Chapter 3: Threatened

940 43 3
                                    

"Sige na, Joyce. Isang date lang ulit," ani Ivan kay Dra. Joyce Javellana, isa itong resident pediatrician sa Angelicum Hospital and Medical Center. Kapatid ito ng kakilala niyang pulis at minsan na niyang naka-date sa isang bar ilang buwan na ang nakararaan. From then on, he was smitten. 

Sino ba naman ang hindi? Joyce has it all-- an angelic face, a bombshell body, with a little bit of sass but more of kindness. 

"Ivan, not today. Busy ako," malumanay na sabi ni Joyce, bago hinarap ang tumpok ng paperworks na nasa harapan nito. Kumuha ito ng isa at tahimik na nagsulat doon.

"Ano ba kasi 'yan? Ako na lang gagawa," aniya bago sinilip mula sa likuran nito ang ginagawa nito. Those are  patient charts. Ni hindi nga niya mabasa kung anong nakasulat doong diagnosis tapos nagmamagaling pa siyang magvolunteer na tutulong?

Agad siyang napangiwi. Kung identification  siguro ng iba't-ibang parte ng baril 'yon baka kaya pa niyang gawan ng paraan. But giving diagnosis to sick kids, he better let his hands off from that.

Ngabuga siya ng hininga at muling umupo sa receiving chair, sa harap ng mesa nito. 

"I don't like being stared at, Ivan," malumanay na sita ni Joyce maya-maya, ang mga mata nasa papel pa rin.

"Pumayag ka na kasi. Isang date lang naman this week, Joyce. Promise ko sa 'yo hindi tayo magtatagal gaya nang nakaraan."

Nag-angat ng tingin ang doktora. Pinaningkitan pa siya ng mata, nanantiya. "Ganyan din ang sinabi mo sa akin no'ng nakaraan. Hindi na ako naniniwala sa 'yo," anito bago muling itinuloy ang pagsusulat. 

That was last weekend. After ng 36-hour duty nito, pinagbigyan siya nito sa pangungulit niya at isiningit sa schedule nito dahil gusto niyang makita nito ang bahay na pinapatayo niya Tagaytay. Ang sabi kasi nito noon, ang gusto nito sa isang lalaki, family man-- handa sa pagpapamilya, mayroong sariling bahay at hindi subsob sa pagta-trabaho. Kaya naman ginawan niya talaga ng paraan. He bought a place of his own, hired a contractor and built his dream house overlooking Taal Lake. Nagtayo rin siya ng negosyo doon. Dalawang water stations na may kani-kaniyang franchise ng isang sikat na 24-hour convenience store. Gusto niyang makita ni Joyce na kung sakaling sagutin na siya nito, handa na siya at talagang seryosong magpamilya. 

Nakita naman ni Joyce ang mga efforts niya, natuwa ito nang bahagya. Kaso, nag-aya din ito agad na umuwi dahil kailangan na raw nitong matulog. Agad naman siyang tumalima kaya lang,  na-badtrip talaga ito nang ma-traffic sila pauwi sa Maynila. Tatlong araw siya nitong hindi kinausap o sinagot man lang ang mga tawag niya. 

Pati nga ang kuya nito na si Pol. Capt. Elmer Javellana, nabad-trip din sa kanya e. Hindi raw dapat nito tinatakas-takas nang gano'n-gano'n lang ang kapatid nito. Buti na lang talaga, matagal na silang magkakilala nito, baka kung hindi nakatikim siya ng suntok dito. 

"I promise you, we will be quick," susog niya ulit. "Kakain lang tayo, tapos ihahatid na kita sa inyo."

Nagbuga ito ng hininga at binitiwan ang ballpen nito bago umayos ng upo. "Hindi mo 'ko tatantanan hangga't hindi ako umo-oo, 'no?" Mabilis siyang umiling. "Fine. One date on Sunday. One hour lang dahil kailangan kong matulog, Ivan."

Ngumiti na siya at tumayo. "Noted. You'll enjoy that one hour with me on Sunday," aniya, mabilis pang kinuha ang isang kamay nito a hinalikan ang likod niyon bago kumindat. Naglakad na siya papunta sa pinto ng opisina nito. Nakahawak na siya sa seradura nang muli niya itong linguniun. "Joyce?" Nag-angat ulit ito ng tingin. "E ngayon, ayaw mong mag-date?"

Nalukot na nang husto ang mukha nito. "Ivan!" anito, kontrolado ang boses. Kung ibang babae siguro 'yon, nagsisigaw na sa inis. But not his Joyce. Never his soft-spoken Joyce.  

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon