"Ito na 'yon?" tikwas ang ngusong tanong ni Ellie kay Ivan nang huminto sila sa tapat ng isang maliit na bahay na gawa sa semento. Madilim pa ang paligid kaya hindi niya gaanong masiguro kung ano ang nakapaligid sa bahay. Ang sigurado lang siya, nasa ibaba sila ng bundok, sa tapat ng isang malawak na bukirin.
"Yes, ito na 'yon," mapaklang sabi ni Ivan bago pinatay ang makina ng lumang motorsiklo na pinahiram sa kanila ni Trevor. Iniwan nila sa farm house ang Range Rover upang hindi raw pansinin.
Pansinin kanino, malay niya. Basta kaninang ginising siya nito, wala pang alas-singko ng umaga, gising na rin si Trevor. Sandaling nag-usap ang magpinsan. Kung anong pinag-usapan ng mga ito, malay niya ulit. Nahihilo siya kasi sa puyat. Bilang lang niya kasi sa daliri kung ilang oras siyang natulog. Napahaba kasi ang oras ng pagdarasal niya kanina. Nakaidlip pa nga yata siya habang nakaupo at nakapangalumbaba sa hagdan ng portico. Basta, ang sigurado siya, nang mahimasmasan siya, pinapasakay na siya ni Ivan sa lumang motorsiklo.
Napahikab siya, muling sinuri ang lugar. Mula sa 'di kalayuan, natatanaw na niya ang unti-unting pagsikat ng araw.
Maingat siyang bumaba ng motorsiklo at niyakap ang hawak niyang bag na naglalaman ng iilan niyang mga gamit. Karamihan doon, mga damit na binigay sa kanya ni Paul bago sila umalis ng Batangas. Pakiramdam niya tuloy, parang naulit muli ang buhay niya from 3 years ago--mula nang umalis siya sa Pangasinan at nanirahan sa Maynila.
Ivan walked pass at her bago sinusian ang pinto at marahang itinulak pabukas iyon. The door creaked open. Napalunok siya sa tunog na nilikha niyon.
Bakit kaya imbes na love nest, mas nagiging horror house ang tingin niya sa bahay?
Napangiwi siya.
Humakbang si Ivan papasok ng bahay. Maya-maya pa, nagliwanag na ang loob niyon. Saka pa lamang siya kumalma at humakbang papasok.
Pagpasok niya, agad niyang ipinagala ang tingin sa loob. Sa bungad ay ang maliit na sala na may pahabang upuan na kawayan at coffee table sa gilid. Sa bandang kaliwa naman, naroon ang sink at single burner na lutuan. Nakasandal ang foldable plastic table sa malapit niyon at isang pares monobloc chairs. Sa tabi niyon ay ang ref na may katamtamang laki. Katabi naman ng ref ang isang pinto na hindi pa siya sure kung banyo o kuwarto.
Napanganga siya nang mapatingala siya. Tinalo ng mga agiw ng maliit na bahay ang mga agiw ng horror house sa perya!
Jusko, panahon pa 'ata ng Hapon huling nalinis ang bahay. Kung hindi man siya mamatay sa bala, sure siyang mamatay sa hika or respiratory distress!
Tikwas ang nguso niyang ibinalik ang tingin kay Ivan. Napairap siya. Ang maalikabok at maruming bahay na 'yon pala ang pinagpuyatan niya kanina.
E kahit saang sulok wala siyang makitang kaaya-aya. Pakiramdam nga niya, isinasabuhay niya ang horror movie na Cabin In The Woods. It was no near the love nest he annoyed her with last night.
Aminin man niya o hindi, medyo disappointed siya.
Umirap na siya at humalukipkip. "So, dito tayo magtatago?" aniya.
"Yes," sagot nito bago ibinaba sa coffee table na gawa sa kawayan ang dala itong bag.
Muli niyang iginala ang tingin. "Pina-exorcise mo na ba ang bahay na ito?"
Natawa ito. "Wala lang talaga sa hitsura, pero walang multo rito, Ellie."
"Pa'no mo nasisiguro? This house could be a crime scene before for all you know!" nanlalaki ang mga matang rason niya.
Her fears are valid. Who in their right mind would build a house at the foot of the mountain? Jusko! Mga may pinagtataguan lang ang gumagawa no'n!
Natigilan siya. Oo nga pala, nagtatago siya.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...