Lihim na napabuga ng hininga si Ivan nang marating niya ang coordinate na nakalagay sa text message na natanggap niya mula sa number ni Ellie.
There was nothing there. Just a local fishport in Laguna-- just boats and fish dealers busy trading their goods.
Bumaba siya ng sasakyan niya at naglakad-lakad. Huminto siya sa isang lumang yate na nakahimpil sa mismong daungan. Madilim sa parteng iyon. Wala ring tao.
Maya-maya pa, tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya iyong hinugot sa kanyang bulsa at binasa ang text message.
D'yan ka lang. H'wag kang gagalaw, anang mensahe.
Agad siyang nag-angat ng tingin at sinubukang hanapin kung sinoman ang nagmamanman sa kanya. Ngunit bago pa man niya tuluyang maiikot ang mga mata sa paligid, may kung ano nang tela ang pumulupot sa ulo niya. Nagpumiglas siya subalit mabilis na itinali ng kung sino man ang mga kamay niya sa likod niya bago siya tinulak papasok sa sasakyan na narinig niyang pumarada sa harap niya. Natumba siya sa flooring ng sasakyan. Lihim pa siyang napamura nang tumama ang pisngi siya sa isang matigas na bagay.
Maya-maya pa, umandar na ang sasakyan palayo. Hindi siya umimik, nakiramdam siya. Ilang sandali pa, nasanay din ang mga mata niya sa loob ng sakong gawa sa tela na nakalagay sa ulo niya. Mula sa malamlam na ilaw na nanggagaling sa post lights na nadaraanan nila, napagtanto niyang nasa likuran siya ng sasakyan kasama ang ilang tool box at iba pang abubot na basta na lang inilagay doon. He cursed under his breath. Doon siguro tumama ang pisngi niya kanina. He took a few more deep breaths before helping himself to sit down.
"Sino kayo? Saan ninyo dinala ang asawa ko?" gigil niyang tanong sa mga kumuha sa kanya. Nang hindi sumagot ang mga ito, nagbanta na siya. "Don't let me get away or I'll rip your faces out of your heads!"
Natawa ang isang lalaki. "Relaks ka lang. Darating din ang oras mo. Hintayin mo." Nakitawa na rin ang mga kasama nito.
Tatlo. Tatlong boses ang narinig niya. Muli niyang inaninag sa tela ang mga ito. Kumpirmado tatlo lang ang kasama niya sa loob ng sasakyan. He tried wriggling his arms against the rope binding him. His right wrist moved with ease. Kung mabibigyan siya nang ilang minuto pa, kayang-kaya niyang makawala roon. Then he'd get to punch in the throat these three assholes who took him. But then, hindi niya malalaman kung saan siya dadalhin ng mga ito o kung naroon ba si Ellie sa pagdadalhan ng mga ito sa kanya.
He let out a harsh breath.
Silence. Yes. That's what he must do. Be silent and attack at the right moment.
Muli siyang nakiramdam sa paligid habang inaabala niya ang sarili sa tuluyang pagtanggal ng pagkakaposas ng kamay niya. They travelled for another 15 minutes, memorizing every curve and bump on the road. Malapit na niyang matanggal ang pagkakatali ng mga kamay niya nang huminto sila.
Pilit niyang inaninag ang lugar subalit hindi gaanong naiilawan paligid. Tanging ang nag-iisang ilaw lang mula sa malayong poste ang naaninag niya. When he turned to his right, he saw an abandoned house-like structure surrounded by tall trees and shrubs. Lihim siyang napamura. Kung hindi siya nagkakamali, ilang daang metro rin iyon mula sa mismong main road kung saan sila lumiko kanina. Tiyak na pahirapan ang gagawin niyang pagtakas mamaya.
Narinig niya ang pagbukas at marahas na pagsara ng mga pinto sa front seats ng sasakyan. Maya-maya pa, bumukas ang backdoor. May mga kamay na sumunggab sa kanya bago siya hinatak palabas ng sasakyan. At dahil hindi handa ang mga tuhod niya sa ginawang paghila ng mga kidnappers, natumba siya sa lupa.
Napamura siyang muli. His knuckles itched and wanted to punch the guy who dragged him without warning right there and then.
Be silent and attack at the right moment, he reminded himself.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...