Chapter 23: Alone

614 40 10
                                    

Kabado si Ellie habang nakaupo sa receiving chair sa opisina mismo ni Police Capt. Javellana. Madilim pa kanina nang bumiyahe sila ni Ivan paalis ng farm at pagdating na pagdating nila sa Maynila bago magtanghali, doon sila dumiretso. 

Wala sa sarili niyang pinagsalikop ang kanyang mga nanginginig na kamay. Ang sabi ni Capt. Javellana sa kanya, kailangan daw niyang i-identify ang mga kidnappers niya. Kung siya ang masusunod, ayaw na niya sanang gawin 'yon. Kaya lang, protocol daw iyon upang lalong tumibay ang kaso niya. Hindi naman daw siya mag-iisa habang ginagawa 'yon. Kasama rin niya ang mga naging biktima ng kidnapping group. Pero kahit na. Hindi pa nga siya halos nakaka-recover sa trauma na dulot ng muntikan na niyang pagka-kidnap tapos makakasama niya mismo sa loob ng isang silid ang mga kidnappers niya? 

Napabuga siya ng hininga. Sinubukan muling pakalmahin ang sarili. 

Kaya mo 'to, Ellie. Madali lang naman. Ituturo mo lang sila pagkatapos puwede ka nang umuwi, sabi niya sa loob-loob niya. 

Pag-uwi

Saan nga ba siya uuwi? Ni hindi nga siya sigurado kung saan siya uuwi. Ang sabi kanina ni Capt. Javellana, hindi raw siya puwedeng umuwi muna sa kasera niya kung saan siya naninirahan nang mag-isa.  E saan naman siya puwedeng magtago sa Maynila? 

Puwede sa mga kaibigan niya. Kaya lang, natatakot siya na madamay ang mga ito sa kaguluhan sa buhay niya. Puwede rin siyang umuwi muna sa Pangasinan. May ilang araw pa siya bago bumalik sa trabaho. At least doon, puwede talaga siyang magtago. 

Kaya lang, makikita na naman niya ang mga kamag-anak niyang pulos plastikada at mukhang pera. 

Lalo siyang napabuntong-hininga. Kung ikukumpara niya ang buhay niya 3 years ago, mas magulo 'ata ngayon. At least noon, walang humahabol sa kanya. May mga nambubwisit siyang kamag-anak but that's all they could do to her, annoy her. Ibang-iba ngayon na buhay na niya ang nakataya. 

Marahang umingit pabukas ang pinto ng opisina ni Capt. Javellana. Agad siyang napalingon sa direksyon niyon. 

 "Sa conference room tayo, Ms. De Leon. Handa na ang press conference," ani Capt. Javellana na niluwangan pa ang pagkakabukas ng pinto ng silid. Doon niya napansin na nakatayo sa likuran ng pulis si Ivan. Bahagya itong sumulyap sa kanya bago mabilis ding umiwas ng tingin. 

Kumurap siya at marahang tumayo. Gusto niyang palisin ang pamumuo ng luha niya. Aminin man niya o hindi, nasasaktan siya sa kakaibang pagtrato sa kanya ni Ivan ngayon. 

Gaga ka ba? Sa tingin mo may lalaking matutuwa na ginawa mo siyang kabit? panenermon ng isip niya. 

Hindi naman niya 'yon sinadya. Plano naman niya talagang magsabi kay Ivan tungkol sa totoo niyang sitwasyon. Kaya lang... masyadong naging mabilis ang pagyayari sa pagitan nilang dalawa. 

She fell for Ivan. Hard and fast. One time they hated each other's presence  and the next thing she knew, they can't get enough of each other's body. Tapos nag-propose pa ito agad. Who in their right mind would do that? Halos mag-iisang buwan pa lang silang magkakakilala. 

Other people get married for much lesser reason and time, paalala ulit ng isip niya.  

That's true but... She wanted Ivan to propose to her, yes. But not now.  Hindi pa maayos ang buhay niya e. At ayaw niyang paasahin si Ivan kaya niya tinanggihan ang proposal nito. Hindi niya kasi alam kung hanggang kailan ang aabutin sa pag-aayos niya sa lintek na kasal niya. Paano kung abutin 'yon ng forever? Kaya ba ng kunsensiya niya na itali si Ivan sa isang relasyon na kahit kailan hindi puwedeng maging legal sa mata ng Diyos at tao? Kaya niya ba? 

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon