umaapi sa kanya ngayon. 

Muli niyang ini-lock ang locker niya. Tapos na ang breaktime niya. Sinipat niya ang wristwatch niya, pasado alas-nueve pa lang ng gabi. Alas-onse pa ang out niya. 

Napabuga siya ng hininga. Muli niyang isinapuso ang mantra niyang for the service of  human welfare. Maya-maya pa, lumabas na siya sa locker room nilang mga empleyado. Pagbalik niya sa emergency room, para siyang sumuot agad sa ibang dimensyon. Kung anong payapa sa locker room, gano'n naman sa ka-toxic-kan ang naabutan niya sa ER!

May dawalang vehicular accident. Ang isa nag-flat line at kailangang i-revive and isa naman kailangang ma-operahan agad. May isa naman na natuklaw daw ng ahas. Kung anong klase, hindi masabi ng batang biktima. Tapos ang isa, matanda, mukhang inaltapresyon. Masakit daw ang batok at nahihilo. 

Binilisan niya ang paggalaw. As per instruction ni Dr. Matt na attending physician ulit sa ER, kinabitan niya ng IV ang lalaking nag-aagaw buhay at dadalhin sa operating room. Sunod niyang kinausap ang batang natuklaw daw ng ahas. Maingay ang bata. Pati ang nanay nagpa-panic. She had to calm herself too because it's her first time to handle such case. Nang dumating ang dalawa pang trauma doctors na reinforcement sa ER saka pa lang siya nakahinga nang maluwag. Ang ibang mga kasamahan naman niya ang umasikaso sa matandang inaaltapresyon.

Araw-araw, ganoon ang eksena sa ER. Walang giyera at hindi sila mga sundalo subalit  sa maliit na espasyong iyon ng ospital, araw-araw silang nakikibaka para sa buhay ng mga pasyente nila. Kung sa iba, puwedeng umatras o umayaw sa trabaho, sa trabaho niya hindi. Hindi rin siya puwedeng magmabagal, because every second counts. And should she fail, it will cost a patient's life. A life none of them in that room could ever replace once taken.

Matuling lumipas ang oras. Patapos na ang shift niya nang tawagin siya ng head nurse niya at kinausap. 

"Kumusta ka na, Ellie? Okay ka lang ba talaga? Naririnig ko 'yong mga--" 

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon