Lukot ang mukhang muling nag-angat ng tingin si Ellie sa kumag na sinungaling. Anong pinagsasabi nito na asawa siya nito?
Hindi dahil sa sinagip siya nito sa mga kaaway niya at tinutulungan ngayon, idagdag pa na guwapo ito at sure siyang crush na niya, hahayaan na niya itong mag-take advantage sa kanya nang gano'n gano'n na lang!
Ano ito, sinusuwerte?
Jusko! Iadya niyo po ako!
Mabilis niyang siniko ang tiyan ng kumag at tinulak ito palayo. Napauklo ito at sinapo ang tagiliran. Imbes na maawa at mag-sorry, inirapan niya ito.
Bumaling siya sa kaharap nilang tinawag ni Ivan na Trevor. "E S-Sir, hindi po kami talaga mag-asawa. M-may kaunti lang po akong problema kaya ano... ano... tinutulungan ako ng kumag este ni Ivan."
Nagmura si Ivan, sapo pa rin ang nasaktan nitong sikmura. Naniningkit ang mga matang tumingin ito sa kanya pagkatapos. Hindi siya nagpatinag sa masamang tingin nito. She glared at him too. Magsindakan sila hanggang kinabukasan, hindi niya ito aatrasan.
Umigting na ang panga nito. Mabilis nitong hinuli ang braso niya at hinila siya nito palayo kay Sir Trevor.
"Ano bang problema mo, Ms. De leon? Bakit ka naniniko? " mabilis na tanong nito, salubong ang kilay.
At siya pa talaga ang may problema. Namaywang na siya. "Wala akong problema, Mr. Sandoval. Baka ikaw ang may problema at tsinitsismis mo do'n sa lalaki na mag-asawa tayo! Jusko ha! Manginig ka." Humalukipkip siya at napairap.
He scoffed. "Pinapaalala ko lang sa 'yo na hindi tayo nagpunta rito para magbakasyon. Nandito tayo para magtago. Should I just give away your identity then to ever person in this damn mango farm?"
Napakurap-kurap siya. Kumibot-kibot ang mga labi niya. Gets na niya ngayon ang point nito. Magpapanggap silang mag-asawa to conceal their identities. Pero kahit gets na niya ang drama, parang lalong ayaw tanggapin ng huwisyo niya. Kinakabahan pa nga siya lalo.
Siguro dahil para lang iyong mga kuwento sa mga librong nabasa niya. Magpapapanggap sila na mag-asawa tapos mahuhulog sa isa't isa. Tapos may darating na kontrabida at masasaktan siya. Tapos after few years magkikita ulit sila kaya lang may problema. At ipaglalaban nila ang pagmamahalan nila hanggang sa matigok silang dalawa.
Lalong kumabog ang dibdib niya. Lalo siyang napatanga. Jusko! Sa dami ng drama sa buhay niya hindi pa ba siya nagsasawa?
And more importantly, bakit nakarating na doon ang isip niya? Hindi ba siya masyadong advanced?
Malakas na pitik sa tapat ng mukha niya ang nagpabalik sa huwisyo niya sa kasalukuyan.
"You're spacing out, Ms. De Leon," saway ni Ivan sa kanya.
"H-ha?"
Humugong ito at marahang umiling.
"A-ayoko 'yang drama mo. Ibahin mo. Gawin mo kong katulong, assistant, chimay o aliping sagigilid, basta h'wag lang asawa mo," alanganin niyang tanggi.
He scoffed. "Para sabihin ko sa 'yo, Ms. De Leon..." Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "The likes of you are not my type. I'm just being professional here. Walang malisya. Walang personalan."
Lihim siyang umirap nang maramdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Nakaka-strike two na ang kumag sa kanya ngayong araw. At sadyang lunod na lunod na ang kahihiyan niya sa putikan pero wala siyang magawa!
"Tapatin mo nga 'ko, do you like me, Ms. De Leon?"
Mabilis siyang bumaling dito. Nakangisi ang kumag, pinapabukol ang dila sa loob ng pisngi nito.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...