Stage 4 Lung Cancer.
Iyon ang sakit ng tatay ni Ellie. Halos isang taon na pala itong lumalaban sa kanser. At habang nag-aalaga siya ng mga may sakit sa ibang bahagi ng bansa, naroon ang ama niya, sa liblib na lugar na iyon, lumalaban sa sakit nito nang mag-isa.
One of life's ironies, naisip niya.
Tinanaw niya si Ivan na nasa labas ng kubo. Nakatayo pa rin ito malapit sa dalampasigan, nakatanaw sa namamaalam na araw.
Muling naagaw ang atensiyon niya nang bumangon sa papag ang kanyang ama. Pahirapan itong umupo kaya inalalayan niya.
"Siguro po, dapat muna kayong magpahinga," sabi niya.
Pilit itong ngumiti at umiling. "Bisita ko kayo. Ako ang pilit nagdala sa inyo rito," anito bago sinubukang tumayo. Kaya lang muntik ulit itong nabuwal. Mabuti na lang nakaalalay pa rin siya. Maingat niya itong ibinalik sa papag.
"Kami na po ang bahala sa sarili namin ni Ivan, Papa," umpisa niya bago ibinaling ang tingin sa de kahoy na kalan at sa masaganang pagkain na nasa mesa. The table was filled with a medley of dishes and fruits. At napipiga ang puso niya sa isiping inihanda iyon ng kanyang ama sa pagdating nila ni Ivan. But then her jerk of a husband greeted her father with a jab and strangulation.
Napairap siya sa naisip.
Naiintindihan na niya ngayon kung bakit ang pagkidnap lang sa kanya ang naisipan nitong paraan upang makita siya.
"E-Ellie?" alanganing tawag ng tatay niya sa kanya. Mabilis niya itong nilingon. "Maari na ba kitang tawaging Ellie?" Mabilis siyang tumango. Tumitig naman sa kanya ang tatay niya pagkatapos. Maya-maya pa, marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. "Naging mabait ba ang tadhana sa 'yo, anak?"
Hindi siya agad nakasagot. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga alaala ng pagsubok na pinagdaanan niya. How she got hurt. How she stumbled to the ground. And how she chose to stand up and continue living.
But all of those were needed for her to be at that very moment, to finally be reunited with her father.
It was alright. Every thing was alright, she thought.
Wala sa sariling siyang napatango. Ngumiti naman ang tatay niya. "Mabuti kung gano'n," anito bago ibinaling ang tingin kay Ivan na nasa dalampasigan pa rin. "Mabuting tao ang asawa mo, anak. At naniniwala ko na talagang sinadya ng tadhana na para kayo sa isa't-isa," dugtong pa nito. Pahapyaw na niyang naikuwento rito kung paano sila nagkita at nagkakilala ni Ivan. But she filtered the painful parts. Her father is going through so much to burden him with the struggles she had already overcome.
Good thoughts. She wants her father to only learn of good things about her life.
Like Ivan.
Meeting and falling in love with Ivan is the best thing that had ever happened to her. Si Ivan ang nagturo sa kanya na posible palang magmahal at mahalin sa kabila ng lahat ng hadlang. That the power of love goes beyond faults and mistakes. That in this broken world, one can expect a perfect kind of love from the person meant to be for and be with you. And that love is possible even to a heart that has been broken many times.
Marahil naramdaman ni Ivan na nakatingin silang mag-ama rito kaya ito lumingon. Magaan itong ngumiti nang tumitig sa kanya bago naglakad pabalik sa kubo. And just like that, Ivan took her breath away once again. Siguro hindi na siya masasanay doon. Masyado niya talaga itong mahal na ang bawat gawin nito, para sa kanya, mahalaga at bago.
Nang makabalik ito sa kubo, agad itong bumaling sa tatay niya. "Gusto ko lang pong itanong kung gaano kalayo ang lugar na ito sa bayan?"
"Mga tatlumpung kilometro at halos isang oras rin na biyahe, Ivan," anang Papa niya, pinilit na muling maupo sa papag.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...